Chapter 24

1 0 0
                                    

Zaiah's POV


Urghh! Monday nanaman ngayon, which means new lessons, new topics at new assignments nanaman.

Maaga akong nagising ngayon kaya hindi pa masyadong traffic dito sa amin. On the way na ako sa school.

Nang makapasok na ako sa school ay may napansin akong kakaiba. Lahat kasi nang estudyanteng nadadaanan ko ay tumititig at para bang nagtataka at ang iba naman ay parang kinikilig.

Hmmm something's fishy about them.. Kaya di ko napigilang lumingon sa likod ko malay ko ba diba baka hindi naman ako ang tinititigan nila.

Saktong paglingon ko ay nasagot agad ang tanong ko. Tsk kaya naman pala, nasa likod ko ang magpinsan na animoy mga bodyguards ko. Hahahha ang ganda ko! Kaya pala panay ang tingin nila ang hot naman kasi nang mga kasama kong naglalakad papuntang room.

"Stop staring Zaiah" bulalas ni Jeydon.

Inirapan ko lang siya at nagsimula na ulit sa paglalakad.

"Jeydee, sino ba kasing kasama mo kahapon at hindi ka sumabay samin nila Charlotte huh?" Tanong sa kanya ni Charles na rinig na rinig ko naman. Pero ano daw? Tinatanong niya kung sinong kasama ni Jeydon kahapon?

Oh my God Jeydon umayos ka sa sagot mo. Lumingon agad ako sa kanya at tiningnan siya nang matalim. Makuha ka sa tingin hoy!

"Basta nga wag kanang makialam." Sabi niya kaya ngumiti nalang ako sa kanya. Good.

Tuluyan na sana akong aakyat sa hagdan patungong room nang nagsalita siya.

"Hindi mo ako nireplyan kanina" agad akong napaharap sa kanya. Buti at wala na yung pinsan niya may pinuntahan pa siguro kaya umalis nang di ko na pansin.

Tiningnan ko siya at sumagot "Ah kasi nagmamadali ako papunta rito kasi may aasikasuhin ako ngayon kaya hindi ko na nacheck ang phone ko. Sorry."

"Okay. Sige na umakyat kana. See you around" sagot niya at ngumiti tsaka naglakad patungong room niya.

Umakyat na rin ako agad at chineck ang phone ko. May message nga galing sa kaniya.

Jeydon:
Goodmorning antukin. Tinulugan mo nanaman ako. Ingat ka. See you around. :)

Napangiti ako habang tinitingnan iyon. Nakakatawa yung tawag niya sakin. Haha. Nagreply lang ako sa kanya nang "Sorry :)" at binalik na sa bulsa ang phone ko.

Maaga kaming dinismiss ni ma'am Rachel at ngayon ay pababa na kami upang makakain na nang lunch nakisabay sa amin si Princess. Habang pababa ay bigla siyang nagsalita.

"Hoy alam niyo ba kung saan at sinong kasama ni Jeydon kahapon?" Tanong niya. Napakunot naman ang noo namin lahat. Kahit alam ko ay hindi ako umimik at pinakitang nagtataka ako sa mga sinabi niya.

"Sabi niya sa akin kahapon ay nasa bahay daw siya ngunit nagtaka ako nang ilang saglit ay nasa mall daw siya." Dagdag pa niya.

Oh--kay nakaka feel na ako nang guilt at awkwardness..

"Oo nga eh nagtaka rin ako. Sino kayang kasama niya? Ayaw naman niyang sabihin kung sino at kung nasaang mall siya." Sagot naman ni Phoebe sa kanya.

Nakikinig lang kaming apat sa pinaguusapan nila.. Hanggang sa makarating kami sa canteen ay agad  humiwalay si Princess sa amin.. hindi ko parin maiwasang isipin iyong pinagusapan nila kanina.

Hmmm ngayon ko lang napagtanto na naiintindihan ni Jeydon ang sitwasyon ko at ayaw niya nang gulo. He's protecting me and he's keeping his word.

Nang matapos ay umakyat na kami at nag ready na para sa next class which is probably Math. Before ko tinago ang phone ko sa bag nagcompose ako nang message para sa kanya kahit kakareply ko palang kanina saying..

Thank you for saving me Jeydon. I owe you one. :)

In FateWhere stories live. Discover now