Chapter 8 - Ann

13 0 0
                                    

August 4, 2011. Naglalakad ako palabas ng school. Halos wala ng tao sa school dahil medyo late na. Nasa labas na ako at nag-aabang ng tricycle nang biglang may bumuhat sa akin. Binuhat ako papasok muli sa school. Tinatakpan niya ang bunganga ko. Hindi ko magalaw ang kamay ko kaya kinagat ko ng buong lakas ang kamay niya. Narinig ko ang mahinang aray niya pero hindi pa rin siya tumitigil. Kumagat pa ako ng mas madiin. Naramdaman ko na sa bibig ko ang maalat na dugo. Idinura ko ito kaagad, bago ko pa man ito malunok.

Ibinagsak niya ako sa lupaan, naalala kong sa oval niya ako dinala. Nakapalibot sa akin ang ilang mga tao. Lahat nakaitim. Sa paligid ay may mga sundalong nagbabantay. Ano ang nangyayari dito?Tanong ko sa sarili ko. Lumapit sa akin ang lahat. Wala na akong naalala pagkatapos nun.

Nang magising ako, nasa helicopter na ako. Lumilipad ito at nakikita ko sa maliit na tv screen sa harapan ay nag-papatayan sila Angelica, Sarah, Kristel, Imerey at… at ako.

Natapos ang labanan. Natira sina Angelica at ang taong nakikita ko na kamukhang kamukha ako. Bumaba ang helicopter at sumakay si Ann. Lumipad ito pataas. Tinignan ko siyang maigi. Bigla akong pinatayo. Binuksan nila ang pintuan at tinulak ako palabas.

At namatay ako nang hindi nalalaman ang totoo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FAMES LUDI: Mendacium Octavo (Ang Walong Kasinungalingan)Where stories live. Discover now