Chapter 2 - Venus

32 0 0
                                    

Ikalawang araw naming magkakasama nang iniwan kami nina Alec, Angelica at Karen patungo sa kinalulugaran nina Kristel. Gaganti sila. At kung kaya nila, kukunin nila si jessica. Ganoon ko kakilala si Karen. Sa mga tingin palang niya, alam kong may gusto at kailangan pa siyang gawin. At alam kong ang pagkuha kay Jessica ang ipinunta nila doon, at kung sino pang pwede nilang iligtas.

Nasa loob kami ng kweba. Ako, si Jemina, Vanessa, Erika, at Gerald. Ilang saglit lang ang nakalipas nang nagising na si Jemina.

“Nasaan ako? Venus? Erika? Vanessa? Gerald?” tanong ni Jemina.

“Kasama ka namin dito sa kweba Jemina. Nagtatago tayo.” Sabi sa kanya ni Erika.

“Ibig sabihin, hindi panaginip ang lahat? Totoo iyon? Totoong namatay si Mario para iligtas ako? Totoong si Belle, si Crislie, si Olive, si Jaycel at Lovely eh patay na? Ha?” sigaw ni Jemina. Nagsimula siyang magwala. Nagsisisigaw.

“Jemina tama na. Magiging ok na ang lahat.” Sabi ni Vanessa.

“Hindi! Hindi magiging ok ang lahat!” sabi ni Jemina at mas nilakasan ang pagpupumiglas.

Natigilan kaming lahat maliban kay Jemina nang narinig namin ang boses ni Leo. Lumabas si Gerald, Vanessa at Erika. Dala ni Gerald ang baril na naiwan nina Alec. Naiwan sa akin ang sumpit na may tatlo pang bala. Hindi pa rin tumitigil si Jemina sa pagpupumiglas. Ang lakas pa rin niya kahit na may sugat siya at kakagaling niya sa sakit. Nagsimula siyang tumayo. Sinipa niya ako gamit ang mabuti niyang paa. Pinigilan ko siya. Sinipa niya akong muli. Doon na ako nagalit.

Kinuha ko ang isang bala ng sumpit at itinurok sa noo niya. Ibinaon ko ito na halos lumubog na ang buong dart. Matapos mapagtanto ko ang ginawa ko. Napatay ko si Jemina. Kung hindi man dahil sa sugat niya, marahil ay sa lason na nasa sumpit. Kaagad kong pinunasan ang sugat niya. Kinuha ko ang damit na pinangtatakip nila sa sugat niya at inilatag sa noo niya para hindi nila makita ang sugat dito. Patapos na ako nang umagos ang dugo sa ilalim ng kweba. Nagulat ako doon. Pagkatapos ay nakarinig ako ng tatlong putok. Sumunod ang ilang sigaw. Pumasok bigla si Gerald sa loob ng tent sinabi ang lahat. Sinabi niyang nagkunwaring sasali sa grupo namin sina Leo at biglang umatake. Namatay si Vanessa at Erika, kasama ni Leo, Delle, at Brian.

Tinanong niya ako kung ano ang nangyari kay Jemina.

“Pinatay ko siya. Wag mong sasabihin sa iba.” Sabi ko sa kanya habang nakatutok ang isa pang dart ng sumpit sa lalamunan niya.

FAMES LUDI: Mendacium Octavo (Ang Walong Kasinungalingan)Where stories live. Discover now