HALOS apat na oras na kami sa ganoong position at take note hindi parin ako makatulog. Ewan ko ba kung anong iniisip ko. Minsan kapagod gumamit ng utak para sagutin yong mga tanong ko. Napabuntong hininga na lang ako. Gusto kong itanong kay Kings kung bakit sya umalis noon, bakit nya ako iniwan then suddenly magpapakita sya sa akin at hihilahin ako sa sitwasyong meron kami ngayon. Or, bakit pa nya ako binalikan na kung tutuusin ay wala naman syang dapat balikan. You know, we're just friends, bestfreinds actually. Pero hindi naman sapat na rason yon diba? We can still be friends naman kahit nasa malayo sya at hindi kami magkasama. May LDR nga na bf/gf diba bff pa kaya. Hay naku!
"Hindi ka din makatulog?" untag nya
Halos lumabas yong espiritu ko at magsitakbo palayo sa sobrang kaba ko sa ginawa nya. Kaya naman isang malakas na siko ang inabot nya derecho sa kanyang sikmura.
"Ouch!"
"Ikaw kasi eh, nanggugulat ka."
Napaupo na kaming dalawa.
"Hindi ba pwedeng magsalita ka na lang wag ng manapak? Chen naman eh."
"Bakit? Kasalanan ko pa ngayon na ginulat mo ako kaya ka nasapak?"
"Oo na, lage naman akong talo sayo eh."
"Eh ikaw naman talaga ang may kasalanan kaya wag mo akong sisisihin dyan."
"Oo na, ikaw na ang tama. Kahit nung mga bata pa tayo lage namang ikaw ang tama eh."
"Aba, at dinamay pa talaga yong wala pang kamuwang-muwang?"
Tiningnan lang nya ako na para bang may mali sa akin.
"Bakit ganyan ka makatingin?"
"Wala lang, masama ba?"
"Oo, lalo na ganyan ang mukha mo."
"Bakit? Ganito nanaman talaga yong mukha ko ah."
"Tse!"
"Ikaw naman yong maraming nagbago sa ating dalawa eh."
"Kung hindi mo sana ako iniwan eh di sana updated ka sa buhay ko."
"Yeah I know and in some point maganda naman na naghiwalay tayo ng landas eh. Marami tayong mami-miss sa isa't-isa."
"Miss? Eww."
"Oo, ako namiss kita."
Natahimik ako. Hindi ko naman alam kong ano ang sasabihin ko o isasagot ko sa sinabi nya. Weird kasi, wala talaga akong maisip na sabihin.
"Bakit mo nga ba ako iniwan noon?" seryoso na ako sa pagkakataong ito. "Iniyakan ko talaga yon na para bang naglulluksa ako sa pagkawala mo. Shit talaga."
Hindi lang sya kumibo, siguro naghahanap ng maiidadahilan kung bakit o kaya ay naghahanap ng magandang masasabi.
"Dahil gusto ko ng space. May gusto akong patunayan sa sarili ko dahil natatakot akong malaman ang maaaring sagot kapag hindi ako umalis. Pero wala din akong nakuha so I decided to come back." makaraa'y sabi nya.
"Ano ba yon? Sapat na bang rason yon para iwan mo ako? Hindi ko maintindihan eh. Ni minsan hindi ko naiintindihan kong ano ba ang rason mo. Parang ang babaw naman yata ng rason na yan." naiinis na ako sa kanya. Iniwan lang pala nya ako kasi may gusto syang patunayan, bakit? Kung hindi ba sya umalis at hindi nya ako iniwan wala ba syang mapapatunayan? So anong ibig sabihin noon?
"Hindi mo talaga ako maiintindihan kasi wala ka sa lugar ko."
"Dahil wala ka namang sinabi para maintindihan ko. Hindi naman siguro ako ganoon ka bobo o katanga para hindi ko maintindihan lahat ng sasabihin mo diba? Ang hirap sayo, hindi mo pa nga sinusubukan nagko-conclude ka na agad."
