Chapter XXXIV- Merry Christmas

1.1K 42 8
                                    

 

ETO NA PO HAHA DAHIL CHRISTMAS NA 🎄🎄 ESPESYAL TO PARA SAKIN HAHAH 😊😇

************************************

HAILEY'S POV

*Clap* *Clap* *Clap*   Tunog na narinig ko mula sa may pintuan pagkatapos na pagkatapos kong kalabitin ang gitara sa  huling tono nito.

Nilingon ko ang direksyon kung saan nanggaling  yung palakpak na yon at laking gulat ko nang makita ko na yung taong pumalakpak eh si You Know Who  biglang bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa mga oras na iyon ay papalapit sya ng papalapit sa akin at nagulat ako sa inasal nya nang bigla nya akong akbayan

"Ikaw ah! Hindi ka man lang nagsabi sa akin na bestfriend pala kita" Nakokolokong ngiti nyang sabi habang nakaakbay....Huh? okay di ko sya magets..

"Huh?" Inalis ko yung pag kakaakbay nya sa akin dahil baka di ko mapigilan at tuluyan ko na syang mayakap ,hindi ako sanay nang ganito ,Naaalala ko na naman yung dating James na malambing at masayahin nang mga panahong kami pa at masaya pa....

"Anong huh!? Sinabi na sakin lahat ni Casey nung nakipagkita ako at kwinento nya na lahat sakin kung anong meron tayo at nalaman kong matalik pala kitang kaibigan hehe sorry ah kaya pala medyo na aawkwardan ka sakin naiintindihan ko" Ano!? nakipagkita sya kay Casey bakit wala namang sinasabi sakin si Casey hayyss yung babaita talaga nayun..

"Kailan ka nakipagkita?" Tanong ko

"Kailan lang basta tinawagan ko sya para makapag-usap kami kasi ayaw mo namang sabihin kung sino ka talaga kaya sa kanya na ako nagtanong hehe" Sagot nya habang nakahawak sa batok nya at nakangisi....*DUG-DUG* *DUG-DUG* *DUG-DUG* *DUG-DUG* Tibok nang puso ko na di magkamayaw sa lakas ng kalabog sa loob,Nagbalik na naman yung mga ala-ala ko,yung mga ngiti na yon na hindi parin kumukupas  at lalong nagpapalabas sa kagwapuhan nya.....Nagising ako sa suwisyo ko nang sumigaw sya...

"Uyyy!! Mukhang kanina ka pa tulala dyan ,May problema ba ? gutom ka ba ?" Nag-aalala nyang tanong....Itigil mo na to James baka di ko na mapigilan yung sarili ko

Iniling ko nalang yung ulo ko at umupo na nang maayos " Ah Okay lang ako" Sagot ko nalang kahit yung totoo gusto ko nang kumawala dito

"Magaling ka palang mag gitara" Wala sa hulog nyang pag basag ng katahimikan

"Malamang ikaw yung nagturo sa akin " Shit! ano batong bibig na to napakadal- dal kung ano ano nang lumalabas dito haysss ,Nagulat ako sa sinabi ko maging sya ay nagulat rin sa sinabi ko...

"Tama ba yung narinig ko? Ako yung nagturo sayo kung paano mag gitara?" Nagtataka nyang tanong

Patay wala na akong lusot dito hayyss sasabihin ko na nga lang yung totoo " Oo " Walang buhay kong sagot

"Ahh kaya pala ang galing mo hehe " Teka nagyayabang ba sya

" Tss" Tanging nasagot ko

"Uy Galit ka ba sakin?" Eto na naman sya hayss ayaw ko nang ganito sya, yung ang sincere nyang magsalita at ramdam mo talaga "Uy Bestpren galit ka ba?" Bestfriend? BESTFRIEND!? HINDI MO LANG AKO BESTFRIEND!!GIRLFRIEND MO KO HUNGHANG KA!! Pero noon yon hindi na ngayon siguro tama nga lang yung term nayon para itawag nya sakin...Ewan ko pero parang nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ng tawagin nya ako sa ganung term kasi siguro namiss ko lang yung Babe thingy term nya dati.....

