.......
Pagkatapos kumain ay sandal sa upuan..(ang sarap pala dito sa eroplano..)..(pakiramdam ko tuloy mayaman ako hehe..)..(malamig na at pagkain pa ang lumalapit..)..ang salitang naglalaro sa isipan habang nakangiti at nagtatanggal ng tinga sa ipin..
Pagkaraan ng ilang oras ay nakaramdam ng panlalamig..(malapit na siguro kami..)..(malamig na sobra eh..)..sabay kuha sa naka plastic na kumot..(sayang naman pag ginamit ko pde itong iuwi at ibigay sa aking ina bilang pasalubong..)..(malapit na naman ata kami titiisin ko nalang ang lamig..)..ang mga salita sa kanyang isip..
Pagkaraan pa ng ilang oras ay dumating ulit ang istiwardes upang muling magbigay ng pagkain..(wow kain na naman!..)..(teka ilang oras na kaya kami lumilipad?..)..(sa una lang pala masaya sumakay ng eroplano NAKAKA INIP rin pala..)..(dapat kahit saudi o saan man bansa ang puntahan ay english ang ilagay nila sa maliit na t.v nato!..hindi ba nila naisip yun?..)..(hindi naman lahat ng nagpupunta ng saudi ay marunong mag arabic..)..(pano ang mga kagaya kong baguhan..)..(buti pa si jose marunong na mag arabic at siguradong nakakabasa na ng salitang arabic..)..sabay tingin kay jose na nasa linya lang ng kanyang inuupuan at ngumingiting nanunuod ng movie sa monitor..
Tsaka lang natigil sa kanyang ini isip ng biglang dating ng istiwardes..ISTIWARDES: sir anu pong gusto nyong kainin?
BERTO: yung katulad nalang po kanina..
ISTIWARDES: anu pong kanina sir?..hindi po ako ang nag serve kanina.."Saglit napa isip si berto..(patay!..anu bang sasabihin ko..hindi ba kakain tong katabi kong babae?..)"
ISTIWARDES: sir..?. ..
BERTO: huh?..ah..eh..busog pa aq maam..pwede kape nalang po?..
ISTIWARDES: tinapay sir baka gusto nyo?
BERTO: ..sige!..tama tinapay nalang..habang inaayos ng istiwardes ang hiningi ni berto..(haaay!..grabe naman pala tong matulog katabi ko..)..ang buntong hininga nyang pagkakasabi..
Nang pagka abot ng kape ng istiwardes kay berto tsaka palang nagising ang katabi nyang babae..
Habang nag kakape si berto ay nakita nyang nag pipindot na naman sa monitor ang babaeng katabi nya na tila nag hahanap ng mapapanuod. At ng makapili na ay nanuod na ang babae habang nanunuod ang babae pasimpleng nakatingin si berto sa pinapanuod ng babae.. (ayus!..jacky chan..makikinuod na nga lang ako..)..(sanay rin naman akong makinuod sa kapit bahay..)..sabi habang napapa ngiti..
At habang nanunuod kahit hindi nya naririnig ang mga sinasabi sa palabas ay hindi nya napapansin na napapatawa sya ng malakas at unti-unting napapasandal sa upuang malapit sa balikat ng babae dahilan upang mapatingin ang katabi nyang babae sa kanya..BABAE: kuya baka po gusto nyong umayos ng upo..?
BERTO: huh!?..ayy sorry po maam..pasensya na po talaga..diko po sinasadya.. ..
BABAE: sira po ba monitor nyo?
BERTO: ..itong t.v maliit?..ayy hindi po maam ayus po sya..
BABAE: meron naman po rin dyan nitong pinapanuod ko..
BERTO: ..ang kaso lang po maam.. ..ayy.. .sa saudi po ang punta ko.. ..at unang beses ko pa lang po makakarating ng saudi.. ..kaya po.. ..hindi pa po ako marunong bumasa ng arabic..at arabic po ang nakasulat sa t.v ko dahil siguro dun ang punta ko..
BABAE: ..hahahahaha..(pagkakatawang malakas)..
BERTO: pasensya na po talaga..Habang walang tigil sa kakatawa ang babae sabay sa pag pindot ng monitor ni berto upang maging english ang mga nakasulat nito. Pagatapos ay tingin ulit ang babae kay berto at sabay sa pag iling ng mga ulo..
Nang english na ang nakasulat sa monitor ni berto ay tsaka nya pinag kakalikot at hinahanap ang pinapanuod ng katabi nyang babae
Habang nag kakalikot si berto sa monitor. Bigla namang salita ng piloto hudyat ng pag baba ng kanyang sinasakyang eroplano
Ilang minuto pay huminto na ang eroplano at minamasid nya si jose para sumabay pag labas.. at pagkakita kay jose ay sabay ngiti..JOSE: ohh asa saudi kana..magiingat ka dito huh..
BERTO: napaka tagal po pala ng byahe..at ang sakit sa tenga..
JOSE: hahaha..ganun talga..teka saan ka nga pala dito sa riyadh..may magsusundo ba sa iyo?
ROBERT: hindi ko pa po alam..basta ang sabi lang sakin riyadh..maghintay daw ako sa labas at makikita ko na ang susundo sakin bit-bit ang papel at nakasulat daw po ang pangalan ko..
JOSE: maghihiwalay na pala tayo pagka labas..sasakay lang kasi ako ng taxi dahil malapit lang ako dito..Pagkalabas nga ng airport ay sumakay na nga ng taxi si jose at naiwan mag isa si berto..habang nagmamasid sa paligid..(taxi!..taxi!..pare taxi muralang! muralang!)..nagulat si berto ng marinig nya yun at biglang napalingon.. (marunong palang magtagalog mga tao dito..)..ang sabi sa sarili habang nakangiti..
"Pagkalipas ng.. .MINUTO.. ..ORAS".. ..
(Magtatatlong oras na ata ako dito bakit wala pa ang susundo sa akin..)..(bkit gabi na ay di pa ako sinusundo..)..(nagugutom na rin ako..)..(wala naman akong pera nila para bumili ng pagkain..)..(anu bang gagawin ko?..)..(sana dumating na ang mag susundo..)..mga tanong sa isip habang naka-upo at naghihintay ng susundo..dumukot sa wallet at tinignan ang larawan ng kanyang aswa't dalawang anak..(miz ko na kayo agad..)..(wag kayong mag alala..bibilhin ko kung anung gusto nyo..)..(bibili tayo ng malaking t.v para hindi na tayo makikinuod sa kapit-bahay..)..(pati ref, radyo, panglabahan{WASHING MACHINE}, para di na mahirapan ang aking mahal na si lhea sa pag lalaba..)..muling sabi sa isip habng nakatingin sa larawan..
"Ilang oras pa ang lumipas"
Naka-upo parin at naghihintay ng susundo..(ang tagal naman!..nakaka asar na!..)..(teka..pano kung hindi ako sunduin..)..
(paano kung walang magsundo sa akin..)..
.......
BINABASA MO ANG
☆ABROAD (ofw)☆
Short Story"Umalis ka para mag trabaho sa ibang bansa para sa pamilya..pero pano kung ang pag alis mo pala ang syang magiging dahilan sa pag guho ng iyong mundo?"..