Chapter 4: Accident
Sheilla's POV
"OMG! You're brilliant, Assley! Talagang dito siya nakatira?" Tanong ko sa kanya na nagkukunwari akong natutuwa dahil dinala niya ko sa condo unit ni Mr. Savior. Well, wala naman kami sa mismong tapat ng condo unit niya nasa parking area palang kami para daw sundan namin si Gerald at makita namin yung ginagawa. Dapat pala hindi ko na lang sinamahan to dahil mukhang mapapahamak na naman ako. Bakit nga ba hindi ko naisip yon no? Eh sa araw-araw naman na ginawa ng diyos na makakasama ko to. Hindi lilipas yung isang araw na hindi ako nalalagay sa masama. Buti nga wala yung mukhang gilagid niyang boyfriend eh. Kahit papano. Safe ako. Ng..KONTI!
"Oh 'diba? Akala mo ba ikaw lang yung matalino? Siyempre ako rin. Nakakahiya naman sa'yo kasi ikaw lang yung matalino tapos yung best friend mo hindi. Magiging unfair ang life kapag nakaganon." Tss. Talagang nagmalaki pa? Ang galing galing talaga ng best friend ko. Napakatalino. Hindi niya pa ba ko kilala? Alam niya naman kung nagsa-sarcastic ako ng salita o hindi. Lakas pa ng loob na maniwalang 'tuwang-tuwa' ako sa ginawa niya.
"Hm! Gaga! Impakta ka talaga! Sino bang nagsabi sa'yo na natutuwa ako't dinala mo ko rito? Assley umuwi na nga tayo. Baka mapano pa tayo rito!" Sumimangot pa yung bruha na akala mo pinapagalitang bata matapos ko siyang sigawan at batukan. Sumakay ulit ako sa loob ng kotse. Paano kung may makakita sa'kin mga naging kliyente ko rito? Anung idadahilan ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na bibili ako ng condo dahil alam nila na hindi ako basta-basta titira sa ganitong klase ng condo. Siyempre ang gusto ko sarili kong design. Ayoko ng ganito na iba yung nag-design.
"Sheilla naman eh! Ayaw mo bang makita man lang si Mr. Savior mo? Ayaw mo bang malaman kung san siya sa mga condo na yan nakatira? Ayaw mo bang malaman kung bakit kita dinala rito? At ayaw mo bang malaman yung naisip naming plano ni Prince KO?" Ngumiwi ako. Oo ngumiwi ako at hindi napangiwi lang. As in yung mabibirat na yung bibig ko. Para naman malaman niyang nandidiri ako.
"You know what? Ok na ko sa Prince na lang eh? Yung wala ng KO? Hindi mo ba naririnig yung sarili mo? Wake up Assley! Unti-unti ka ng sumasama sa generation ng mga jejemons out there." Umirap ako sa kanya na sakto namang napalingon ako sa bintana. Kung saan nakita ko yung isang gwapong nilalang na papangalanan kong Gerald. O M G nandito nga siya! Automatic akong napayuko kahit na tinted yung salamin ng kotse ng bruha kong best friend. Malay ko ba kung may x-ray vision yan.
"Hoy bruha! Ano na namang ginagaw--"
"Wag kang maingay impakta ka! Nandito si Gerald. Oh my god! Baka makita niya ko." Nakatakip pa ko sa bibig habang sinisipat-sipat ko siya. Eto na detailed to. Lahat ng gagawin niya sasabihin ko.
Konting silip. Ayan. Kita ko na ng mas clear. May dinukot siya sa bulsa niya. Naglakad siya. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. Steps palapit sa kotse niya na halos katabi lang ng kotse namin. Ni-remote niya yon para buksan bago siya pumasok. Nagmani-obra. Sabay nagdrive na palabas ng parking lot! At buwitre kailangan ko siyang sundan!
Dali-dali kong inistart yung ignition ng kotse ko sabay drive na. "Akala ko ba hindi mo susundan?" Pasipol-sipol na kana ng isang to na mukha namang butiki! Umurong ako papunta sa harap ng nauuna sa'min kotse. Bale isang kotse na lang yung pagitan namin at pagkatapos nun reach na reach ko na siya.
"Manahimik ka butiki ka! Nagda-drive ako baka mabangga pa tayo at magaya pa tayo sa pagka-crash ng car ni Paul Walker!" Para akong nakikipag-racing nito. Bakit ba bumilis yung andar ng isang yon?! Nasan na hindi ko na makita! Putspa naman! I accelerated more. Tinapakan ko yung gas pedal bago ako nag-overtake. Ang astig no? Ako yung nagda-drive ng kotse ng best friend ko. Ganun talaga eh. Ako ang batas!
"Magdahan-dahan ka naman Sheilla! Nagagalit na yung mga pinago-overtake-an mo oh! God! Hindi ko akalain na ganyan ka pala talaga kadesperada makuha lang si Mr. Savior mo aangal-angal ka pa diyan kanina nung dinala kita sa condo unit niya." Ako desperada? Siguro oo. Eh anung magagawa ko? Na-in love lang naman ako. Wala akong magagawa. Kung it's the battle between heart and mind yung nagaganap. Mas pipiliin ko yung puso ko kaysa sa isip ko. Ganun ako eh. Wagas kung magmahal na never ko pa naman naranasan in real life!
YOU ARE READING
Project 143 (REVISING SOON)
RomanceSheilla Mae Jaime an Architect and a girl who simply dreamt of seeing herself falling in love with the man who will make her happy like what she had experience when the Jonas Brothers was still in band. But all of her dreams suddenly disappeared whe...