"ABROAD - 5"

106 1 0
                                    


.......

BERTO: grabe pala dito..totoo pla ang kasabihan na "PAGSAKAY MO PALANG NG EROPLANO AY NASA KABILANG HUKAY NA ANG PAA MO..

       pagkarating sa store ay diretso bili ng makakain para sa hapunan at diretso uwi na ng bahay hindi ginastos ni berto ang 20ryl at itinago lang sa maleta..(kailangan tipirin ko para umabot ng dalwang buwan..)..ang sabi sa isip..

"Pagkarating sa bahay"..

ALDRIN: dito nag aambag-ambag kami sa ulam sa kanin kanya-kanya..wala ka pang bigas at rice cooker kya ambag ka muna sa kanin ko..at pag binigay na allowance mo dun ka nalang bumukod.
BERTO: salamat pare..

      Pagkaraan ngay kumain at dumeretso sa kama upang makapag pahinga..(kamusta na kaya ang aking mga anak..ang aking mahal na si lhea kaya kamusta narin..)..(pano ang gagawin ko nito sabi nila ay dalawang buwan pa bago ako makakuha ng sahod..)..(ang hirap pala..akala ko pag dating ko dito magiging ok na ang lahat..).. (dalawang buwan ko silang hindi makaka-usap..)..ang sabi sa sarili habang tumutulo ang mga luha.

PAGKALIPAS NG DALAWANG BUWAN..

       Unang beses na sasahod si berto..mababakas sa mukha ang kasiyahan sa pagkat makaka-usap nya na ang kanyang asawa at dalawang anak..

BERTO: pare saan ba ako makakabili ng selpon?
ALDRIN: sa may batah' marami dun samahan ka namin magpapadala rin kasi kami..hindi ka ba magpapadala ng pera sa pamilya mo?
BERTO: magpapadala..pero bibili muna ako ng selpon kasi mis na mis ko na ang asawa ko at dalawa kong anak dalawang buwan ko rin kasi silang hindi naka usap..
GOERGE: sige samahan ka muna namin bumili tapos sabay- sabay na tayo magpadala..
ALDRIN: anu bang cellphon bibilhim mo?..dapat ung may kamera para maka vidcall mo mga anak mo..
BERTO: naku hindi ako marunong gumamit nun..basta yung pantawag lang puwede na yun..pati wala rin naman camera ang selpon ng asawa ko..sa susunod na sahod nalang papabilhin ko ng selpon na may camera asawa ko..
BRYAN: tara na..

       At nag tungo nga ang lima upang magpadala ng pera..pagdating sa bilihan ng selpon..

BERTO: alin ba diyan ang pwedeng pantawag sa pinas?
ALDRIN: hahaha..lahat yan pwede pantawag basta may load ka..
GOERGE: eto ohh..dual sim..(sabay turo ng cellphone sa istante..)..mukang mura lang..para makabili ka rin ng rouming mo para mura lang ang bayad pag reply ng asawa mo..
BERTO: ganun ba?..ahh..ahh..pare baka puwede nyo akong turuan gumamit nyan..kasi..unang beses palang ako makakahawak nyan..(nahihiyang pagka sabi)..
ALDRIN: walang problema..

       Pagkabili ng cellphone ay sabay kuha sa wallet ng maliit na papel kung saan nakasulat ang number ng asawa nya..

BERTO: hello ma'..
LHEA: hello berto..naku kamusta ka na..nag alala ako sayo..kala ko kung na pano ka na..
BERTO: pasensya na ngayong lang kasi ako sumahod..(upo sa gilid at sabay sa pag tulo ng mga luha..)..kamusta na kayo ng mga bata?..mis na mis ko na kayo..
LHEA: wag kang mag alala samin ng mga anak mo..ang isipin mo ang sarili mo..yung mga tanim mong gulay ay tumubo na kaya kahit papano may naka kain kami ng mga anak mo..
BERTO: pasensya na talaga ma'..kaya ako nagpunta dito ay para makakain kyo ng mga bata ng masasarap na pag kain..hindi ko alam na ganito pala kahirap..(habang nagpupunas ng luha..)..
LHEA: wag mong sabihin yan..sabi ko sayo mag dasal ka di ba..wag mong papabayaan sarili mo..wag mo kaming alalahanin nakakaraos kami kahit konte..ikaw ang nasa malayo kaya ingatan mo lagi sarili mo..

"Biglang naputol ang pag uusap"..

BERTO: bakit nawala..hello ma!..
ALDRIN: wala ka na atang load..
GOERGE: tara na sa padalahan at para makakain narin tayo nagugutom na ako..

       Pagkatapos mag padala ay pina text ni berto ang ref. number ng padala nya kay aldrin upang matanggap ng asawa ni berto..at dumeretso nga sila sa isang maliit na kainan..

BRYAN: broasted!!..hahaha..
BERTO: anu bang makakain dito?..
ALDRIN: manok na prito my kasamang kubos at patatas(french fries)..
BERTO: magkano ba yan?..
GOERGE: 15ryl pre..

Saglit tinignan ni berto ang 30ryl na natira sa sahod nya..

BERTO: ahh..sa bahay nalang ako kakain..busog pa naman ako..hintayin ko nalang kayo dito sa labas..
ALDRIN: huh' sigurado ka ba dyan?..
GOERGE: tara na kain na tayo para pag uwi pahinga nalang..
BERTO: busog pa talga ako..marami ako kinain bago tayo umalis..(ngiting sabi sabay sa pag kulo ng tiyan)..

       Habang naghihintay sa labas ng maliit na kainan si berto ay patuloy na kilakalikot ang cellphone..(natanggap na kya ni lhea ang padala ko?..)..(oo nga pla mag ka iba pla kami ng oras..)..(gabi na pla ngayon sa pinas..)..ang mga salitang naglalaro habang patuloy na naghihintay matapos kumain ang apat nyang kasama..
       Pagka labas nga ng kanyang mga kasama ay dumeretso uwi na sila at pagkarating sa bahay..

BERTO: totoo bang may mga napapatay dito?
ALDRIN: oo..ang mga iba nga ay hindi na inilalabas sa balita..bigla nalang mga naglalaho kaya wag kang maglalakad mag isa lalo na sa gabi..pag napagtripan ka isasakay ka sa sasakyan
nila at wala ng nakaka alam kung anung pwedeng mangyari syo..
GOERGE: lalo na ang mga babae dito ang pinaka kawawa!..kasi may mga arabo talagang manyakis..pero hindi naman lahat swertihan lang talaga..ung iba nga sila na ginahasa sila pa ang nakukulong..ang iba naman namatay siguro dahil ng laban o namamatay nalang sila sa sobrang bugbog ng mga amo..
ALDRIN: pati hindi nila hawak ang ikama nila o residence i.d kahit pasport..kaya hindi sila nakakalabas ng bahay kahit pag may gusto silang bilhin..kahit nga day off wala sila..
BERTO: grabe naman pala..kawawa naman pala mga kababayan nating babae dito..

Saglit na pa isip si berto sa kanilang mga pinag uusapan..

.....

☆ABROAD (ofw)☆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon