Chapter 15

0 0 0
                                    

Zaiah's POV

Ang traffic naman! Huhu ayaw na ayaw ko pa naman ang malate. Tsk. Maitext na nga lang si May.

To May:
Mayyyy :( paki sabi naman kay sir na malalate ako ang traffic kasi. Please please. Thanks May!

Sinend ko na. Di nagtagal eh nagreply naman siya.

May:
Okay. Ingat ka ha.

Ngumiti nalang ako at pinasok ko na ito sa bag. Ang sakit pa naman sa balat nang sikat nang araw. Tumitingin lang ako sa daan nang napadaan kami sa isang mall at na may nakalagay nang NOW SHOWING sa labas. Binasa ko nalang ito nang may naalala ako..iyong sinabi ni Phoebe noong isang araw.

"Guys, niyaya ako ni Jeydon kagabi na  lumabas ngayon, manonood raw kami nang sine." Bulaslas ni Phoebe.

"Talaga?!" Sabay sabay naming sabi.

Tumango siya at nagsalita. "Oo pero hindi ako pumayag." Sabay ngiti niya.

"Hala bakit?" React ko naman. Itong babaeng to niyaya na nga nang crush niya umayaw pa.

"Ano ba naman kayo. Nahihiya kasi ako kahit hindi naman iyon date..iniisip ko kasi na baka magka-ilangan lang kami. Edi huwag nalang ano." Sagot niya

Magsasalita na sana si bakla nang inunahan na siya ni Phoebe.

"Alam niyo kasi parang hindi pa ako ready. Basta magulo pa ang isip ko. Hindi ko pa talaga alam."

Tumango nalang kami sa sinabi niya. At nagsimula nang mag-------

Naputol ang pagbabalik tanaw ko nang biglang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko ang screen na naging sanhi nang pagkunot nang noo ko.

"Hello ma?" Sabi ko sa kabilang linya.

"Ara? Anong oras nga ang sayaw niyo?" Tanong niya.

"Ay 3pm po ang call time pero mga 5 pa naman siguro yan magsisimula." Sagot ko

"Ah sige. Pupunta kami nang mga kapatid at tita mo ha. Mag ingat ka. Goodluck!" Sabay putol sa linya.

Ang supportive talaga nila mama kahit kailan. Nakaka gaan nang pakiramdam. Nang tumingin ako sa paligid ay malapit na pala ako sa school..

"Para manong" sabay abot ko nang bayad.

Nagmadali na akong maglakad papasok nang school dahil 20 minutes late na ako. Tsk.

Mula sa malayo ay natatanaw ko na sila na patapos na sa pagsasayaw kaya tumakbo na ako.

Nang naka akyat na ako sa stage lumapit agad ako kay sir. "Sir sorry I'm late. Sorry po talaga." Sabi ko habang hinihingal pa.

"Okay lang sige na para makapag last rehearsal kapa..ilagay mo nayang gamit mo sa gilid." Sagot niya sabay ngiti

Ang bait talaga nitong si sir. Buti nalang.

Pumunta na ako sa kabilang gilid at nilagay na ang gamit ko at tumingin sa kanila habang tinatapos na ang music. Ngumiti ako nang magtama ang mga mata namin ni May at Ayna.

Napalingon naman ako sa kabilang gilid at nakitang nakatitig si Jeydon sa akin. Napakunot ang noo ko na tinitingnan siya binaling ko nalang sa iba ang paningin ko, pero nararamdaman ko na hindi parin niya tinatanggal ang tingin niya sa akin kaya lumingon ako bigla sa kinaroroonan niya at nagtama naman agad ang mga mata namin.

This time siya na ang unang umiwas nang tingin at pinagpatuloy ang pagsasayaw.

Binaling ko na rin sa iba ang tingin ko.

Oh-kayyyy. Ano kayang problema niya? Hmmmmm..

In FateWhere stories live. Discover now