"Hindi ah" Sagot ko kasabay ng plastik na ngiti

"Akala ko galit ka eh ,Magpapasko na mamaya tapos magkakagalit pa tayo" Wait what!?

Tumingin ako sa cp ko at tiningnan yung oras at kalendaryo nagulat ako nang makita ko na December 24,2016 na at 11:45 pm na my goshh!! nakalimutan ko na magpapasko na pala ang dami kong ginawa sa araw araw kaya siguro nakalimutan ko nang tingnan kung anong araw ngayon....

"Shiitt!! magpapasko na nga"

"Hindi mo alam?"

"Nakalimutan ko sa dami nang trabaho ,Oh eh bat nandito ka bakit wala ka sa inyo o bakit di mo kasama si- ano?.." Pag iiba ko ng topic na sana hindi ko nalang iniba at tinanong

"Ahh si Lily?,Kasama nya family nya at sinabi ko na bukas na kami mag da-date ,bat ikaw?" Ouch!! Ang sakit non

"Wala eh"Tanging nasagot ko nalang

" Anong wala?"

"Basta wala akong plano" Kainis kulitt!

"Ah ganun ba? Eh di ngayon tayo mag cecelebrate" Masaya nyang sabi

"Huh?"

"Tara tapusin mo nayan tapos magcecelebrate tayo ng pasko" Magiliw nya paring pag yaya

"Huh saan naman tsaka gabi na" Sabi ko

"Basta akong bahala"

Nag ayos na ako at niligpit na yung mga gamit ko at bumaba na nga kami at sumakay na sa kotse nya..Ewan ko ba kung bakit ako agad sumama dito sa taong to wala eh para akong na magnetized sa kanya.....

Hininto nya na yung kotse at nakita ko kung saan kami nagpunta sa 7 eleven hayyyss kaya pala 24 hrs kase hayss..

"Anong gagawin natin dito?" Pagtataka kong tanong

"Dito tayo mag cecelebrate" Masaya nyang sabi

Hinayaan ko nalang sya at umupo ako sa labas ng store at tumingin sa taas,Kitang kita ko yung mga bituin sa langit ang ganda ,Ilang minuto lang nakita ko na sya pabalik na may dalang napakaraming pagkain may chocolate,Hot chocolate,junk foods at ano yun? Alak bayun? oo nga hayysss kailan pa sya uminom?

"Ang dami naman nito"

"Syempre may nagcecelebrate bang konti lang ang handa?" Hindi ko nalang sya sinagot at tumingun nalang ulit sa langit,Naramdaman kong tumabi sya sa akin,Na agad namang nagpatibok sa puso ko hayss

"Ang ganda ng mga tala no?" Wow lalim pre

"Uhm" Pagsang ayon ko,Syempre may ala-ala kami na ganito ,yung naghanda talaga sya sa bahay nila para ipakita lang sakin yung mga bituin sa langit hayss parang nauuulit na naman...

"Oh isang minuto nalang pasko na" Pagtingin nya sa relo nya

 

"Nginitian ko nalang sya"

"10,....9,....8,....7,.....6,....5,....4,...." At bawat segundo  na binibilang nya parang humihinto yung paligid ko at unti unting bumabagal

"3,...2,....1.. MERRY CHRISTMAS!" Sigaw nya na umalingawngaw sa buong 7 eleve

Pero parang hindi na kinaya ng katawan ko at naramdaman ko yung sarili ko na bumagsak sa isang balikat ng isang tao at unti-unting pumipikit ang aking mata at sinambit ang huling mga salita bago ako makatulog..

"Merry Christmas James" Kasabay ng isang butil na luha na bumagsak sa aking mata

*****************************

WOOOHHHH! MERRY CHRISTMAS SA INYONG LAHAT HAHAHA 🎄

ANG SAYA NG PASKO KO KAHIT NA MARAMING PROJECTS HAHA

-JUST LEAVE A COMMENT AND DONT FORGET TO HIT THE STAR 🌟THANK YOU !THANK YOU! THANK YOU VERY MUCH! THANK YOU! 😁😇

While You Were Gone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon