Chapter 3 - Gerald

24 0 0
                                    

Nagwawala na si Jemina noon. Naiinis na ako. Naiirita. Ano bang problema nila? Akala ba nila na madali lang ito para sa iba? Para sa amin? Para sa akin? Mahirap din ‘to. Wala silang karapatan para maging hysterical at magwala nang dahil sa mga namatay na kaklase. Hindi sila kawalan kumpara sa mga buhay naming pilit naming ipinaglalaban. Kaunti na lang at baka ako na mismo ang papatay sa lahat ng nandito.

Oo. Paano kung patayin ko na lang sila? At pagkatapos, kapag bumalik sila Karen ay sila naman ang isunod ko? Oo. Yun na lang. Tama. Papatayin ko silang lahat. Bibilang ako hanggang tatlo at lahat sila ay mawawala na sa ibabaw ng mundo.

Isa.

Dalawa.

Tat-

Narinig ko ang sigaw ni Leo sa labas. Shit! Wrong timing. Lumabas ako at sinamahan ako ni Vanessa at Erika. Idinala ko ang baril na nakuha ko kahapon nang hinarap ko sila. Gustong sumali nila Leo sa grupo namin. Gusto nilang sumilong sa pamamahala ng lider naming si Karen. Ano bang problema nila? Hindi ba nila alam na pare-pareho lang tayong lahat? Kaming lahat? Hindi ba nila alam na hahantong din sa iisang bagay? Pakikipagpatayan sa isa’t-isa lang ang kahihinatnan nito. Lahat kami, mamamatay.

Hindi na ako nagdalawang isip. Itinutok ko kaagad ang baril kay Leo. Pero mukhang nabasa niya ang mga galaw ko. Kaagad niya itong hinawakan at nakuha mula sa akin. Itinapon niya ito papalayo. Bumunot si Vanessa ng kutsilyo. Sinaksak niya si Leo. Kaagad na bumagsak si Leo. Sinaksak pa ng isang beses ni Vanessa si Leo, ngayon naman ay sa bumbunan. Sinuntok naman ni Erika si Brian at tumumba ito. Binasag niya ang bungo ni Brian sa pamamagitan ng isang malaking bato. Kinuha ko ang baril at ipinaputok ito kay Delle. Sumunod kay Vanessa. Sumunod si Erika.

FAMES LUDI: Mendacium Octavo (Ang Walong Kasinungalingan)Where stories live. Discover now