Chapter 6: Enemy's Zone

224 5 0
                                    

Chapter 6: Enemy's Zone

Sheilla's POV

"Nasan na ba? Hindi ko makita nakaharang ka diyan!" Hinampas ko pa yung puwitan niya. Kanina pa kami sunod ng sunod dito kay Gerald ni hindi ko pa makita kung anung suot at itsura niya ngayon. Tagaktak na rin yung pawis ko rito. Hindi ko maintindihan kung kinakabahan lang ako dahil baka makita niya ko o kinakabahan ako kasi alam kong may nakakita na sa'ming isa sa mga kaibigan niya na naka-eye contact ko pa kanina.

"Manahimik ka na nga lang diyan! Tinitignan ko nga kung san sila pumupunta eh. Bowset ka! Wag ka ng maingay diyan!" Mariin niyang bulong. Akala mo mga detective kami na sumusunod sa isang taong pinaghihinalaang kriminal. Kainis naman kasi! Nasigawan na nga ako sa cellphone kanina, mas ginanahan pa kong sundan siya. Ano bang topak ko?! Kung tatanungin kung nasan kami? We're here at Tom's World at sinusundan lang naman ang aking Mr. Savior.

"Tsk. Nasan na ba kasi?!" Salubong ang kilay niya na humarap sa'kin. Naka-cross arms din siya sabay extend ng arm niya at batok sa'kin. Napahawak naman ako dun sa part na binatukan niya bago ko siya ginantihan ng bahagyang tapak sa paa.

"Arouch! Hindi mo ba alam na bagong pedicure lang ako?! Grabe ka! Napakasalbahe mo talaga sa'kin!" Angal niya ngumuso-nguso pa siya bago iirap-irap na tumalikod ulit. Pero sa pagtalikod niya alam kong natigilan din siya. Dahil ako natigilan din ako. Matagal na kaming mag-best friend kaya kung anung mararamdaman niya mararamdaman ko rin. At siguro kung libo-libong pagpipigi ng hininga yung ginagawa niya, ako ngayon. Milya-milya. Nahihirapan akong lumunok ng laway. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Paano ba naman to? Eh makita ko lang yung mabagsik na sama ng tingin niya pakiramdam ko binabalatan ako ng buhay. Jusmiyo!

I WANNA GET OUTTA HERE!

"Sabi na nga ba." Malamig na sabi niya. Ni hindi ko malaman kung galit siya. O mapapahiya ako. O paparausin niya 'to at hindi na lang ako papansinin. Waaaaah! Ano ba kasi 'tong ginagawa namin?!

"A-ah. M-Mr.. G-Gerald.. M-magpapaliwanag ako.." Nabubulol na sabi ni Assley. Ako naman nakaawang pa rin yung bibig at nakikipagtitigan sa kanya. Matiim lang siyang nakatingin sa'kin. Maya-maya pa dumating yung mga kasama niya kanina pati na rin yung gwapong nakakita sa'min. Grabe yung tatlong lalaking kasama niya ang gu-gwapo rin. Yung isang babae maganda rin. Tapos kasama pa nila yung kapatid niyang maganda. My god! Araw ba ng mga god and goddess ngayon?

OA ko na ba? Oo sige. Ang OA ko. But I'm just expressing myself. Walang word na makakapag-describe sa kanila. Ewan ko ba. Parang ngayon lang ako nakakita ng mga ganitong mukha. Palibhasa sawang-sawa na ko sa itsura ng kaibigan ko.

"Oh.. Hi girl! We meet again!" Nag-aalangan pa kong ngumiti sa kanya at pasimpleng kumaway. Nabaling naman yung tingin ko sa iaang lalaking kasama niya. Palihim lang na nangingiti 'yun. Alam kong dapat mayabangan o mainis ako dun sa lalaking yon. Pero hindi eh. Pakiramdam ko kasi.. Matutulungan niya kong mapalapit kay Gerald. Actually, lahat naman sila pakiramdam ko matutulungan ako. Yun nga lang, ilan pa silang bubunuin ko bago ako makarating sa piling ng aking mahal. Isa pa, walang kasiguraduhan kung mamahalin niya rin ako.

God! I hate the feeling of being in love! Nakakapraning!

"Oh my God. Siya ba yung ni-rescue ni Gerald last..I'm not sure sa date eh. Pero alam ko ikaw 'yon. Tama ba?" Tanong naman nung babaeng nakangiti sa'kin. Tumango lang ako sa kanya. Ibig sabihin ba kasama rin sila non? Aba'y malay ko ba kung nakita nila ako non. Walang nasa isip ko nung kundi ang Jonas Brothers. Pagkatapos nun wal ng tumatak sa isip ko kundi si Gerald na lang kaya kung nakausap o nakita ko man sila non. Hindi ko na matandaan. Yung kapatid niya. Hindi ko alam kung nandun din non. That means talagang lumilipad lang yung isip ko.

"Talaga bang sinusubukan mo ko?" Nabaling ulit yung pansin ko sa kanya na mas nagdilim yung aura. Masusuntok pa yata ako nito any minute from now. Siguro kailangan ko ng magpaalam? Siguro kailangan ko ng lumayo? Next time ko na siguro itutuloy ang pagsunod? At sana naman sa next time na yon hindi na niya ko makita.

Project 143 (REVISING SOON)Where stories live. Discover now