"ABROAD ANG PAGWAWAKAS"

145 3 11
                                    


........

       [BEEEEP....BEEEEEEP...].....ang maingay na busina ng sasakyan dahilan upang syay magulat at mapa tabi sa gilid..(walang hiya muntik na ako dun ahh..).. (gago talaga mag drive mga arabo dito)..ang sabi habang sabay sa mabilis na kabog ng dib-dib..
       Pagka uwi ay inayos ang mga napamili at diretso kain ng tangahalian. At pagkatapos ay naglaba ng kanyang mga maruruming damit..
       Habang naglalaba..(naku sobrang excited na ako umuwi..)..(mis na mis ko na ang mga anak ko..)..(panigirado pag labas ko palang ng airport ay mayayakap ko agad sila..)..(ganito pala ang pakiramdam pag pauwi ka na..)..(hindi maipaliwanag na saya..)..(siguradong matutuwa si ana sa binili kong manika sa kanya dahil nung umalis akoy pinag lumaan ng kabit bahay ang manikang lagi nyang hawak..)..(at si ben ay siguradong matutuwa rin sa binili kong gumagalaw na robot..)..(hindi na ako makapag hintay sa aking pag uwi..)..ang mga masasayang salita sa isip..

Habang nag sasampay ng kanyang nilabhan..

....BERTO!!!...BERTO!...ang humahangos na sigaw ni aldrin..

BERTO: ohh bakit ka nagmamadali?..
ALDRIN: naku..halika muna sa bahay may papakita ako sayo..tumawag ba ang asawa mo?..
BERTO: hindi..bakit anu ba yon?..
ALDRIN: halika kna dali!!..

Pagkarating sa bahay ay ipinanuod ni aldrin ang video sa yutube..at maya maya ay unti-unting tumulo ang mga luha ni berto at hindi makapaniwala sa nakikita sa youtube..

ALDRIN: andyan ba ang pamilya mo?..

"BREAKING NEWS :
  Isang malakas na bagyo ang tumama sa TACLOBAN LEYTE dahilan upang maraming namatay at nasalanta na mga bahay..ayun sa ulat ay halos hindi na makilala ang tacloban sa laki ng pinsalang dinulot nito.. walang byaheng eroplano sapagkat nasira rin ang paliparan ng nasabing lugar..at kahit ang sasakyang pandagat at panlupa ay hindi na pinahitulutan na maka byahe dahil sa sobrang laking pinsala na dinulot ng bagyo..sa ngayon ay nagkakagulo na ang mga tao dahil wala ng makain at ayon sa ulat ay mabaho na ang paligid dahil sa mga bangkay na nagkalat sa daan..ang sabi ng pangulo ay.. .."

       Habang patuloy na nanunuod ay dahan dahang napa upo si berto sa kanyang nakita..hindi makapaniwala sa balita sabay kuha ng kanyang cellphone at tawag sa asawa..[the number have your dial is out of coverage area..please try again later]..ilang beses inulit ang tawag ngunit ganun pa rin ang sagot..hindi malaman ni berto ang gagawin sa mga sandaling yun..habang patuloy sa pag agos ng kanyang mga luha at paulit ulit na pag tawag sa number ng kanyang asawa..(HINDI TOTOO ANG BALITA!!..GAWA-GAWA LANG YAN!!..)..(HIHINTAYIN PA AKO NG MGA ANAK AT ASAWA KO..)..(SI ANA..HINIHINTAY NYA ANG MANIKANG DALA KO!!..)..(SI LHEA..MAY SURPRESA PA AKO KAY LHEA!!..)..(SI BEN.. ..SI BEN.. ..)..sabay sa walang tigil sa pag buhos ng mga luha..at walang tigil na pag tawag sa number ng kanyang asawa.. (SAGUTIN MO LHEA!!..MAY SURPRESA AKO SAIYO!!..KAKA USAPIN KO MGA ANAK KO!!..PARANG AWA MO NA LHEA SAGUTIN MO TAWAG KO!!)..habang unti-unting nagwawala habang pinipigilan ng mga kasama..

ALDRIN: pare huminahon ka..baka hindi naman kasama pamilya mo..hintayin mo baka sagutin tawag mo..
GOERGE: oo pre magdasal lang tayo...

