Chapter XLIV - Let Go

971 38 5
                                    

ETO NA PO YUNG UD ENJOY! :)

******************************

HAILEY'S POV

Bumaba na ako at tinungo yung lugar kung saan gaganapin yung kainan naming lahat...

Habang naglalakad papunta doon,May nakita akong isang shop na nagtitinda ng mga souvenir kaya naisipan ko munang pumasok saglit...

Ang ganda ng mga nandoon..May mga keychain,mga t-shirts at iba...Naisipan kong bumili ng keychain na hugis pang-surf...Hinanap ko na yung counter at inilapag doon yung keychain...

Matandang babae yung nandoon sa cashier,Ngumiti sya sa akin

"Yan lang ba iha?" Tanong nya habang nakangiti

"Opo" Sagot ko

Inabot ko na yung bayad ko at kinuha naman nya yung keychain at inilagay sa isang magandang lagayan at inabot yun sa akin.Nang kunin ko iyon nagtama yung mga kamay namin at naramdaman kong mainit yung kamay ni lola...

"Walang galang po,Pero may sakit po ba kayo la" Pag aalala kong tanong

Hindi sya sumagot sa halip makikita sa mukha nya ang gulat at parang kinakabahan...

"May prob-" Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ay pinutol na niya iyon....

"Iha Hindi ka kabilang dito,Bumalik ka na" Kinakabahan nyang sabi..

Huh? Ano ba talagang nangyayari dito..Nung una yung bata pangalawa sya....Hayyss hindi ko na talaga alam yung gagawin ko...

Nagpasalamat nalang ako bago umalis at inilagay sa bulsa ko yung binili ko...Agad ko nang pinuntahan yung lugar..

Pagdating ko doon,Napakaraming tao..Nilibot ko agad yung mata ko at hinanap si James at si Gray....

Ang lakas pa ng tugtog na akala mo may party...Well party nga to

Hayyss hindi ko parin makita kahit isa man sa kanila..Okay libot-libot lang tingin tingin...
Yess!Nahanap ko na rin si James likod palang alam ko nang sya yon.Nilapitan ko na agad sya

"Uy Jame-"Sabi sabay kalabit ko sa kanya pero pag harap nya ibang tao pala..AS USUAL GANON NAMAN LAGI SA PALABAS TSS...

"Ahh hehe Sorry" Sabay piece at sabay alis..

Hanap ulit....

Hayyssss sa wakas nakita ko narin si James at ngayon nasa counter at may kausap na mga lalaki...KATRABAHO NYA ATA....
Nilapitan ko na sya at kinalabit nang dahan dahan..

"Oh!Hailey Nandito ka na pala kanina pa kita hinahanap akala ko nga hindi kana pupunta..Kumain ka na ba?" Tanong nya sa akin habang nakangiti

"Ahh ehh hindi pa eh" Sagot ko nalang

"Sige Halika sasamah-" Hindi pa sya natatapos sa pagsasalita may kamay nang humila sa akin palayo sa kanya..

Tiningnan ko yung taong at as usual si Gray yung humila sa akin....Hinila nya ako sa sa direksyong di ko alam at nakarating nga kami kung saan nakalagay yunv napakaraming pagkain..

Umalis sya at bumalik nang may dalang plato at kutsara...Iniabot nya sakin yon at bahala na daw akong pumili nang kakainin ko...

Matapos kong mailagay lahat ng napili kong pagkain...Kinuha nya yung plato ko at hinila na naman sa isang direksyon at nakarating nga kami sa isang table...Nilapag nya yung plato...

"Kumain ka na kukuha lang ako ng inumin"Sabi niya at wala man lang ekspresyon yon nang sabihin niya..

Umupo na ako at sinumulan nang kainin yung mga iyon...
Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko nang bumalik si Gray na may dalang inumin...

Umupo sya sa tabi ko at nakatingin lang sa kawalan...ANO BANG NANGYAYARI SA KANYA....Matapos kong kumain niligpit ko na iyon at hinanap agad si Gray...

Naglalakad sya palayo kaya sinundan ko sya...Nakarating kami sa tahimik na part at umupo sya sa buhanginan..Ako naman syempre sinundan ko sya at umupo rin ako sa gilid nya,Nagulat pa sya nang maramdaman nyang may umupo sa gilid nya 


" May problema ba tayo Gray?" Pero hindi sya sumagot 



"Uy tinatanong kita sumagot ka naman" Pangungulit ko na sa kanya



" Nagseselos ako..." Tanging nasabi niya,Saglit na katahimikan bago ulit sya magsalita  " Nagseselos ako sa inyong dalawa..Oo pumunta ako nang airport para sunduin kayo pero nakita ko kayong dalawa na masaya kaya mas pinili ko nalang na hayaan kayo,Tapos kanina malapit kana sana sa posisyon ko kung tumingin tingin ka lang sa paligid mo pero siya parin talaga ang nakita mo Hailey,Siya parin" Malungkot niyang sabi



" Sorry Gray pero alam mo naman diba na-" Hindi na nya ako pinatapos




" Okay lang Hailey naiintidihan kita kaya nga napagdesisyunan kong itigil na tong nararamdaman ko...."  At nasundan pa nang " Malaya ka na" 



Tumayo na sya at naglakad na palayo pero bago pa sya makalayo hinawakan ko yung kamay niya na agad naman nyang binitawan at kasabay non nararamdaman kong umaagos mula sa mata nya ang mga luha at ako naman ay naiwang nag iisa sa tahimik na lugar...




***********************************************************************************************

YAN LANG PO MUNA HAHAHAHA SORRY KUNG BITIN :D 


- PLS LEAVE A COMMENT AND FEEDBACK AND DON'T FORGET TO HIT THE STAR



While You Were Gone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon