DS6: JEALOUSY

311 15 0
                                    

Jhopet's Pov

"Uy pre magbola tayo mamaya doon sa gym" wika ni Martin na ngayon ay naupo sa tabi ko.

"Mamayang lunch break pre" sagot ko naman

"Sige. Inaya ko na din sila Jerwin tas Renz" sabi nito habang nakatitig sa isang babae.

"Uy! Kung nakakatunaw lang yang mga tingin mo tiyak kanina pa tunay si Cristine" pabirong wika ko

"Ganda niya no'!" Sabi nito at umukit ang ngiti sa kanyang labi

"Ligawan mo na" sabi ko naman

"Hmp! Alanganin ako jan. Manhater pre!" Sabi nito at ikinunot pa ang noo na halos magbunggoan ang mga kilay.

"Subukan mo. Malay mo diba?" Sabi ko naman

"Mag-iipon muna ko ng lakas ng loob!" Sabi nito atsaka tumawa.

"Hahaha. Gago ka! Sa dami na ng babaeng pinaikot mo ngayon ka pa ba matotorpe?" Wika ko

"Iba siya pre. Iba si Cristine Cerezo. Ewan pre pero iba talaga to. It must be love.." Sabi niya saka pa tinaas taas ang kilay.

"Naks naman. True love ba yan! Hahaha lakas makabading ng usapan natin" sabi ko saka kami tumawa hahahaha.

+++++++++

Lunch break na .. Gaya ng napag-usapan namin kanina ay naglaro kami ng basketball sa may gym.

"Nagugutom na ako." Sabi ni Jerwin

"Tara kain muna tayo" aya ni Patrick

"Tara. Tara" aya ko naman agad naman sila nagsitayo. Mula sa kinauupuan nila. Nagkanya-kanyang bihis na kami.

Nandito kami ngayon sa may locker room. Hiwalay ang locker room ng mga player.

"Ano tapos na ba kayo?" Tanong ni Martin habang hawak ang celphone niya.

"Hoy Renz dalian mo jan" sabi ni Jerwin

"Sandali lang pre" sigaw nito

"Ano ba kasing ginagawa mo diyan. Bat ba kabagal mo!" Sabi ko

"Nagb-bihis lang sandali." Sigaw nito mula sa isang cubicle sa may CR

"Osige!"

Matapos ang ilang minuto ay di pa din lumalabas si Renz.

"Renz ano ba! Inabot ka na ng syam-syam dyan. Magpapasko na hoy!" Sigaw ko saka kami bahagyang tumawa.

++++++

Renz's Pov

Pagkatapos namin magbasketball ay nagpunta kami sa locker room ng mga player. Nakahiwalay kasi ito sa iba pang locker room.

Pumunta ako sa pinakahuling cubicle para mag shower.

Pagpasok ko ay agad na may humawak sa aking kamay at itunutok ang kutsilyo sa lewg ko.

"S-sino ka?" Tanong ko dahil hindi ko makita ang mukha dahil na din sa nakatalikod ako sakanya.

"Sssshhhttttt!!! Wag kang maingay Renz"sabi nito at agad naman na ipinosas ang kamay ko.

Babae? ..

Agad ay nilock niya ang pinto at tinukuran ito ng isang mahabang tubo. Dala niya siguro ito. Marahil ay plinano na niya ito.

" Wag kang magkakamaling humarap! Kung ayaw mong magkaroon ng gripo yang leeg mo!" Sabi nito na bahagya ng nakadiin ang kutsilyong hawak niya sa leeg ko.

Dark Secrets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon