7:00 AM: PAGKAGISING ko wala na si Kings sa kanyang higaan. Nailigpit na din nito ang kanyang mga gamit. Nag-unat ako, pagkatapos iligpit ang hinigaan ay agad na akong lumabas para hanapin si Kings. Paglabas ko ay may nakita akong nakasulat sa buhangin: P.S Finding Nemo.
"Saan naman kaya nagpunta yon? Tsk!" napakamot na lang ako sa batok.
Nagpalinga-linga ako sa buong paligid. Maganda naman talaga ang buong lugar. Sa likurang bahagi kung saan kami nag-camp ay may kagubatan. Maririnig mula doon ang mga huni ng mga ibon na nasa loob. Nakaka-ingganyong pumasok talaga at tingnan kung ano ang nasa loob.
Humakbang ako papasok sa gubat. Medyo madilim doon kasi makakapal ang mga dahon na nasa puno pero may mga parti paring tinatamaan ng araw. Sinundan ko ang tila daanang papunta sa looban. Nasa talagitnaan na ako ng daanan ng marinig kong tumatawag si Kings kaya bumalik na ako sa labas.
"Pumasok ka dyan?" may pag-aalala sa boses nya saka kinapa ako.
"No, I mean hindi naman masyado. Hindi naman sa may loob talaga."
"Ok. Lekana, mag-agahan na tayo." saka nagpatiuna na sa may tent.
Sumunod ako sa kanya, napansin kong wala na yong nakasulat sa may buhangin. Baka binura na nya. sabi ko na lang sa isip ko.
"Pag-gising ko wala ka na, saan ka ba nagpunta?" sabi ko sa kanya.
"Huh?" tila gulat na gulat sya sa itinanong ko. "Ikaw nga itong hindi ko na mahagilap ng magising ako eh."
"What the--"
"Bakit ba?"
"Yong isinulat mo dito?" itinuro ko yong buhanging tila hindi naman nagalaw at walang bakas na may binura doon na nakasulat.
"Anong isinulat?"
"P.S Finding Nemo?"
"Wala akong isinulat dyan."
"Kings naman eh, gino-good time mo ba ako?" naiinis na ako at the same time kinakabahan. Ano ba ang nagyayari? Bakit parang hindi alam ni Kings ang mga pinagsasabi ko?
"Of course not. Pag-gising ko wala ka na. Naligpit na yong higaan mo kaya akala ko lumabas ka na. Hinanap kita at nakita kitang palabas sa may gubat. Yon lang."
"Ano!?"
"Bakit? Ano pala nangyari maliban doon?"
"Kasi pag-gising ko kanina nakaligpit na yong higaan mo at paglabas ko may nakasulat dito," itinuro ko yong bahagi kong saan ko nakita yong nakasulat. "Kaya akala ko lumabas ka para manghuli ng isda kaya gumala ako at doon nga ako napunta sa may gubat."
"Shit!!" aniya "Pumasok ka na sa loob, ngayon na."
Sumunod agad ako sa sinabi nya. Pagpasok namin ay saka umihip ang malakas na hangin na noon ko pa lang nakita. Napayakap ako kay Kings sa sobrang takot ko sa nangyayari. Niyakap nya rin ako ng mahigpit na para bang sinasabi nyang hindi nya ako bibitawan kahit anong mangyari.
After 30 minutes ay humupa na ang hangin pero tila wala namang nangyari dahil bukod sa nakatayo parin ang tent namin ay hindi naman namatay yong ginawang bonfire ni Kings.
"Anong nangyayari Kings?" halos maiyak na ako sa sobrang takot ko.
"Sshh. It's ok." aniya lang habang hawak nya ang mukha ko at pinapatahan ako.
"Hindi yon ok, hindi ito ok. Tell me, anong nangyayari?" tumulo n a ang luha ko na hindi ko na napigilan pa.
Humogot sya ng malalim na buntong hininga saka nagsalita.
"Yon siguro yong sinasabi nila na dahilan ng pagkawala nung sampung tao dito sa isla. Sabi nung mga matatanda na naka-usap namin 2 years ago, pinapalitan daw ng kung sino ang mga nakikita ng mga mata mo ng sa ganoon ay madali ka nilang mahila papasok sa gubat. At kapag hindi ka nila nadala doon ay saka umiihip ang malakas na hangin."
"Umalis na tayo dito."
"We're ok here. Wag lang tayong maghihiwalay para hindi sila magkaroon ng chance gawin ulit yon."
"Pano kung---"
"Sshh."
Niyakap nya ulit ako ng mahigpit at pinapatahan hanggang sa makatulog na ako sa dibdib nya. And I find sudden comfort lying in his chest.
7:00 PM: Halos hindi na kami lumabas ng tent baka kasi dumating ulit yong hangin na yon at liparin na lang kami kung saan. Nakahawak lang ako sa kamay ni Kings, ayokong bigla na lang ay hindi ko nanaman sya makikita katulad kanina kaya kahit habang kumakain ay magkahawak parin kami ng kamay.
"I guess we're ok now, so you can let go of my hand?"
"Bakit? Ayaw mong hawak yong kamay ko?"
"Hindi naman, kaso---"
"Kaso ano?"
"Pawis na pawis na kaya yong kamay ko. Ang lagkit na oh." pinakita pa nya yong mga kamay namin.
"Eh di yong kabila naman."
"Hay naku!"
"Wag ka na kasi mag-reklamo, kaasar to."
Nagulat na lang ako ng bigla nya akong hilahin palapit sa kanya kaya nasub-sob ako sa dibdib nya.
"I guess it's better, right?" nakangite nyang sabi.
"Shut up!" pinilit kong bumangon at lumayo sa kanya kasi naman ang awkward ng position naming dalawa. Ako nakapatong sa kanya, eww.
"Then let go of my hand, para ka namang bata eh, sabing ok na nga diba?" reklamo nya rin
"Ok." binitawan ko sya at saka ako lumayo sa kanya.
"Lumapit ka dito."
"Ayaw ko nga."
"Eh di sige, dyan ka lang. Wag mo akong sisisihin kung may nangyari sayo huh." tumalikod na sya sa akin.
Tumalikod din ako. First time na ngang matulog akong may katabing lalaki eh, ayaw kong may mangyari pang ibang first time. In my 28th years of existence in this world, never been kissed never been touched pa ako, so be it until mahanap ko yong lalaking itinadhana sa akin. Kilala ko si Kings, for over 25 years na magkasama kami minus nong nawala sya ay kilalang-kilala ko na sya pagdating sa babae, so? Big NO!
Narinig kong naghihilik na sya kaya malamang tulog na yon. Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Nasa loob-loob ko parin ang takot na baka nga mangyari ulit yong kaninang umaga. Diba? Nangyari ngang may araw ano na lang kaya kung wala na? My ghad! I can't do this anymore. Nagsisi tuloy akong sumama ako dito. Maiyak-iyak na ako sa isiping baka ay hindi na kami abutan ng umaga doon. Help us Lord.
And then suddenly, naramdaman kong niyayakap nya ako sa likuran. A sudden jolt escape from my veins. He's hugging me from the back pero hindi ko naramdaman yong pag-ayaw sa ginawa nya ni hindi ko sinubukang tanggalin yong kamay nya, instead I feel like I was loved.
Loved? Shut up Chen!!
BINABASA MO ANG
My Unforgetabble Summer
ParanormalI am given 4 days to enjoy summer with my bestfriend and I supposed to enjoy it but one thing happened that makes my summer unforgetabble. Ano yon? Find out. Highest ranks : #152 in Adventure #85 in Paranormal Starts: September 15, 2016 End: October...