Habang sa patuloy na pag hagulgol at pag buhos ng mga luha ni berto..(dios ko wag nyo pong gawin sakin ito!..kaya ako nag abroad ay para sa pamilya ko..tiniis ko ang dalawang taon na diko sila nayakap at makita..)..(wag nyong hayaang mangyari ito..parang awa nyo na diko alam ang gagawin ko pag nawala sila sa akin..!!)..sabay tawag ulit sa number ng kanyang asawa.. (LHEA SUMAGOT KA!!)..Teka baka natutulog lang sya o di kayay pinapakain nya mga anak ko....(SAGUTIN MO LHEA!!..PARANG AWA MO NA!!..GIMISING KA!!..KAKAUSAPIN KO SI ANA!!..SI BEN GUSTO KONG MARINIG BOSES NILA!!..)..

(RING..RING..)..tawag mula sa pinas..

... LHEA IKAW BA YAN??..SABI SA INYO BUHAY ANG ASAWA KO!!..

LINA: hello berto ang tiya lina mo ito..
BERTO: tiya..teka..si lhea ba tumawag sa iyo para sabihin na wag akong mag alala at maayos ang lagay nila ng mga anak ko???..sagutin mo ako tiya!!.
LINA: wag kang mabibigla berto..(buntong hininga) ..pero kasama sila sa mga namatay..wala na ang asawa at dalawa mong anak..inilabas na sa balita sa t.v ang mga pangalan ng mga kasamang namatay.
At kasama ang mga pangalan nila..

....HINDI TOTOO YAN!!..GAWA-GAWA MO LANG YAN..SUSUNDUIN NILA AKO SA AIRPORT!!..HIHINTAYIN AKO NG MGA ANAK KO!!

LINA: wla na tayong magagawa berto..huminahon ka..

"At dumating na nga ang araw na pag uwi ni berto sa pilipinas"

       Nagmamadaling bumaba si berto ng eroplano pag dating sa pilipinas..

BERTO: hinihintay na ako ng mga anak ko..si lhea malamang ay sabik na makita ako ulit..andyan na ako hintayin nyo ako!!..dala ko ang mga pasalubong ko sa inyo..(habang nag mamadaling lumabas ng airport..)..

"Hindi na nagawang kunin ang kanyang bagahe"..

BERTO: asan na kayo..LHEA, ANA, BEN, andito na ako..(baka trapik lang..)..(maghihintay ako sa inyong pag dating)..MAHAL NA MAHAL ko kayo.. habang palakad lakad sa labas ng airport..

"Lumipas ang ORAS, LINGGO , BUWAN.."

"Hanggang nasiraan na ng ulo si berto sa nanyari sa kanyang dalawang anak at asawa..

At patuloy na palakad lakad sa maynila na walang ibang binibigkas kundi LHEA, ANA , at BEN..

Habang naglalakad bit-bit ang manika na pasalubong sana sa kanyang anak na si ana..kasabay sa pagkanta ng..🎶UUWI NA AKO 🎼🎵🎶..U U WI..🎵🎶..U U WI..🎶🎵..UUWI NA AKO🎶🎵.. ..

Dahilan upang tawagin sya ng mga tao ng..

"TAONG GRASA"...

......WAKAS...

                              ♡♡♡♡♡♡♡

Readers,

"PAG MAY NAKITA TAYO O NAKASALUBONG NA MGA TAONG GRASA AY WAG SANA NATING PAGTAWANAN O ASARIN..DAHIL HINDI NAMAN NATIN ALAM ANG BUHAY NILA.. ..HINDI NATIN ALAM ANG TUNAY NA KWENTO NG BUHAY NILA.."

   "Sana ay nagustuhan nyo ang aking kwento at muling subaybayan ang mga bago ko pang gagawing kwento.."

                                                          Maraming Salamat

Pangunahing tauhan sa kwento..

♡ BERTO
♡ LHEA
♡ ANA
♡ BEN
♡ ALDRIN
♡ GOERGE
♡ BRYAN
♡ TOTO

...pasensya na sa mga kasamahan ko dito sa saudi at nagamit ko pangalan nyo..hehe..wala na akong maisip na pangalan..mababait yang mga yan..magugulat nalang kayo pag na read nyo kwento ko..wahahaha!.. ANG KATI SA ANIT!!..

Special participant :

☆ ALDRIN MAQUINANA
☆ GOERGE AROBAN
☆ BRYAN ROSALES
☆ TOTO..(bilatse!..)

   

☆ABROAD (ofw)☆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon