Chapter XLII- Run Baby Run!

1.1K 40 5
                                    

HAHAHA SORRY NAPATAGAL MASYADONG BUSY LANG PO KASE 😊😀✌

******†***************†*************

HAILEY'S POV

"Pwede bang umupo dito? Ubos na kasi yung upuan sa iba eh" Tanong nya habang nakangiti at nakahawak sa batok shitt!!! Hayaan ko na lang si Gray sumagot nyan hayss kunwari di ko narinig...

"May magagawa pa ba kami?Eh sa dito ka sumakay.." Hayyy eto talagang si Gray ayaw paawat hayaan mo na nga..

Nang masiguradong nasa loob na ang lahat,Nagsimula nang umalis ang mga bus at yung bus namin yung nasa gitna at yung ibang hindi nakasakay ay sumabay nalang sa mga van...

Tahimik lang ang lahat habang bumiya-biyahe,Yung iba tulog,Yung iba naka headset at nakikinig nang music kasama na ako don habang nag babasa ng libro....

Paminsan minsan ginagamit ko yung peripheral vision ko para tingnan yung dalawa,Si Gray natutulog.....Natutulog nga ba?.... At Si James naman? Hindi na kaya ng mata ko hayyss parang naka headset ata ng puti pero di ko alam kung tulog sya hayss....Okay makatulog na nga rin...

Nasa kalagitnaan na ako ng tulog ko nang maramdaman kong parang may yumuyugyog sa akin.."Hmmmm Ano bayun?" Tanong ko habang nakapikit parin

"Hailey andito na tayo sa airport tara na,Sige ka baka maiwan ka" Sabi ng isang lalaki na alam kong si Gray...Kaya agad kong minulat yung mata ko at kinusot-kusot yun...

"Guys tara na, I-check nyo na lahat ng gamit nyo" Sabi ng isa naming kasamahan..

Nagsimula nang kuhanin ng mga kasamahan namin yun kanila kanilang gamit at nagsibabaan na..

Nauna nang bumaba si James dahil isang bag lang naman yung kanya...
Si Gray na yung kumuha ng gamit ko sa port...Hahahah syempre pahuhuli pa ba ako syempre nakamaleta to hahaha...

"Ako na magbubuhat nyan" Awat ni Gray sa akin

"Hindi okay lang hindi naman to mabigat kaya ko nato,Sige na mauna ka nang bumaba sunod na lang ako agad" Pagpilit ko sa kanya na agad naman syang pumayag salamat naman...

Matapos kong makuha yung backpack ko at masigurong kumpleto na lahat ng gamit ko sinuot ko na yung backpack at binuhat na yung maleta ko pababa...

Hayy salamat nakababa narin sa wakas....

"Hailey tara na! Bilisan mo baka mahuli tayo" Sigaw ni Gray

"Oo andyan na!" Pabalik kong sigaw sa kanya

Nang makapasok na kami sa airport sinabihan kami na magkahiwalay daw ang babae sa lalaki..,So hindi ko makakasama si Gray hayyy wala na naman akong kausap nito hanggang sa makalapag kami neto sa destinasyon namin..

Nauna nang pumasok yung mga lalaki pero napansin kong parang wala ata si James? Ahhh baka nauna na..Ang nakita ko lang kasi ay si Gray...

Okay,kami narin ...Matapos nang ilang kasamahan namin na babae sa wakas ako narin..

"Good Morning Ma'am,Check ko lang po yung I.D nyo" Nakangiting sabi nung magandang babae

Syempre nakangiti rin ako,Binuksan ko yung bag ko at inulusot yung kamay ko don para kunin yung I.D ko pero wala akong nakapang I.D...Shittt! Ngiti ka pa ah! Shit!!

"Maam check ko lang po yung I.D nila" Pagulit ni Magandang babae

"Ahh-Hehe I.D?"

"Opo Maam I.D po"

"Ahhh-ehhh nawawala eh-hehe nalaglag ko ata sa bus kanina hehehe" Pilit kong tawa habang nagpapaliwanag

"Maam hindi po kayo pwedeng tumuloy hanggat wala po kayong naipapakitang valid I.D nyo po"

Shitt! Pano bato "Sige wait lang hintayin nyo ako dito babalik ako" Agad kong binaba yung mga gamit ko at sinabing pakibantayan nalang at agad ko nang tinakbo palabas yung airport at saktong paglabas ko umandar na paalis yung mga bus na sinakyan namin....

"Hinde!Hinde!Hinde" Agad kong tinakbo yung bus para mapahinto yun habang wala pa sa highway

"Waittt langg!! kuyaaa!! Waitttt langgg pooo!!!" Malakas kong sigaw habang hinahabol yung bus nayon pero dahil medyo mabilis ang takbo nung bus at medyo mabagal rin akong tumakbo nakalayo na to....

"Haissssttt! Jinja!! Paano na ako nito!" Pag gulo ko sa buhok ko habang Sinisipa yung lupa....Saktong paglingon ko may isang lalaking tumakbo sa gilid ko at yung oras nayon parang nag slow motion ang lahat ....Nakita ko ang mukha nya at kita ko narin yung pawis nya sa mukha....Si James!! ....Nang bumalik sa dati yung takbo ng oras nakita ko syang may  hinahabol ano kaya yun? Yung bus?No way!!

Nagsimula ulit akong tumakbo at nakita kong napatigil nya nga yung bus at umakyat sa loob at ilang sandali pa bumaba sya na may hawak sa kamay nya....

Kitang kita ko sa mukha nya ang bawat butil ng pawis nya na tumutulo sa mukha nya at kitang kita ko rin kahit nasa malayo ako na hingal na hingal syang naglalakad papunta sa direksyon ko...

Nang makalapit na siya sa akin agad nyang inabot yung isang bagay na nalaglag ko sa bus...Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon...Paano nya nalaman na nawala ko yung I.D ko...

Imbis na kunin ko yung I.D ko,Lumapit ako sa kanya at Siniil sya ng isang yakap....Hindi ko alam pero yun yung gusto kong gawin ngayon...Naramdaman kong parang nabigla sya sa ginawa ko sa kanya...

"Salamat James" Tanging sinabi ko nalang bago ko sya bitawan..

"Tara na Hailey baka mahuli na tayo"

"Hmm" Nakangiti kong pagtango at agad na naming tinakbo ulit pabalik yung airport

"M-Miss E-eto nahh" Hingal kong sabi sabay pakita nung I.D ko

"I'm sorry maam pero yung flight papuntang boracay ay ready to take off na kaya kailangan nyo pong hintayin yung susunod na flight papuntang boracay"

"G-Ganun ba? Sige salamat"Hayyyss nahuli kami dahil saken haysss

Tiningnan ko si James at nakita kong nakangiti sya

"Anong ngini-ngiti mo dyan?"

"Wala lang" Sagot nya habang nakangiti...Hindi ko parin inaalis yung tingin  ko sa kanya nang bigla syang tumawa dahil doon napatawa na rin ako....

Sabay naming tinawanan siguro yung mga nangyari sa aming dalawa ngayong araw....

Hahahah parang ang saya ko ngayong araw,Siguro dahil kasama sya o dahil hindi na  awkward sa pagitan naming dalawa....

Kahit anong rason payan basta ang alam ko masaya ako....

Ngayon  lang siguro to....

**†††***********†††**********†††****

AYAN NA PO HAHAH SORRY DAHIL NGAYON LANG NAKAPAG UD HAHAAH GRABE DAMING GAWAIN...

PERO SANA NAG ENJOY KAYO AHAHAHA

-PLS LEAVE A COMMENT OR FEEDBACK ABOUT THIS CHAPTER HAHAHA PLS HIT THE STAR 🙏😊★

MARAMING MARAMING SALAMAT PALA DUN SA MGA SILENT READERS AT SA MGA LAGING NANDYAN PARA MAG  COMMENT HAHAHAHA MARAMING SALAMAT SA MGA FEEDBACKS AND VOTES 😀😘







While You Were Gone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon