Chapter 10: Paradise

160 7 0
                                    

Chapter 10: Paradise

"Aano ba tayo rito, Mon?" Nakita naman siguro niyang may inaayos pa ko sa opisina ko. Bakit niya naman ako hihilahin papunta rito sa--ewan ko kung anung lugar to. Para akong nasa Summer Paradise. Ya know, what I mean? Kasi ganito ang istorya. Habang ako'y tahimik na tahimik na nag-aayos ng polishing for may plan kanina. Para sa project na ginagawa namin. Ay, bigla na lang siyang dumating at sinabing.

"Sheilla, I want you to come with me."

Oh diba? Ibang klase mag-utos ang lolo niyo. This is non sense. Itutuloy ko pa ba? Ok, So eto nga. Sinagot ko yon. Eto na yun eh. Yung pinaka-climax. Wag ng maingay. I-ready na ang isang bucket ng popcorn.

"Saan?" Habang ako patuloy naman ako sa pagi-sketch ko ng perspective nung isa pang model house na pinadagdag niya. At pinadagdag nung engineer na gwapo.

"Sa paraiso ko."

Ok that's the climax. And now back to reality. Para siyang batang nagtatanggal ngayon ng sapatos at medyas niya. Tinanggal niya rin yung suit na nakapatong sa long sleeves polo niya. At ako naman nakapamewang lang habang nakatingin sa pinaggagagawa niya. Patingin-tingin din ako sa wrist watch ko. Dahil kung magtatagal pa ko rito. Hindi ko matatapos yung ginagawa ko. Malapit pa naman na yung deadline nun sa aking engineer. Actually, hindi pa naman malapit. Pero dahil pressured ako. Malapit na rin yun para sa'kin.

"Sheilla tara!" Naramdaman ko na lang yung paghila niya sa'kin. Kumakalas ako pero hindi niya ko pinapaalis at mas hinihigpitan niya pa yung paghila sa'kin para lang samahan siyang mag-enjoy sa maalat na tubig dagat.

"Bitiwan mo nga ako. Ano ka ba naman. Oras ng trabaho eh." Angal ko pa sa kanya. Malapit na kami sa tubig actually ilang inch na lang yung natitira sa seashore na tinatapakan ko eh makakatapak na ko sa tubig. At sigurado akong pasma ang aabutin ko nito. Ako na mismo yung nanghila ng kamay ko sa kanya. Mukha namang hindi niya napansin yon at nagtatatakbo pa siya pabalik-balik sa tubig without even caring for his slacks na nababasa na. Sabagay, boyscout naman ang isang 'to kaya hindi na ko magtataka kung may baon man siyang pamalit.

Lumayo ako ulit ng konti. Habang pinagmamasdan ko lang siya. Nakakatuwa siyang panuorin dahil para siyang bata. Para ba siyang ordinaryong lalaki lang. Hindi yung lalaking tinitilian, pinapantasiya at pinagnanasaan dahil sa pagiging eligible bachelor. Ibang-iba. Ewan ko ba. Anung nakain nito at bigla akong hinila papunta rito sa--ewan ko kung anung lugar to.

"Sheilla! Tara!" Sigaw niya pa sa'kin. Isinenyas ko lang yung kamay ko na hindi saka siya nagpatuloy sa pagtatampisaw. Iginala ko ng mabuti yung mata ko. Wala naman akong nakikitang tao kundi kami lang. Meron mang dumadaan pero halatang mga care taker lang ng lugar na to. Maya-maya pa nangalay din yung paa ko saka ko hinubad yung sapatos kong may pamatay na takong saka ako umupo sa buhanginan. Pero maarte ako kaya ginamit ko yung hanky ko para hindi marumihan yung puwitan ko.

Ilang oras siguro siyang nagpakasaya bago niya naalalang kasama niya pala ako. Grabe. Ang tagal din niyang naglaro eh. Susme.

"Sheilla. Bakit hindi ka nagtampisaw. Ang sarap. Ang lamig ng tubig." Pinagmasdan ko yung long sleeves niyang damit na basang basa na at--OMG. Bumabakat yung..y-yung..

"Malusaw naman yung katawan ko sa titig mo." Natauhan lang ako dahil dun kaya iniiwas ko na yung tingin ko saka ko ibinalik sa dagat. Hapon na rin pala. And obviously, the sun is setting. Mainit pa lang dinala niya na ko rito. Tirik na tirik pa yung araw. Mabuti na lang nadala yun ng breeze ng hangin kaya hindi masyadong masakit sa balat.

Umupo siya sa tabi ko saka niya ginaya kung saan ako nakatingin. Ngiting-ngiti pa siya. Ewan ko ba kung anung nakain nito at naisipang mag-enjoy.

"Oh bakit?" Sabay lingon niya sa'kin. Umirap naman ako sa kanya bago ibinalik yung tingin ko sa dagat.

Project 143 (REVISING SOON)Where stories live. Discover now