Chapter 14: The Party

152 4 0
                                    

Chapter 14: The Party

"Ayoko." Sagot ko sa kanya. Agad naman akong bumalik papasok sa loob ng sasakyan ni Sophie. Eh sa ayoko eh. Gusto niya kong i-date eh 'di i-date niya. Pero hindi ko trip yung siya pa yung magpapaayos sa'kin tapos ano magde-date kami pero magsasawa na agad sa itsura ko. Bahala siya! Ayoko kaya ng ganun. Tss.

"Lunatic, baba diyan." Utos niya sa'kin tinignan ko naman siya ng masama. Ano ba kasing problema na naman nito. Kapag ako ba hindi pwedeng masunod ang gusto ko? Siya naman kaya ngayon yung pagtabuyan ko? Nakaka-asar lang. Look, I'm head over heels in love with him pero..gosh this is so effin unfair!

"Gerald Mendez. Don't you ever call me again that. I'm not a Lunatic! M-maybe sometimes..but not always!" Pinindot ko naman yung isang button na nandoon kung saan ang use eh isarado ang bintana. Natatawa akong ewan sa ginagawa niyang pagpigil sa pagtaas non. Hininto ko lang 'yon nung nalapit na siyang maipit.

"Last chance, Gerald. Kung ayaw mong maipit alisin mo yang kamay mo." Taas kilay ko pang sabi pero matigas ang isang 'to.

"NO." Mapanindigan ding tao ha. Pinindot ko ulit 'yon. Hindi ako tumitingin sa kanua habang ginagawa ko yung pansasadistang 'yon. Well, ayoko ng ginagawa ko ngayon. Nasasaktan ako kasi nasasaktan ko ang aking mahal. Pero thet!

"Araaaaaay! Lunatic ano ba!" Sigaw niya pa habang kinakalampag yung salamin ng bintana. Pinikit ko naman yung isang mata ko atsaka kung anu-anong pinagsasasabi para lang hindi ko marinig yung pagmamakaawa niya.

"Lalalalalalala. Lalalala. Fefefefefe. Gegegegegege. Momomomomon. Fafafafafafa. Seseseseses. Dododododod--"

"Lunatic! Ano ba! Tatanggalin mo 'yan o babastedin kita?!" Napahinto ako. Babastedin niya ko?! Kapal niya ha?! Wala oa ngang isang buwan akong gumagawa ng paraan para ma-inlove siya tapos babastedin niya ko! Sino siya para gawin 'yon?!

Tinigil ko naman yung ginagawa ko. Binaba ko naman yung salamin at nakita kong ininda niya 'yon. Bumaba ako para humarap sa kanya.

"S-sorry." Tumigil naman siya sa paghawak dun sa kamay niya na inipit ko bago ako tumingin sa kanya.

"Alam mo ba kung anung ginawa mo?! Siguro naman tinuro sa'yo dati ng instructor niyo nung college kung gaano kahalaga yung kamay ng mga engineer pati na rin ng mga architect?!" Singhal niya sa'kin. Napayuko naman ako. Ang tanga ko. Bakit hindi ko naisip 'yon? Kahit nga mapasma 'to bawal eh. Tss.

"S-sorry talaga. Babawi ako." Pagkasabi ko nun inangat ko ulit yung tingin ko sa kanya saka ko nakita yung pag-aliwalas ng mukha niya. Dali-dali naman niya kong hinila papasok dun sa dala niyang kotse. Pumasok din siya para mai-drive 'yon paalis dun sa parking lot ng restaurant.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Salubong naman yung kilay niya habang nagda-drive. Sige lang ok lang yung ganyan. Lalo naman siyang gumugwapo eh.

"Kasasabi ko lang kanina hindi ba? Ikaw ang dadalin kong date mamaya. Kaya malamang sa oo paaayusan kita." Tumangu-tango naman ako. Hindi talaga ako mapakali. Bakit kailangan siya pa yung kasama ko? Pisti!

"Pwede namang sila Sophie yung kasama ko. Alam mo ba kaya kami umalis dun kasi nga magpapaayos kami? Tapos nangialam-ngialam ka." Tinabi niya naman yung kotse bago humarap sa'kin.

"Hindi ka ba titigil diyan? Gusto mo ba iba na lang yung dalin kong date?" Agad ko namang sinarado yung bibig ko bago ako nag-slouch sa upuan ko. Nagsimula niya ulit paandarin yung kotse niya saka niya dineretso sa tapat ng isang boutique.

"Baba." Utos niya sa'kin. Bumaba naman ako dahil 'yun yung inutos niya. Pumasok naman siya sa loob ng isang boutique bagobako sumunod sa kanya. Halata namang kilala siya dun sa loob dahil may ilang mga staff dun na nakakakilala sa kanya.

Project 143 (REVISING SOON)Where stories live. Discover now