TAHIMIK ang buong paligid. Para lang kaming estatwa ni Kings, hindi kumikilos, hindi gumagalaw at hindi nagsasalita. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko sa pag-asang sa pagmulat ko ay malalaman ko na o magkakaroon na ng kasagutan ang mga tanong ko.
"I-abot mo ang bola."
Dali-dali kong naimulat ang mga mata ko ng marinig ko iyon. Nagpalinga-linga ako para hanapin kung kanino galing ang boses na iyon.
"Dali na," anito ulit
Tiningnan ko lang sya.
"Ano ka ba Mai, yong bola sabi ko." anito sabay turo sa bola na nasa harapan ko pala.
Kinuha ko ang bola at iniabot sa kanya.
"Salamat." ngumite ito sa akin ng matamis. "Sunod ka na rito."
Sinundan ko lang sya ng tingin papunta sa kanyang mga kasama. May mga kasama sya? May ibang tao sa isla? Nilingon ko si Kings, nakita nya rin ang babaeng yon. Nakita nya rin yong inabutan ko ng bola kani-kanina lang.
"Kings,"
"Shhh." aniya lang
"Sino sila?" hindi ako mapapakali hangga't wala akong makukuha sagot mula sa kanya.
"Sila yon." aniya
"Sinong sila?"
"Yong sampung tao."
"Ano!?" yong kabog ng dibdib ko hindi ko na napigilan.
"Bumalik sila." aniya pa
"Bakit sila bumalik?" halos hindi na ako makahinga ng maayos sa sobrang kaba at may kasamang hindi ko maintindihan na pakiramdam.
"Sshh. Maya-maya mawawala na sila." dagdag ni Kings.
"Susmaryusep naman, sabihin mo na." naiiyak na talaga ako dahil wala talaga akong maintindihan.
Tinakpan nya lang ang mga labi ko. Wag na nga daw kasing maingay. Nanahimik na lang ako kahit marami pa akong gustong itanong.
PUMALO sa eksaktong ala-una ang oras sa wrist watch na suot ko. Tahimik na sa labas. Pakiwari ko'y wala na yong mga nasa labas. Huminga ako ng malalim saka kinapa ang dibdib ko. Ok na, hindi na kumakabog iyon. Kinapa ko ang kamay ni Kings. Inabot naman nya ang kamay ko.
"Umuwi na tayo." sabi ko
"Wala pa si Manong."
"Gumawa tayo ng bangka. Gumawa tayo ng paraan."
"Chen."
"Please Kings, umalis na tayo dito." umiyak na ako
"I'm sorry."
"Ok na yon, napatawad na kita. Please umalis na lang tayo dito. Dalhin mo ko kahit saan, basta maka-alis lang tayo dito."
Niyakap nya ako ng mahigpit saka pilit pinapatahan.
"Oo, aalis na tayo dito. Sshhh."
Maya-maya pa'y natahimik na rin ako at nakumbinsing magiging maayos ang lahat at makaka-uwi kami ng buhay at ligtas sa kaniya-kaniyang pamilya namin.
"Ano yong sinasabi mong sila yong sampung tao? At tsaka, yong nangyari kaninang umaga? Ano yon?" naglakas-loob na akong magtanong.
Humugot muna sya ng malalim na buntong hininga bago nagsalita.
"Ok, I know magagalit ka sa akin at alam kong kamumuhian mo ako kapag nalaman mo yong totoo but you deserve the truth." panimula nya
"Anong totoo?" naguguluhan na ako.
"Everything is just-----"
"Is just what?" atat akong malaman kung ano yon, hayaan nyo na ako, hindi nyo naman ako masisisi eh. Matapos ba naman ang lahat ng mga nangyari may bagay pa ba akong ayaw malaman sa pagkakataong ito? Hay!
"It is supposed to be my ---"
"Kings, deretsuhin mo ko."
"My proposal."
"What?!" anong ibig nyang sabihin? What's the meaning of this? "To whom?" napatayo na ako sa sobrang inis ko. Magpo-propose lang pala dinamay pa ako.
"Sayo."
Natahimik ako sa sinabi nya.
"Supposed to be, bukas yon. Darating dito yong mga tropa ko. Tomorrow is exactly our 25th year bilang magkaibigan. Gusto ko sanang maging memorable tong lahat, kung nakinig lang sana ako sa kanila." mahaba nyang paliwanag.
"Ano ba kasi sinabi nila sayo?" inis na talaga ako sa dami nyang pakulo.
"Tungkol nga don sa sampung tao na nawala dito 60 years ago at bumabalik daw sila dito tuwing ika-sampung buwan kung kailan sila eksaktong nawala." panimula nya
Napaupo ako baka kasi hindi ko na kayanin ang lahat-lahat at bigla na lang akong matumba kapag hindi pa ako maupo.
"Nung dumating tayo dito, yon ang ikalawang araw nila, bukas ang eksaktong ika-lima. At mananatili daw sila dito hanggang sa ika-limang araw para hintayin ang kaibigan nila na hindi nasama sa kanilang pagkawala na nangakong susunod pagkatapos ng limang araw. At hindi sila papayag na hindi nila maisasama ang kaibigan nilang yon."
"Ibig ba sabihin, kailangan nilang magsama ng isa sa atin?"
Tumango lang sya.
"Yong nangyari kaninang umaga, ipaliwanag mo, anong kinalaman nun sa mga nangyari? May sumaksak sayo nakita ng dalawang mata ko. Namatay ka kanina Kings,"
"I know, please calm down."
"Hindi, hindi ako makakalma sa mga nangyayari, ipaliwanag mo na ngayon ng maintindihan ko na."
"Nagulat ako kanina ng tumayo ka at tumingin sa karagatan na para bang may nakita ka mula doon kaya tumayo na rin ako. Hinila mo ako at tumakbo pero hindi ka naman umuusad."
What???????
"Tapos biglang sumigaw at nagtatakbo papunta sa may tabing dagat, lulusong ka na sa dagat kaya pinigilan kita at nawalan ka ng malay."
Nanlumo ako, anong nangyari?
"Tapos nung magkamalay ka, iba na ang mga sinasabi mo. Hindi ka naman mukhang nasaniban eh, kasi normal ka naman."
Nag-isip ako. Ano ba iniisip ko? Wala akong maisip. Inuukupa ng takot ang dibdib ko saka ko naalala yong babaeng kumuha ng bola sa harapan ko.
"Kanina, may babaeng naki-usap na i-abot ko yong bola sa kanya at tinawag nya akong Mai?"
"Ano?!"
"Oo, Kings." hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko sa sobrang takot ko na halos ay maihi na ako sa shorts ko.
"Chen, I'm sorry."
"Bakit? Kings please, utang na loob sabihin mo na ang lahat sa akin."
"Si Mai yon. Sya yong kaibigan nila na binabalikan nila."
"Buhay pa ba yong Mai hanggang ngayon?"
"Oo, sa pagkaka-alam nung mga tao dito, buhay pa sya."
Hindi ko tuloy mawari kung iiyak ako o ano, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako pwedeng mag-panic. Hindi ako pwedeng mawalan ng loob, dapat labanan ko ito. Ako si Chen at hindi si Mai. Hell, hindi nila ako pwedeng makuha. At hindi papayagan ni Kings yon, alam ko.
"Gagawin natin ang lahat maka-uwi lang ng magkasama."
Tumango lang ako. Sa pagkakataong ito, si Kings na lang ang mapagkakatiwalaan ko. Kahit pumapalpak ito alam kong mapagkakatiwalaan ko ito. Besides, I don't have choice. I only have him and he only have me. Kami lang ang magtutulungan at wala ng iba.
So, be it.
BINABASA MO ANG
My Unforgetabble Summer
ParanormalI am given 4 days to enjoy summer with my bestfriend and I supposed to enjoy it but one thing happened that makes my summer unforgetabble. Ano yon? Find out. Highest ranks : #152 in Adventure #85 in Paranormal Starts: September 15, 2016 End: October...