"ABROAD, MASARAP PAKINGGAN PERO DITO MO MASUSUBUKAN ANG LAHAT NG HIRAP SA BUHAY!"
(hello!..hindi kita marinig.. ..kamusta na kayo ng mga bata?..nakuha mo na ba yung padala ko?..miz na miz ko na kayo ng mga bata... mahal na mahal ko kayo..!)..ang maririnig mong mga salita sa mga pilipino na ofw sa ibang bansa tuwing araw ng sahod..
"Sabi nila.. ..pag sakay mo palang daw ng eroplano bago makarating ng ibang bansa ay nasa kabilang hukay na ang isa mong paa"..
.......
ROBERT: hello ma..hindi kita marinig nagpuputol putol boses mo..
LHEA: hello..ok na ba naririnig mo na ba ako?..
ROBERT: ok na.. ..kamusta ang mga anak natin..si ana kamusta pag aaral.. si ben kamusta na?..miz n miz ko na kayo..isang buwan nalang uuwi na ako..[BALIKAN NATIN ANG KWENTO]...
♡♡♡♡
"Sariwa pa sa ala-ala ni berto bago sya magpunta ng saudi upang mag baka-sakaling maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya"..
.......
ATO: uuuy pare aalis kana sa makalawa!!..mag iingat ka dun..pinupugutan ng ulo mga ta-tanga tanga dun..(hahahaha)..
Ang pang aasar ni ato sa kanyang kaibigan na si robert habang nag iinuman.." Na mas madalas tawaging BERTO"..
Lumaki si berto sa TACLOBAN LEYTE.. grade1 lang at hindi nakapagtapos ng pag aaral dahil sa hirap ng buhay sa probinsya nila. Nakakasulat at nakakabasa..yun nga lang ay sadyang mabagal..
Sunog ang kulay dahil bilad sa araw Namamasukan bilang isang mason sa mga konstraksyon..kundi naman ay namamasukan sa pagkuha ng kopra..(mga niyog)..
Hanggang sa may nag alok nga sa kanya na mag trabaho sa ibang bansa. Bagamat takot at kinakabahan ay pilit nyang nilabanan ang lahat para lang sa pamilya nya. Para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.
Mag papasko ng siya'y umalis unang beses nyang punta sa maynila at unang beses nyaring sakay ng eroplano. Kahit cellphone ay takot niyang hawakan dahil di sya marunong gumamit nito. Kaya lagi syang laman ng pang aasar ng kanyang mga kaibigan.
Nang dumating nga ang araw ng kanyang pag alis..LHEA: mag iingat ka dun huh..wag mong pababayaan sarili mo..wag kang mag alala sa amin ng mga anak mo..wag kang masyadong mag iisip..pag sumahod ka bili ka agad ng cellphone mo para makausap ka namin ng mga anak mo..
BERTO: wag kang mag alala ma' lagi kong tatandaan mga payo mo..mahal na mahal ko kayo ng mga bata..
LHEA: basta lagi kang magdadasal..sige na at nag hihintay na ang sasakyan na mag hahatid sayo sa airport..papuntang maynila..pagdating mo ng maynila bumuli ka ng makakain mo para sa panibago mong pag sakay ng eroplano papuntang saudi ay dika gutom..
BERTO: mahal na mahal kita.. ..kayo ng mga bata.. ..paalam na muna..hintayin nyo ang aking pag uwi..At dun na nga natapos ang kanilang pag uusap at sumakay ng sasakyan na bit-bit ang mga luha at pangarap sa kanyang pag alis..
Habang nasa sasakyan at tuloy na bumabyahe..(mag iipon ako para sa mga anak ko..para sa pag aaral nila..mabibili ko na sila ng mga laruan at magagandang damit..)..ang mga bulong sa isip habang sa patuloy sa pag singhot dulot ng kanyang pag iyak..
Pagka dating sa airport ng kanilang probinsya..AGENT: ohh eto pasport mo..at ticket mo..ingatan mo yan at pag nawala yan dika makakasakay ng eroplano papuntang saudi..
BERTO: maam pano po ang gagawin ko at saan ako pupunta pag dating ko ng maynila?
AGENT: pagka baba ng eroplano ipakita mo lang yang ticket mo at ituturo nila sa iyo kung saan ka pupunta..
BERTO: eto po ba maam yun?..(sabay abot ng passport)
AGENT: hindi yan passport mo yan eh' yung papel na puti..
BERTO: ahh..ok po maam..maraming salamat po..
AGENT: sige na pumasok kana at baka ma leyt ka sa flight mo..mag iingat ka dun huh..
BERTO: sige po maam..Tumalikod na nga si berto upang maglakad papasok ng airport..naglalakad bit-bit ang mga pangarap.
Pagka sakay ng eroplano ay ibinigay sa babaeng istiwardes ang kanyang tiket kagaya ng sinabi sa kanya ng agent. At itinuro na nga ang kanyang upuan..
Pagkaupoy pinagmamasdan ang kabuuan ng eroplano..(wow ang laki pala nito sa malapitan..pag sa langit parang ang liit liit lang..)..ang pabulong na sabi sa sarili habang paulit ulit na tinatalbog talbog ang kanyang puwet sa upuan..nawala ng bahagya ang kanyang pagkalungkot dahil nag eenjoy sya sa buong paligid ng eroplano. Sabay sa paulit ulit na pag silip sa bintana.
Tsaka lang sya natigil sa ginagawa ng may umupo ng lalake sa tabi nya.. ..BERTO: sir kamusta po..
LALAKE: ok naman..unang sakay mo?
BERTO: opo..
LALAKE: maynila ang punta mo?
BERTO: opo..pero sa saudi po talaga ang punta ko..
LALAKE: ganun ba parehas pala tayo..san kaba sa saudi?
BERTO: saudi rin po kayo?..riyal po..
LALAKE: anung riyal?..(sabay tawa)..baka riyadh..ang riyal..pera yun dun..
BERTO: ahh..ganun po ba?..unang beses ko palang po kasi makaka alis..Natigil ang kanilang pag uusap ng nag salita na ang piloto at isa-isang naglapitan ang mga istiwardes. Para ipa ayos ang kanilang pagkaka upo at isuot ang seatbelt..
Tiningnan ni berto ang katabi sapagkat di nya alam kung paano ang gagawin..mabait naman ang lalake at inalalayan sya..
Pagkaraan ng ilang minutoy umaandar na ang eroplano ng dahan-dahan..Hanggang sa tuluyan ng bumilis at ilang saglit pa ay!.. ..
.......
BINABASA MO ANG
☆ABROAD (ofw)☆
Kısa Hikaye"Umalis ka para mag trabaho sa ibang bansa para sa pamilya..pero pano kung ang pag alis mo pala ang syang magiging dahilan sa pag guho ng iyong mundo?"..