Chapter 7 - Kristel

14 0 0
                                    

August 5, 2011. Maaga ako sa classroom noon, hinatid ako ni Papa. Si Ann lang ang nakita ko sa loob ng classroom. Umupo ako sa pwesto ko at naghanap ng pwedeng gawin. Ang tahimik ni Ann. Walang tunog na lumalabas mula sa kanya, kahit na simpleng paghinga lang niya. Nagulat na lang ako nang lumapit siya sa akin. Umupo siya sa upuang nasa tabi ko.

“May kailangan kang malaman.” Sabi niya.

“Ha? Ano naman Ann?”

“Mamamatay tayong lahat.”

“Ha?! Bakit?”

“Mamaya, darating ang ilang tao na susundo sa atin. Ipapatapon tayo sa isang isla at pipiliting makipagpatayan sa isa’t-isa.”

“Weh?”

“Wag ka munang magtanong hangga’t hindi pa ako tapos.”

“Ok.”

Sinabi niya sa akin ang plano. Maghahanap ako ng ilang kasamahan para sa planong ito. Sinabi niya sa akin ang lahat. Sinabi niya sa akin na dapat kong panatilihin ko siyang buhay dahil siya lang ang pag-asa namin. Sinabi niya sa akin ang lahat kaya ko ginawa ang mga ito. Kaya ko pinatay si Dorothy at Pat. Kaya ko kinausap si Karen. Kung bakit alam ni Imerey ang tungkol dito. Kung bakit kaming walo ang dapat matira. Kung bakit pineke ni Olive ang lahat. Kung bakit si Angelica ang natira.

Nang nakita ko ang pagkakataon ko, binato ko na si Ann ng takip ng kaldero. Pero mali ang lahat. Namatay si Imerey. Napatay ko si Sarah, at ngayon naman, palapit na si Angelica sa akin. Bago mahuli ang lahat, kailangan niyang malaman na si Ann ang may kagagawan nito.

Pero wala akong nagawa nang saksakin niya ako.

FAMES LUDI: Mendacium Octavo (Ang Walong Kasinungalingan)Where stories live. Discover now