Chapter 1: Lunatic Girl

811 12 0
                                    

 Chapter 1: Lunatic Girl

Gerald Mendez's POV

 "Is it hard, kuya?" Nakatambay ako non sa rooftoop ng building ng opisina ko. Free time kasi namin ngayon kaya tumambay muna ako dito. Pinagmamasdan yung maaliwalas na kalangitan pati na rin yung mga sasakyan na maluwag na umaandar sa national road. Tumingin ako sa kanya bago ngumiti. Inakbayan ko siya at ginulo yung buhok niya bago ko siya binitawan.

"Mahirap? Oo. Sobra. Pero mas higit pa sa mahirap yung pagka-miss ko sa kanya ngayon. Sa tingin mo ba bunso. Kailan siya babalik?" Ipinatong niya yung braso niya sa barandilya na nakaharang sa'min. Rinig ko yung sunud-sunod na pagbuntung hininga niya bago siya napapailing. Sigurado akong ganito rin naman yung nararamdaman niya. Walang araw na hindi ko siya inisip. Walang araw na hindi ko pinipilit yung sarili kong maniwala na babalik pa siya.

"It's almost 10 years na rin kuya. This past few months wala na kaming communication sa kanya. Ganun din si Alex, Ben at Lindsay and--"

"And she's nowhere to be found." Putol ko sa sasabihin niya. 10 years? Ten years ko palang kinaya lahat to. Bakit ba kasi hindi na lang siya bumalik? Bakit ba kasi kailangan niyang umalis. Alam ko. Ng dahil sa gago kong kaibigan. Kahit naman sabihin niyang kailangan ng makakatulong ng papa niya sa business nito doon. Hindi pa rin niya ko mapapaniwalang iyon nga yung dahilan. I know her better than she knows herself.

"Yes kuya. Pero kuya. Wag ka ng magdrama ng ganyan. Wag kang OA. Hindi naman ikaw yung dahilan ng pag-alis niya kundi si Hart diba? Kaya tama na yung emote. Siya nga pala. Speaking of Hart. Ilang taon na ring umiiwas yun sa'tin ah. Ano bang meron sa'tin? Ketong? Bulutong? Alipunga?" Humarap ako sa kanya bago ko mariing pinisil yung pisngi niya.

"Alam mo hanapin mo na lang si Alex. Para naman tuminu-tino ka. Kapag ako lang yung kasama mo kung anu-anong pinagsasabi mo. Teka. Umaano ka ba rito? Bakit mo naman naisipan akong puntahan dito?" Tanong ko sa kanya. Pinaikot niya paitaas yung mata niya sabay dinuru-duro yung noo ko.

"Namimiss na kita kuya. Ang tagal na nating hindi nakakapag-usap ng ganito. Paano naman kasi lagi kang subsob diyan sa trabaho mo. Hindi porket engineer ka na kailangan mo ng gawing busy yung sarili mo. Have time for yourself naman. Hindi yung ganyan. If I know si Kristine lang naman yung dahilan niyang pagsusubsob mo ng sarili mo sa trabaho mo." Tumawa ako ng mahina.

"Anong gusto mong gawin ko?" Tanong ko sa kanya. Kahit naman anong sabihin niya sa'kin ganun pa rin yung gagawin ko. Ang patuloy na isubsob yung sarili ko sa trabaho ko. Para naman hindi ako mabaliw ng ganun na lang kaiisip sa kanya.

"Like what I just said. Have time for yourself. Enjoy life brother. Walang mawawala sa'yo kung susubukan mong mag-enjoy ngayon. Kaya tara na. May lakad kami nila Lindsay ngayon kasama yung dalawa mong kabarkada. I know medyo may pagka-chaperone yung dating mo pero keri lang yan. Kaya lets go na. Ipagpapaalam kita sa boss mo." Hindi pa ko nakakapagsalita ng hilahin niya ko papasok sa loob ng building at dali-dali kaming bumaba bago dumiretso sa opisina ng boss ko.

"Good Tanghali po boss ni Kuya." Halos mabatukan ko na tong isang to. Kundi ko lang talaga kapatid to matagal ko ng tinapon sa junk shop to. Ngumiti naman yung boss ko sa amin. Palibhasa babae kaya ok lang sa kanya yung inasal ni Sophie.

"Magandang tanghali din. I know why you're here kaya sige na. Kidnapin mo na yung kuya mo." Kitang-kita ko yung pagkislap ng mata ng kapatid ko kaya no choice ako ngayon kundi ang sumama talaga sa kanya kahit ayoko.

"Thank you po boss ni kuya!" Lalapit pa sana si Sophie para yakapin yung boss ko pero mabilis ko siyang nahila at inipit yung leeg niya gamit yung braso ko bago ako na lang yung nagsalita. "Ma'am pasensiya na po. Sige po. Pakikaltas na lang sa sahod ko yung pag-alis ko ngayon. Pasensiya na po talaga." Yumuko ako saglit bago lumabas na kami.

Project 143 (REVISING SOON)Where stories live. Discover now