Chapter 19: Insanely Inlove

127 4 0
                                    

Chapter 19: Insanely Inlove

"Thanks." Almost 8 na nang makarating kami sa bahay. At medyo mabigat na rin yung talukap ng mga mata ko. But geez. Hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi niya sa'kin. You know? I can't REALLY understand him. He then treated me like I'm just a piece of shit. Pero bakit parang nabago yata lahat. Yeah, I hate thinking. Lalo na kapag yung iniisip mo eh kahit anung gawin mong pagmu-murder sa utak mo eh hindi mo pa rin mahahanapan ng sagot.

Binubuksan ko na yung gate namin gamit yung spare key ko, nang bigla niyang hablutin yung kamay ko at iharap sa kanya. Medyo maluwag naman yung pagkakahawak ko sa spare key ko kaya nalaglag sa paanan ko.

"Wha-" gusto kong tumanggi at ilayo ang sarili ko dahil sa ginawa niya kaso huli na. He kissed me. Sa noo. And damn! Bakit hindi sa lips?

Of course, I'm Sheilla Mae Jaime. And don't you dare pay attention on my craziness. I know I'm crazy. Dahil sa oras na idinikit niya yung labi niya sa noo ko. Marahan akong napapikit at dinama 'yon. I'm doing it again. 'diba dapat nagmo-ove na ko ngayon at hindi na dapat magkaron ng reaction yung katawan ko sa ginawa niya? But what's this freakin' feeling again?!

Stop Sheilla. Your heartbeat is in an unconcious condition right now. Your heartbeat is not normal and that was all because of a kiss? Gee!

Naramdaman kong inalis niya yung labi niya sa noo ko. But i'm still stoned. Saka ko na lang naidilat yung mata ko nang ma-realize kong masyado ng matagal ang aking kagagahan. Dumilat na ko't nagkamali ako nang ginawa ko.

Damn! What am I doing?! Of course, he'll laugh at me!

"Kung ako sa'yo ilalabas ko 'yan. Baka mamaya pasabugin mo pa yung bahay namin dahil sa pagpipigil mo ng tawa mo. And you know what? What you did is not funny. I want to rest. And please, hindi ako pusa para araw-araw mong amuhin. Kung gusto na kitang patawarin. Patatawarin kita. Just not now. Go home. Take care. Bye."

Tumalikod na ko't napailing sa ginawa ko? Bakit ba ang sungit ko? Bakit ba naging pormal ako bigla sa kanya. This is the right thing naman 'diba? Pero bakit parang labag sa loob ko yung ginawa ko?

Nagmamadali akong pumasok sa loob. And I hope tulog na yung mga katulong namin. Pero mukhang hindi pa, dahil bukas pa yung ilaw sa living room.

"I'm really hopeless!" mariin kong bulong saka ako napabuntung hininga.

"Lunatic!" Huminto ako. Nakakuyom yung dalawa kong palad dahil for the second time na-estatwa na naman ako. Kailangan ko na bang mag-panic? Parang sobra na yata 'tong nagiging reaksiyon ng katawan ko?

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at nadatnan ko siyang nakangisi sa'kin habang nakahalukipkip at nakasandal sa kotse niya.

"You failed your mission." Ok, kanina lang ang saya na ng nararamdaman ko. Bakit para namang kinurot 'yon sa sinabi niya? Bakit pakiramdam ko milyung-milyong karayom yung nakatusok ngayon sa dibdib ko?

Yeah, I know. I failed on my mission. Nabigo akong paibigin siya sa loob ng isang buwan. Hindi ko naman dapat pagsisihan 'yon hindi ba? That was my choice not his. Choice kong itigil ang kahibangan ko.

Tapos kung makapagsalita siya para niya na naman akong sinasampal. I failed my mission? Ibig sabihin non. Hindi niya pa ko nagawang mahalin o magustuhan man lang after all I've done for him.

"I... I know... A-anyways. Thanks for the ride-"

"You failed. Pero ako sisiguraduhin kong hindi ako mabibigo. You don't love me anymore? Ngayon, sisiguraduhin kong mamahalin mo ulit ako." No Gerald, not again. Ayoko ng mahulog sa mga patibong mo. Ano na naman ba 'to?

Project 143 (REVISING SOON)Where stories live. Discover now