Chapter 4 - Jane

16 0 0
                                    

Nahilo ako sa dugo na nakita ko. Sa dugong nakita ko na umagos mula sa leeg ni Jaycel, ulo ni Lovely at sa hita ni Kristel. Masusuka na ako nang biglang nagkagulo ang lahat. Tumakbo sina Karen papalayo. Gusto ko sanang isigaw na Teka! Sasama ako sa inyo!, pero hindi ko na nasabi. Nadala na ako ng tensyon at sa bilis ng lahat ng pangyayari. Kinuha ko kaagad ang pinakamalapit na armas sa akin. Ang maso. Mabigat ito, pero kaya ko namang buhatin. Tumakbo ako papasok sa gubat. Nagulat ako dahil sa kahit na may dala akong bagay na halos kasing bigat ko na eh kinakaya ko pa rin ang tumakbo. Mas nagulat ako nang makitang nakasunod sa akin si Imerey. May dala siyang kutsilyo. Nakaabot siya sa akin. Nahiwa niya ang balat sa taas ng ilong ko, kapantay ng mga mata ko. Ihinampas ko ng buong lakas ang maso. Natamaan ang paa niya at dinig na dinig ko ang tunog ng nadurog na buto.

Minura niya ako. Sumunggab siyang muli at nasaksak niya ako sa braso. Ininda ko ang lumalagablab na sakit at ihinampas muli ang maso. Natamaan ko naman ngayon ang tadyang niya. Hindi siya masyadong nasaktan dahil hindi ako nakaasintang maigi. Tumayo siya at tumayo rin ako.

“Jane, akala mo ba mabubuhay ka pa? Akala mo ba ikaw ang mananalo? Hindi Jane. Hindi. Hindi ikaw. Hindi ako. Wala sa ating dalawa. Wala sa ating lahat. Wala, wala.”

Hindi ko na narinig pa ang sinabi niya dahil tumakbo na ako kaagad. Hinihiling na sana hindi niya ako maabutan. Na kung itapon man niya ang kutsilyo, hindi ako mapuntirya.

Pagkatapos ng mahigit isang oras na pagtakbo at hindi paglingon, tumigil rin ako. Ibinaba ko ang maso at humiga sa damuhan. Iniyak ko ang lahat ng nararamdaman ko. Galit. Lungkot. Pagkalito. Hinanakit. At pagtataka. Ano ang ibig sabihin ni Imerey? Anong ibig niyang ipaalam sa akin? Anong ibig niyang sabihin sa “Wala sa ating lahat ang mananalo?” Ibig ba niyang sabihin ay papatayin din kaming lahat sa dulo? Pero bakit? Pinaglaruan lang ba kami?

Isa lang ang tumatak sa isip ko sa mga panahong iyon. Kahit hindi ko sinasadyang sabihin ito ng malakas, wala akong pakialam. Basta ang alam ko, ito lang ang kailangan kong gawin.

“Papatayin ko kayong lahat!”

FAMES LUDI: Mendacium Octavo (Ang Walong Kasinungalingan)Where stories live. Discover now