Chapter XL - It's Okay Not To Be Okay

1.2K 47 6
                                    

AYAN NA PO ENJOY NYO NA LANG MEDYO BORING YAN HAHAHHA!! FEELING KO LANG HAHAAH 

SALAMAT SA LAHAT NG MGA COMMENTS AND VOTES NA NATATANGGAPP KO HAAHA!!

- PARA NAMAN PO DYAN SA MGA SILENT READERS MAG PARAMDAM PO KAYO AHAHHA!!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


GRAY'S POV 

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga sinabi ko...


FLASHBACK..


"Nagseselos ako Hailey"

"Cause I like you"


Matapos kong umamin sa kanya,Para akong nagising sa katotohanan at sya naman ay halatang nabigla  parin sya sa  mga narinig nya.Wala paring gustong magsalita sa aming dalawa,hanggang  sa sya na ang bumasag sa katahimikan na namamagitan sa aming dalawa..

"Ahh-Eh G-Gray,HAhahaa!!!" Pagbitaw nya sa mga bisig ko kasabay ng malakas nyang pagtawa na halata namang sarkastiko "Hay nako Gray! Wag ka ngang magpatawa dyan,kulang kalang sa pahinga kaya kung ano ano nang nasasabi mo,Sige na mauna na ako" Sa huling pagkakataon tumawa lang sya ulit ng mahina at naglakad na palayo 

Hindi ko alam kung bakit hindi ko sya magawang pigilan,dahil hanggang ngayon hindi ko parin alam kung anong nagtulak sa akin para sabihin yung mga ganung bagay nayon.

Napaupo na lang ako ulit sa deck at tulalang nakatitig sa kawalan habang iniisip yung mga nangyari parin...


END OF FLASHBACK...


At matapos ngang mag flashback lahat,Nandito parin ako sa kwarto ko at napag-isipan kong huwag munang pumasok sa trabaho,Ewan ko siguro dahil na rin siguro sa mga alam nyo na...Oo aaminin ko na sa una palang magaan na yung loob ko sa kanya kaya nga mas pinili kong mas makilala pa sya,Hindi ko nga alam kung bakit ko nalang naramdaman yun isang araw sa kanya at mas lalo pa yun napatunayan nang etong ex nya ang nakasalo sa kanya at aksidente ring naglapat ang mga labi nila na sana ako nalang yun...Nakaramdam ako ng inis at selos ng mga panahong iyon,hanggang sa sinabi ko nalang kay James na ako nang bahala sa lasing na si Hailey at balikan nya nalang si Lili,Nung una parang ayaw nya pa pero dahil sa pagpilit ko napapayag ko rin sya...Oo bakas sa kanya ang gulat at pamumutla,ewan..basta matapos nun para syang nautal...Teka! Baka may naalala na siya? o di naman kaya baka may naramdaman syang parang connection between sa kanilang dalaw....Hayyss!! Ewan basta susubukan ko parin at kung bibigyan nya ako nang pagkakataon, I will do my best to make her happy..




HAILEY'S POV


OKAY! Hindi ko alam kung ano talagang nangyayari ngayon hindi kasi pumasok si Gray ngayon bakit kaya dahil ba dun? hayyy ewan ko ba kasi dun sa lalaking yun ang weird minsan...So eto na nga ako ngayon and I'm still working with my PC and sometimes my eyes wont stop staring at someones chair right next to me,who's not in here today....HAYSSS ANG SAYA KO PA NAMAN KAPAG KASAMA KO SYA....DUHH WALA AKONG GUSTO SA KANYA NOH!! KAIBIGAN KO LANG YUN!..

Ok! Timecheck 7:00 PM na!!

Yes!! This is it!! I need to go home na! ahhaaha 

Nag- ayos na ako para makauwi na..




JAMES POV

Simula nung nakaraan ko pa iniisip yung mga nangyari dun sa taas ng bar,Lalo na yung sa aksidenteng maglapat ang mga labi namin....Ewan ko pero nung magdikit yun parang may part sa utak ko nagliwanag pero hindi ko maintindihan kung ano yun,Parang isang connection sa pagitan naming dalawa na parang nawawala,Nung mga panahon ring yun hindi parin magkamayaw yung sa pagtibok at pagputla ko.....Hayysss!! Ayyy Basta ang maganda ko na lang gawin ngayon ay kalimutan yung mga nangyari at magfocus nalang sa kung anong meron ako ngayon at yun si LILI..


