HAILEY'S POV
Linggo ngayon at ngayon ay pupunta ako mag-isang National Bookstore o Power Books basta kung saan maraming libro hahahhah!!.. Habang naghahanda naalala ko nanaman yung date nam- .. Ayyyy hindi date yon noh! nilibre nya lang ako , Ano ngang nangyari kagabi?
*FLASHBACK*
(SA LABAS NG KWARTO KO )
"Salamat sa pagkain" Sabi ko kay James na kunwari nahihiya pa
"Wala yon, Basta kasama ka" Nagblu-blush nyang sagot
"Tsss... Sige na papasok na ako umalis kana rin"
"Sige , Mauna na ako"
Nang tumalikod na ako para pumasok ,Nagulat ako nang hilain nya yung kamay ko at hinarap sa kanya at niyakap nya ako ng mahigpit O.O
.
.
.
.
.
"Good Night" Bulong nya sa akin at iniwan na nya akong nakatayo lang sa labas at si kumag naman ay nakangiti na naglalakad paalis
Nang magising na ako sa katotohanan pumasok na ako at sinarado na ang pinto ,Pagkatapos kong maligo at mag toothbrush dumiretso na akong kama at agad nakatulog.....
*END OF FLASHBACK*
So yun lang pala yung nangyari kagabi , Anong espesyal don? sabihin nyo nga hahahhah
Kakatapos ko lang mag-ayos at nakasuot ako nang paborito kong old fashioned skirt at blouse ,pero hindi ako nagmamake-up wala lang hindi ko lang talaga hilig yung mga ganon..
Ni-lock ko na yung pinto ng kwarto ko at nang makababa na ako nang building ng dorm ko , Nakita ko sa labas ang mga magagaling na kaibigan ko at si "YOU KNOW WHO" na parang may hinihintay...
"Bakit kayo nandito ,tsaka ikaw rin ?" Pagtataka kong tanong sa kanila
"Hinihintay ka di ba obvious?" Patanong na sagot ni Casey
"Paano nyo nalaman na dito ako nakat-" Hindi ko na tinuloy yung sasabihin ko dahil alam ko na kung sinong nagsabi , Sino pa ba eh di yung magaling na James..
"Tinawagan kasi nitong si James si Casey kaya tinawagan nya na rin ako para sumama kung saan ka man pupunta " Paliwanag naman ni Alex sakin
"Yahhh, Right!" Pag sang ayon naman ni Casey
Tiningnan ko nang masama si James , pero nginitian lang ako ni kumag tsss..
"Sorry na , Maganda ka pa rin naman lalo na ngayon " Pambobola ni James sakin ...
"Corny mo... Tara na nga! " Monotonous kong sagot
"Uy wait lang Hailey!" Pagtawag ni James
"Ano nanaman ba ?"
"Kasama ko kasi kaibigan ko , siya yung maghahatid sa atin ngayon kung saan mo gustong pumunta"
"Hayyyss , May magagawa pa ba ako ? Dalhin mo narin kaya buong pamilya mo!"
Ngumiti na lang sya at pumunta na kami kung saan naka-park yung kotse nang kaibigan nya
"Oy pre! Yan na ba yung sinasabi mong Hailey?" Pagbati nung kaibigan ni James sa amin
"Tang-i** pre wag ka ngang maingay ! "
BINABASA MO ANG
While You Were Gone (COMPLETED)
Romance"Ano ito?" Sambit ng isang binatilyo na hindi mawari kung anong nangyayari . "Panaginip ba ito?" Bagay na pumasok sa isip nya "Kung panaginip man ito sana di na ako magising" dagdag pa niya . . . . "Sandali langg!" Sigaw ng isang dalaga "Anong na...