ETO NA PO YUNG UD 😊MARAMING SALAMAT PO SA MGA FEEDBACK AT SALAMAT SA PAG BABASA 😘😘
*****************************
JAMES POV
Matapos ng trabaho ko bumaba na ako sa ground floor para makauwi na ,Tinawagan ko na si Lily na wag na akong puntahan at umuwi nalang sya ng maaga,pumayag naman sya at di na nagtanong
Nakarating na ako ng parking lot at pinuntahan na yung kotse ko,Medyo malapit lang yun sa elevator kaya narating ko agad,Pinaandar ko na yon at agad nang umalis,Nang napatingin ako sa side mirror ng kotse may nakita akong dalawang tao na sa tingin ko ay kakababa lang ,kahit malayo alam kong silang dalawa na naman yon..
Nang makarating ako sa dorm agad kong pinark yung kotse ko at hinintay syang dumating dahil ito na ang pagkakataon ko para makausap sya dahil alam ko na hindi ako patutulugin ng kuriosidad ko..
Ilang minuto ang nakalipas may tumigil na kotse sa harap ng gate ...Sana sila nayun....May lumabas na babae sa kotse ,Parang sumaya ako nang makita na sya yung lumabas sa kotse,Naghintay lang ako saglit dahil alam kong nag uusap pa sila ....Sana hindi sya ihatid hanggang dito....
.
.
.
Yesss!! Nakita kong sinara nya na yung pinto ng kotse at nag ba-bye na dun sa lalaking yun,nang naka alis na yung kotse pumasok na sya sa gate kaya agad na ako pumunta sa may hagdanan dahil alam kong hindi sya makakagamit ng elevator dahil out of service...HAHAHAH UMAAYON SA AKIN ANG MGA PLANO KO.... Nagtago na ako dahil naramdaman kong palapit na siya ,Nakita ko na parang nag hehesitate sya na umakyat dahil siguro medyo madilim at feeling siguro nya mag isa lang sya....Umakyat na siya sa hagdan pero agad kong hinila yung kamay nya at sinandal sya sa pader at tinakpan yung bibig nya..
" Shhhh" Sabi ko at nakita ko sa mata nya ang pagkagulat
.💓
.💓💓
.💓💓💓
.💓💓💓💓Saglit na tumahimik at narinig ko ang kabog ng mga dibdib nya....Bakit kinakabahan sya?.....
Binitiwan ko na yung bibig nya dahil di parin sya gumagalaw..
"Uyyy!" Bulong ko sa kanya dahil nakatingin parin sya sa akin at parang batong nakatayo lang at hundi gumagalaw,Agad naman syang natauhan at iniling iling yung ulo nya
"Ah- eh sige mauna na ako James" James? Paano nya nalaman yung pangalan ko ,Akma na siyang aalis pero pinigilan ko ulit sya
"Teka paano mo nalaman yung pangalan ko,teka miss sino ka ba talaga?" Pagpigil ko sa kanya at ngayon normal na yung boses ko
"Huh?may sinabi ba akong pangalan? sabi ko mauna na ako ja-ejaju" Hindi nya ako mauuto hindi pa ako bingi para hindi marinig na binanggit nya yung pangalan ko
May sasabihin pa sana ako nang may biglang isang babae na papunta dito,hindi ko alam ang gagawin ko kaya hinila ko siya at sinandal ulit sya sa pader at ngayon ay nasa harap ko siya at magkalapit na ang mga mukha namin ,Narinig ko pa yung babae na parang may binubulong tungkol sa amin,Nang makaakyat na siya tahimik ang bumalot sa aming dalawa,Nararamdaman ko yung init mula sa hininga nya at kabog ng puso nya na nagpatibok rin sa puso ko...Huh? bakit ganito yung inaasal ng puso ko?....Nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang mga sinsiredad doon ...Bakit may sinsiredad sa mga mata nya?.....Nanatili kami sa ganung posisyon hanggang sya na ang bumitaw sa mga titig namin"Ehemmmm" Sabi nya kaya natauhan rin ako
"Sorry" At binaling sa iba yung tingin ko
"Sige mauna na ako" Pag basag nya,Nagsimula na siyang umakyat sa hagdan kaya gusto ko na naman syang pigilan pero napahinto ako nang sya na mismo ang huminto sa pag akyat.
"Bye the way, I'm Hailey,Hailey Chase" Sabi nya habang nakatalikod at tuluyan na syang nakalayo at ako naman eto nakatayo parin dito ....Tama ba yung narinig ko sya daw si Hailey?...
*****************************
YAN NA PO HAHAH NABITIN BA KAYO? HAHAHA SORRY
MARAMING SALAMAT PO SA PAGHIHINTAY NG UD NA TO HAHAH!!
~LEAVE THIS A COMMENT AND DONT FORGET TO HIT THE STAR MGA BESSY PARA SUMIKAT TAYO HAHAHHA JK. HAHA ✌😂✌
BINABASA MO ANG
While You Were Gone (COMPLETED)
Romance"Ano ito?" Sambit ng isang binatilyo na hindi mawari kung anong nangyayari . "Panaginip ba ito?" Bagay na pumasok sa isip nya "Kung panaginip man ito sana di na ako magising" dagdag pa niya . . . . "Sandali langg!" Sigaw ng isang dalaga "Anong na...