.......
Ilang minuto nga lang ay bumilis ang takbo ng eroplano hanggang sa tuluyan ng lumipad..Hindi maipaliwanag ni berto ang kanyang naramdaman ng mga oras na yun..parang matatae o masusuka (DYOS KO!!..DYOS KO!!).. habang nakapikit at paulit-ulit na nagdadasal.
Pagkalipas pa ng ilang minuto ay patag na ang eroplano sabay sa pagdilat ng kanyang mga mata..at tingin sa kanyang katabing lalake na nakangiti sa kanya..LALAKE: hahaha..ganyan talaga pag unang sakay..
Tawa nalang ang sagot ni berto sa pagkaka sabi ng lalake.
Ilang oras pa ang lumipas ay muli na naman naramdaman ni berto ang takot ng pa baba na ang eroplano..pag kahinto ng dahan-dahan ay sya ring dilat ng kanyang mga mata..LALAKE: ok na..andito na tayo sa maynila..
BERTO: maynila na po ba ito..(sabay silip sa bintana)..
LALAKE: oo..tara sumunod ka sa akin para hindi ka mawala at maligaw..Habang nag lalakad ay saya at lungkot ang nararamdaman ni berto ng mga sandaling yun..SAYA dahil mabibili na nya ang mga gustong laruan at damit ng mga anak nya.. LUNGKOT dahil dalawang taon nyang di makikita at makakasama ang mahal nyang pamilya.
Isang oras pa silang maghihintay para sa susunod na kanilang lipad..BERTO: matagal na po ba kayo sa saudi?..anu nga po pala ang pangalan nyo..ako nga po pala si robert..pero berto nalang po ang itawag nyo sa akin yun po kasi ang nakasanayan ko..(sabing nakangiti)..
LALAKE: jose ang pangalan ko..matagal narin akong nag aabroad..mga limang taon nrin..
BERTO: sa saudi lang po ba ang limang taon na yun?..
JOSE: oo..nang matapos ko ang two years kong kontrata ay nagbabakasyon na ako kada taon..
BERTO: maganda po ba ang saudi?..
JOSE: maganda rin..pero dimo naman mapapansin kagandahan ng saudi..kasi panay trabaho..umiikot ang buhay dun ng dalawang taong KAIN, TULOG, TRABAHO, ..kung minalas malas ka pa eh may bonus na PAG-IYAK..dahil na mimiz mo ang pamilya mo..PASKO, BIRTHDAY, NEWYEAR, at ang mga oras na kailangan ka ng anak mo sa tabi nya pero alam mong malayo ka..pag dimo nilabanan ang homesick ay siguradong masisira ang ulo mo..hahaha..
BERTO: ganun po ba?..sabi nila may napupugutan daw at nilalatigo sa saudi..totoo po ba yun?
JOSE: totoo yun!..kaya dapat maingat mong sinusunod ang mga batas nila..marunong kang mag masid sa paligid..piliin mo mga sasamahan mo para di ka mapahamak..un ang hindi alam ng mga naiiwan nating pamilya dito sa pinas ang panganib na pwdeng manyari satin sa saudi..makita lang nila sa picture na nakangiti at maganda ang background sa likod mo..sasabihin na nila na masaya ka sa saudi..tumaba ka lang ng onte sasabihin nila na ok ka at maraming pera..dika minsan makakareply o makakasagot sa tawag may babae ka na..hindi manlang nila naisip na baka nagpapahinga ka at tulog o may sakit ka..masama pakiramdam mo dika makakilos ng maayos ..mararanasan mo rin ang lahat ng yan pag dating mo dun..
BERTO: magulo po pala ang sitwasyon..
JOSE: hahaha..talagang magulo..Saglit naputol ang pag uusap ng dalawa ng biglang magtawag na upang pumasok ng eroplano. Pagkapasok ay sabay ulit abot ng ticket sa istiwardes..
Magkahiwalay na sila ng upuan ni jose sa pagkakataon na yun. At dumeretso na si berto sa kanyang upuan..
Pag ka upo ay..nanibago sya dahil may monitor na sa harapan ang eroplanong sinasakyan nya ngayon At simpleng pinagmamasdan na tila ignorante sabay tingin sa kanyang paligid.
Bahagyang nagulat ng may umupo na sa tabi nya..isang babae..isang babae na ang katabi ni berto ng mga oras na yun. Sumandal sa pagkaka upo at tila nakikiramdam sa kanyang katabing babae..pasimpleng tinitignan ang kilos ng babae habang kinakalikot ng babae ang monitor sa harap ng upuan.. Pagkakuha ng babae sa headset ay sabay sandal sa upuan.
Nakita ni berto ang mga kilos ng babae at ginaya nya ito..kinuha ang headset at nag pipindot sa monitor ngunit di nya alam ang gagawin sapagkat arabic ang mga sulat sa monitor..pasimpleng tinignan ang monitor ng babae..(bakit sa kanya english..bakit sakin anu bang sulat to..)..(teka.. parang..na aalala ko ang mga sulat na to..tama! Arabic to..parehas ng sulat na nasa agency may ispada pa nga at puno ng nga'-nga'..)..(kaya pala arabic ang sakin kasi sa saudi ako pupunta..siguro sa amerika ang punta niya kaya english ang kanya..)..ang mga salitang naglalaro sa kanyang isipan..(makatulog na nga lang)..lapag ng headset sabay sandal sa upuan..
Pagkaraan ng ilang minuto at lumipad na ang eroplano. At si berto paulit ulit uling nagadadasal habang nakapikit..nang pumatag na ulit ang eroplano ilang minuto lang ay naglapitan na ang mga istiwardes upang mag bigay ng pagkain at maiinom. Habang si berto naman ay patuloy na nag mamasid sa paligid..
Pagkalapit ng istiwardes upang mag alok sa babaeng katabi ni berto ng pagkain ay maigi nya itong pinapakinggan upang pagtanong sa kanya ay alam nya na ang isasagot..
At nagawa nya ngang maayos ang lahat kung anu ang kinakain at iniinom ng babae ay ganun din ang kanyang kinakain at iniinom.."Pagkatapos kumain ay".. ..
.......
BINABASA MO ANG
☆ABROAD (ofw)☆
Short Story"Umalis ka para mag trabaho sa ibang bansa para sa pamilya..pero pano kung ang pag alis mo pala ang syang magiging dahilan sa pag guho ng iyong mundo?"..