Hindi lang sya nagsalita.
"Sige nga, ano ba yong gusto mong patunayan na yon? Gusto kong malaman dahil gusto kong maintindihan."
Ma-drama man pero yon talaga ang gusto ko. Gusto ko syang intindihin. Pero hindi lang sya nagsasalita.
"Ano? Tutunganga na lang tayo dito tapos sasabihin mong hindi kita maiintindihan kasi wala ako sa lugar mo? Eh bakit di mo sabihin ngayon?"
Humugot lang sya ng buntong hininga.
"Ano?" makulit na kung makulit pero ito na yong pagkakataon kong malaman ang totoo. "Tapos, ni-block mo pa ako sa facebook, sa messenger din. Pati password mo sa CS di ko na rin alam kahit sa ning, kahit sa twitter, tapos pinalitan mo number mo tapos lumipat ka ng bahay. Kings naman, I guess naman may karapatan akong mag-usisa diba? May karapatan akong malaman kung------"
Hindi pa ako tapos magsalita ng magsalita sya "Dahil mahal kita."
Natulala ako. Ako naman yong walang masabi.
"Kaya ayokong may manligaw sayo dahil nagseselos ako. Kaya kita iniwan dahil gusto kong patunayan na mali ang nararamdaman ko, na makakalimutan ko yong nararamdaman ko. Na hindi naman yon totoo, na hindi yon tama. Na, kaya kung huminga ng wala ka. It's hard, akala mo ikaw lang ang nasaktan noon? Ako din." sya naman ang naglitanya. "Now tell me, naiintindihan mo ba ako?"
Ako naman ang hindi makakibo, ang hindi makagalaw. Nag-iisip pero walang pumapasok na iba sa utak ko kundi ang mga sinabi nya. Shit! Anyare ba sa akin?
"Ano?" untag nya sa akin
"B-bakit hindi mo sinabi sa akin yon? Bakit hinintay mo pang mag-tatlong taon? Ganoon ba yon kahirap?"
"Oo, akala mo madali lang yon? Tatlong taon kong prinaktis yon tapos sasabihin mo lang na madali? Wow rin eh noh."
"Hindi naman talaga mahirap yon ah, mahal mo ako period."
Tiningnan nya ako ng nakataas ang kanyang kilay.
"Ikaw ba talaga yan Chen?" lumayo sya ng bahagya sa akin.
Nag-evil smile ako. Pag-tripan nga itong mokong na ito ng malaman nyang hindi masarap sa pakiramdam kapag na-good time.
"Wala na ang kaibigan mo." iniba ko ang boses ko para mapaniwala syang hindi talaga ako ito. "Akin na sya ngayon."
"Ikaw talaga." ginulo nya buhok ko. "Hindi ka magaling kaya tigilan mo na yan." aniya
Natahimik lang ako habang nakasimangot. Hindi talaga ako magaling magpanggap. Ngumite ako sa kanya. Yong ngite na parang nagpapa-cute sabay paniningkit ng mata.
"Ano nanaman yang iniisip mo dyan?"
"Wala, bakit ba?"
Kinuha nya ang kamay ko saka mahigpit na hinawakan iyon. Naramdaman kong tumindig ang balahibo ko sa kamay.
"Sorry kung iniwan kita." seryoso iyon kaya bawal tumawa.
"Basta wag mo na akong iiwan ulit huh. Mapapatay na talaga kita." sabi ko na parang batang nakiki-usap.
"Opo." aniya lang saka ngumite.
"Eh-------- ngayon ba mahal mo pa rin ako?" wala sa isip na tanong ko.
"What do you think?"
Napatingin lang ako sa kanyang mukha.
What am I thinking, really.
BINABASA MO ANG
My Unforgetabble Summer
ParanormalI am given 4 days to enjoy summer with my bestfriend and I supposed to enjoy it but one thing happened that makes my summer unforgetabble. Ano yon? Find out. Highest ranks : #152 in Adventure #85 in Paranormal Starts: September 15, 2016 End: October...