Ok!! Timecheck 7:00 PM 

Yesss!! I need to go 

Inayos ko na yung table ko, kinuha na yung mga gamit ko at lumabas na nang office 

Naglakad na ako papuntabng elevator ng mahagip ng mga mata ko ang isang babaeng  alam kong kaibigan ko lang,Binilisan ko ang lakad ko para maabutan sya


"Hailey" Pagtawag ko 


Lumingon sya sa akin at nang makita nya ako makikita sa mukha nya ang pagka-bigla at nakapagtataka ring bigla syang namutla


"Oh! James " Mahina nyang tugon 


"Uuwi ka na?" Tanong ko

"Hmm" Tumango lang sya 


"Sabay na tayo,Pwede ba?" "May gusto rin kasi akong sabihin sayo" Dugtong ko 


"Ano naman yun?" 

"Yung tungkol dun sa nangyari dun sa bar" Sagot ko..Nakita ko siyang nagulat sa sinabi ko namutla na naman..Hindi sya sumagot 


"Pwede bang kalimutan na lang natin yun?" Tanong ko ulit


"Kalimutan?" (Mapapansing nag iba yung ekspresyon nya)


"Oo,Kalimutan na lang natin yun,wala lang naman yun tsaka mag kaibigan naman tayo diba?" Sagot ko


"Ahh O-Oo W-Wala nga L-lang yun"


Nakalabas na kami ng building at biglang binalot ng katahimikan sa aming dalawa,Magsasalita na sana ako para basagin yung katahimikan nang biglang...




HAILEY'S POV

Magsasalita na sana ako nang may biglang UMEPAL...


"Babe!?" Sigaw nang isang babaeng papalapit sa aming dalawa

"Oh! Lili!? Bakit ka nandito?" 

"Wala lang gusto lang kita puntahan,Since pauwi kana naman na,bakit di tayo mag dinner  nang tayong dalawa lang?"

HELLO MAY TAO KAYA DITO DUHH!!


"Oh!Sige" Pagsang- ayon naman nitong tangang toh 

"Oops!"Pagpigil ni Lili 

"Oh! Bakit?"

"Bago yon nasan muna yung kiss ko?"

WELL HINDI NAMAN AKO MAGSESELOS DUHH!! NEVER!!

OKAY AYAW KO NA TONG MAKITA KAYA BAGO PA SILA MAG TSUKTSAKAN DYAN AALIS NA AKO...


"Uhmmm Mauna na ako" Pagbasag ko bago pa sila mag halikan 


"Hailey pwede ka nam-" Bago pa matapos si James pinigilan na sya ni Lili bitch!!


"Okay lang yan Babe! Sige na Hailey Okay lang" Pag epal nya 


"Sige ,Bye" Makikita ko na sanang kakaway sa akin si James pero umepal na naman sya at kinuha yung mukha ni James at mula doon nakikita kong magkalapat ang mga labi nila at unti unting nag hahalikan...


SHIT!! HINDI KO AYANG MAKITA TOH,BAKIT PARANG LUMALABO YUNG MATA KO? Hinawakan ko ang mata ko at naramdaman ko basa ito at unti unti na namang tumutulo pababa sa mukha ko..

Hindi ko na kaya pang makita to!!Oo na nagseselos parin ako! Mahal ko parin sya!!

 Tumalikod na ako at saktong pagtalikod ko tumama yung ulo ko sa dibdib nang isang tao at nagulat ako nang maramdaman ko yung mga bisig nyang unti-unting kumakapit sa likod ko at biglang bumuloang taong yon...


"Okay lang yan" Isang pamilyar na boses na alam ko na kung kanino kaya dahil don parang binigyan ko nang dahilan yung sarili ko para ilabas lahat nang nararamdaman ko.

 

At Unti-unti na namang kumawala ang mga luhang gusto nang bumagsak kanina pa sa dahil na naman sa isang taong alam kong wala na akong babalikan..






***********************************************************************************************


YAN NA PO HAHAHHA!! SORNA KUNG NGAYON LANG NAKAPAG UD TAMBAK TALAGA NANG GAWAIN HHAAHAHAH SORNA PO!

- JUST LEAVE A FEEDBACK AND COMMENT BELOW  THANK YOU !!  (:*)




While You Were Gone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon