HINDI ako makapaniwalang nasa harap ko ulit si Kingsley. Ang bestfriend ko na namatay tapos nabuhay, tapos nag-propose sa akin, tapos biglang naging halimaw. I shook my head para tanggalin ang mga iniisip ko.
"Chen?" panimula nito
Tumingin lang ako sa kanya.
"Ok na ang lahat. Uuwi na tayo." anito
"Wala akong maiintindihan eh, mababaliw na ako kakatanong na wala namang sagot. Ano ba talaga ang nangyari sa akin?" naiyak na ako sa mga pangyayari.
And then Kings started to tell me everything he knew from the beginning.
"I send you a letter asking you to take a vacation with me sa Puerto Prinsessa, kasi nga naroon ang research ko para sa Marine Biology ko. Hinintay kita until 5 sa airport, kaku baka magbago pa ang isip mo at ituloy mo yong trip kasama ako. But then, hanggang gumabi na lang hindi ka dumating. And so, I decided na punatahan ka sa inyo pero may nakapagsabi na, na kina Lola ka daw so dumeretso ako doon. When I get there, sabi ni Lola naka-alis ka na daw dala daw yong sulat ko kaya nag-alala na ako. Kinontak ko mga old friends natin at yong mga kaibigan mo, sabi nila ang huling post mo daw sa facebook mo ay yong pagsakay mo ng bus papunta ngang Batanes."
Bus? Nag airplane ako diba?
"Nagtanong-tanong ako sa bayan kung may naka-kita sayo at may nakapagsabi sumakay ka daw ng bangka papunta sa sinasabi nilang haunted island, binayaran mo daw ng seven thousand yong may-ari ng bangka at sinabi mo pa daw na wag ka ng balikan. Yon daw ang huli nilang pagkakakita sayo. Wala daw pumapasok doon na nakakalabas pa at hindi na daw nakikita pa. So I decided to call Tito Roy para tulungan akong hanapin ka at puntahan yong isla na sinasabi nila."
Diba si Kings ang nagbayad nung manong na may-ari nung bangka at sinabing babalikan kami after 4 days? What the hell.
"Nung marating namin yong isla, we found you running ng wala namang direction. We tried to talk to you pero nawalan ka na ng malay."
"Anong nangyari sa akin?" naisub-sob ko ang mukha ko sa sarili kong palad sa sobrang pagka-lito.
"Ano ba ang nangyari talaga? Kasi hindi ko rin maintindihan eh."
"Yeah, it's true na sinulatan mo ako and so pumunta ako ng airport, sinalubong mo pa nga ako eh, nasapak pa nga kita. After that lumapag tayo sa isang lugar na hindi ko alam, sumakay tayo ng bangka nung manong. Nagtawaran pa nga kayo kasi sabi nya wala na daw pumapalaot sa lugar na yon." tumulo na ang mga luha ko. "Sa isla, sabi mo kaya mo ako dinala doon kasi gusto mo lang mag-propose, at darating yong mga kaibigan mo don pero yon nga ang nangyari. Nakita kong namatay ka, nakita kong nabuhay ka, nakita kong naging halimaw ka, nakita kong----------"
Hindi na nya ako pinatapos sa pagsasalita, niyakap na nya ako ng mahigpit. Doon ko lang napansin, iba ang amoy ni Kings ngayon sa naamoy ko sa Kings na nasa isla. Kumalas ako sa kanya, ayaw ko ng mangyari pa ang mga nangyari. Panaginip lang siguro ang lahat ng ito. Sinampal ko ang sarili ko sa pag-asang magigising ako habang pinipigilan naman nya ako. Saka ko naalala yong usapan namin ng stewardess sa may CR.
"Ma'am, may kasama po kayo?" tanong nito sa akin
"Yes. Nasa harapan ko yong upuan nya." masaya kong sabi sa babae
"Eh, wala po akong nakita na naka-upo doon. Nagsasalita po kasi kayo kanina and yet, wala naman kayong kasama."
Akala ko nagbibiro lang yong stewardess, baka wala talaga akong kasama na sumakay ng eroplano. Dyos ko, mababaliw na yata ako sa mga pangyayari.
"Siguro ang anak ko ang nagdala sayo doon." sabi nung matandang doktor. "He was about to propose to his girlfriend na gusto ang mga ganoong eksena."
"Anong pangalan nung girlfriend nya?"
"Maileen Sandoval."
Nagimbal ako sa narining ko. Si Mai, yong Mai na sinasabi nila. God!
"Hindi na nangyari yong proposal dahil sa tumama yong malakas na bagyo sa bahaging iyon ng isla that wipes everything in there." patuloy lang ng doktor. "Hindi nakapunta sa isla si Mai, at ngayon ang ika-29th year anniversary nilang dalawa."
"Yong Mai, buhay pa ba sya?"
"Wala na sya, namatay sya sa panganganak sa kanyang unang baby. Hindi sya naka-survive."
"Eh, yong sampung tao na nawala sa isla daw mga 60 years na ang nakalipas?"
"Hindi sila nawala."
"Bakit ang sabi nya nawala daw sila at may hinihintay silang isang kaibigan na hindi dumating?"
"Hindi sila nawala dahil isa ako sa sampung iyon." aning matanda "We all survive at nakabalik dito sa bayan ng ligtas."
"So hindi totoo ang lahat ng tungkol sa sampung tao na yon." I felt relieved after hearing those from him.
"Kung ganoon po, hindi po totoong naengkanto yong kaibigan ko?" si Kings iyon
"No, hindi naman totoo ang lahat ng iyon." sabi ng doktor, "Sabi nila nung natagpuan ang katawan ng anak ko ay naengkanto daw sya at nakuha ng mga nilalang na hindi natin katulad. But when the autopsy report arrive, ang sabi tumama sa malaking bato ang kanyang ulo habang lumalangoy sa kasagsagan ng bagyo at hindi nga sya naka-survive."
"Pero ang sabi nyo po, nangyari din sa anak ninyo ang nangyari sa akin?"
"Hija, that was just a word to make you calm down."
Sabi na nga ba at niloloko lang sya nung doktor kanina.
"Tinawagan ako ng hospital kasi ang sabi nagwawala ka daw at akala nila ay nabaliw ka, but after I check on you, you are completely normal. Na-shock ka lang sa mga pangyayari. You were dehydrated nung dinala ka dito kaya pinalagyan na kita ng dextrose."
"Thank you po dok." ani Kings na tumayo para makipagkamay sa matanda.
"I'll go ahead."
Hindi talaga ako makapaniwalang guni-guni ko lang ang lahat or dahil dinala ako ng sinuman sa islang iyon. Pero siguro tanggapin ko na lang, ang importante ay nakabalik ako ng buhay at ligtas at higit sa lahat magiging normal na ang lahat sa buhay ko mula sa araw na iyon.
Thank you Lord.

BINABASA MO ANG
My Unforgetabble Summer
ÜbernatürlichesI am given 4 days to enjoy summer with my bestfriend and I supposed to enjoy it but one thing happened that makes my summer unforgetabble. Ano yon? Find out. Highest ranks : #152 in Adventure #85 in Paranormal Starts: September 15, 2016 End: October...