"ABROAD - 4"

103 3 0
                                    

.......

(paano ang gagawin ko?...saan ako pupunta?..).. muling tanong sa kanyang isipan..
       Ilang saglit pa ay may humintong sasakyan malapit sa kanya. Bumaba at inilabas ang papel sabay binasa ni berto ang nakasulat.. (pangalan ko yun ahh!!..ako yun!!..sundo ko na un..)..ang sabi sa sarili habang mabilis na lumapit..

DRIVER: robert perez?
BERTO: mi!.. .mi!..aym!.. aym!..(mabilis na sagot)

"Nilagay ang maleta sa likod at sabay sakay sa sasakyan"..

DRIVER: haw ar yu?..
BERTO: gud aym bery gud..

"Ang pag uusap ni berto at ng driver na indiano na parehas hirap sa english"

DRIVER: perstaym hir?..wats yor neym?..mi solaiman..yu?
BERTO: mi..berto..yis perstaym
SOLAIMAN: pilipini..pilipini number one..yu it olredy?
BERTO: yis pilipino..it.. ..no.. ..no maniy.. ..mi no maniy saudi
SOLAIMAN: okey..mi gib pud..

       At dumeretso na nga ang dalawa sa lugar kung saan ang accomodation..
       11:00pm na ng makadating si berto sa lugar kung saan siya tutuloy..
        Pagka baba ng sasakyan ay nakita nya na ginagawa palang ang gusali..at sa parking area ay may mga flywood na pinag tagpi tagpi..

SOLAIMAN: go dat room ..hab pilipini olso der..
BERTO: dat my room?
SOLAIMAN: yes.. ..go..chek pilipini der..

       Pinuntahan nga ni berto ang pinagtagpi tagping flywood..(uuyy pare bagong dating..)..ang sabi ng isang pilipinong andun..(kamusta nga pala ang biyahe?..ako nga pala si aldrin..)..muling sabi ng pilipino..

ALDRIN: at eto naman si GORGE, at sya si BRYAN ayun naman si TOTO..
TOTO: (tungo lang ng ulo)..
GORGE: kamusta pre!..(sabay tungo ng ulo)
BRYAN: kamusta..(sabay tungo ng ulo)
BERTO: ako nga pala si robert..berto nalang ang itawag nyo..
ALDRIN: hahaha..ayus..may bago tayong kasama na kakamot sa ulo!..hahaha..
BERTO: huh?..anung ibig nyong sabihin?..
ALDRIN: anung agency mo ALBATRA?..
BERTO: hinde..galing akong leyte..tacloban..
ALDRIN: akala ko albatra..un kasi agency na nanloko sa amin..
TOTO: ...na'h!. ..bilatseng albatra na yan..kay ang kumpanyang palang ito di ma'an nakarihistro kya iba gamit naming OEC..
BERTO: bakit..pano kayo naloko?..
ALDRIN: ..ang sabi kasi samin panay overtime..tapos may mga pilipino na daw ditong nauna..e walang hiya pagkadating namin ay apat lang kaming pilipino dito..tapos iba pa ang trabaho namin dito..pipefiter ako..sa electrical ako dinala..pag minalas malas..mag babakbak ka pa ng simento..delay pa ang sahod..kahit nga food allowance delay..
TOTO: aku ma'an wilder aply ko..pag dating di'to jack hammer na'h hawak ko!..bilatse!..

       Habang patuloy na nag sasalita si toto patuloy naman sa pag iisip si berto..(kala ko pag abroad o asa saudi ka masarap ang buhay at masaya..)..ang sabi sa sarili..

ALDRIN: sige na pare pahinga ka na muna at mukang pagod ka sa byahe..at  bukas mapapasabak ka na sa trabaho..hahaha
BERTO: medyo napagod nga ako sa byahe at paghintay ng sundo..

[KINABUKASAN]

       Maagang gumising si berto para mag punta ng opisina ng kanyang kumpanyang papapasukan..
       Pagkatapos ay dumretso sa lugar kung saan sya mag ta-trabaho pagkadating ay..(haw ar yu aym binod yor porman)..ang sabi ng lalaking nepali.

BERTO: gud murneng aym berto..
BINOD: go  dat  wey.. ..klin  dat.. ..okeh!?
BERTO: klin??..aym  work  mason..
BINOD: ya.. ..ay'nuw!.. ..no work meson naw so nid  klin  dat  perst.. ..okeh'?..

       Tumalikod na si berto at nagpunta na nga sa tinuturo ng kanyang forman..(pare!..ano balita..)..ang tanong ni aldrin..

BERTO: pinag lilinis ako..linisin ko daw yun.. (sabay turo sa tambak na kalat..)..
ALDRIN: hahaha..sabi ko saiyo eh!..this is NASCO!
BERTO: dito muna ako..linisin ko nalang para di ako pagalitan..

       Habang nag lilinis ng basura..(naku anong gagawin ko..?..)..(deley daw ang sahod..)..(pano ko makaka usap ang asawat anak ko?..)..(wala pa akong pambili ng selpon..)..mga tanong sa isip..
      
Pagkauwi sa bahay ay pagod na pagod si berto..daling nagbihis at humiga sa kama..

GOERGE: tara pre punta tayong bakala[tindahan]..
TOTO: ma'sabaw  ki'ta  goerge?..
BERTO: ..huh'..anu yun?..
BRYAN: hahaha..tindahan yun..sa salitang arabic..wag kang mag alala ma tututo karin..
BERTO: wala akong pera..
ALDRIN: huh?!!.. bakit di kaba binigyan ng allowance mo?..
BERTO: wala eh..pinakain lang ako ng kaning dilaw na may halong manok kagabi..at yung natira ay kinain ko kaning tanghali..
ALDRIN: hahaha..kabsa tawag dun..ayun ang madalas kiinin dito..
GOERGE : pahiramin muna kita ng 20ryl..

       At nag tungo nga sila sa store at habang naglalakad..(ang laki pala ng kalsada dito apat na sasakyan ay kasyang dumaan sabay-sabay). (At sobrang layo pala ang tindahan..)..(araw-araw lalakarin namin ang ganito kalayo para bumili ng ulam?..)..mga salita sa isip..

BERTO: saan nga pala kayo sa atin?
ALDRIN: batangas ako..
GOERGE: ako mindoro
TOTO: ilunggo ma'an..
BRYAN: marinduque..
ALDRIN: firstym mo bang mag abroad?
BERTO: oo..nag babakasakali na umangat sa buhay kahit konte..
GOERGE: lahat ng nag a-abroad ganyan ang plano..kaso tska mo lang malalaman ang lahat pag dating mo dito sa saudi..hindi lahat ay maganda ang kumpanyang napupuntahan..ang iba pa nga..lalo na ang mga pilipina dito..may ginagahasa, binubugbog, at pag minalas papatayin pa sila..mahirap mag abroad..alin kung may mapapasukan lang tayong trabahong maayos sa pinas..bakit pa tayo makikipag sapalaran sa saudi!..eh mag apply ka nga lang ng bagger satin kailangan ay college grad ka at 5'7 o 5'6 dapat ang height mo..ganyan kahigpit sa atin..kaya tayong mga asa probinsya na di nakatapos ng pag aaral sa bukid ang bagsak!..
ALDRIN: oo pati dapat..wala ng age limit.. mahalaga ay ekspiryensado ka ganun lang dapat hindi yung tatanungin ka kung anu tinapos mo?, saan ka nag aral?, At pag nalaman na hindi kilala ang school mo eh!..sasabihin na tatawagan ka nalang nila..

Habang patuloy sa paglalakad...

.......

      

☆ABROAD (ofw)☆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon