MEDYO mahaba ang byahe papunta sa sinasabi nyang island kono. Pagbaba namin ng eroplano agad kaming sumakay sa Bus papunta sa isang lugar na di nya alam kung saang lupalop na iyon ng mundo. Pero infairness, maganda ang place, sariwa ang hangin at naaamoy ko na ang karagatan kahit malayo pa iyon mula sa dagat.
Cause I remember every sunset
I remember every word you said
We were never gonna say goodbye
Singing la-da-da-da-daTell me how to get back to
Back to summer paradise with you
And I'll be there in a heartbeatNapapakanta na ako sa sobrang excitement ko. HIndi ko inaamin pero masaya akong makakasama ko ang hinayupak kong bestfreind. This is one of a kind summer.
"Manong, may papunta pa po ba sa aplaya?" narinig kong tinanong nya sa isang manong na nasa gilid ng bangka. Sa pakiwari ko'y may-ari iyon ng bangka.
"Ako, kung magbabayad kayo ng maganda." sagot ni manong.
"Magkano po ba?"
"7, 000."
"Ang mahal naman po."
"Wala ng turista na nagpupunta doon. Kayo na nga lang yata ang interesado doon eh. Kung ayaw nyo eh di wag." ani manong tapos sabay talikod sa amin.
"6, 500 manong."
"7, 000. Shot."
"Sige po."
Agad na kaming sumakay sa bangka ni manong. Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta basta ang alam ko paalis na kami at malayo na mula sa pangpang na pinanggalingan namin.
Nararamdaman kong lumalamig na ang hangin sa bahaging iyon na tila ba may malaking bloke ng iceburg sa harap namin at hinihipan iyon gamit ang malaking electric fan. Napakapit ako sa gilid ng bangka kasi pakiramdam ko liliparin ako ng hangin na nagmumula sa harapan.
"Saan na ba tayo?" tanong ko sa dalawang taong nasa harap ko.
"Ssshhh." ani Kings.
Wala na akong nagawa kundi ang manahimik na lang kasi nga sabi "sshh" kaya naman, okay, observe silence nga daw parang nasa library lang ang peg.
Ilang sandali pa ay nasa pangpang na kami ng isang di naman kalakihang isla. Maraming puno na makikita doon at infairness, puting-puti ang buhangin. Nawala na rin yong malamig na hangin na kanina ay umiihip sa amin. Summer na summer talaga sa lugar.
"Siguro naman ngayon pwede na akong magsalita, diba?" sabi ko
"This island is breathtakingly amazing, right? Sobrang ganda." sabi lang niya na tila hindi naman ako naririnig.
"Sir, ma'am, mauna na ako."
"Manong pwedeng pasundo kami after 4 days?"
"Sige ba basta yong bayad, alam nyo na."
"No problem."
Matapos nilang magkasundo ay agad ng umalis yong matanda at iniwan kaming dalawa ni Kingsley sa islang iyon.
"Kings, nasaan na ba tayo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/84888920-288-k803130.jpg)
BINABASA MO ANG
My Unforgetabble Summer
ParanormalI am given 4 days to enjoy summer with my bestfriend and I supposed to enjoy it but one thing happened that makes my summer unforgetabble. Ano yon? Find out. Highest ranks : #152 in Adventure #85 in Paranormal Starts: September 15, 2016 End: October...