Chapter 36

2 0 0
                                    

Zaiah's POV

Nasa bahay na ako ngayon at nanonood nang tv habang siyempre katext ang mokong. Ano kayang masarap kainin ngayong hapon? Tanong ko sa sarili ko. Yes nagugutom nanaman ako eh kakakain ko lang kanina nang lunch at 2 pm palang ngayon. Habang nagiisip ako nag vibrate naman ang phone ko.

Jeydon
I'm baking. Red velvet cupcakes :)

Nabuhayan naman ako at napangisi. Gahd! Cupcakes ❤
Nagreply agad ako sa kanya

To Jeydon
Really??? Pahinge! :D

I really love sweetsss.

Jeydon
Sige tomorrow I'll give you a dozen ;)
Pero first try ko palang to ha.

Napangisi naman ako at bumungisngis habang nagbabasa. Yesssss! Yummmm~

To Jeydon
Yeyyy! Thank youuuuuuu :)) hayaan mo na kahit first try okay lang. Haha

Nagpatuloy lang kami sa pagtext hanggang umabot na nang gabi at matutulog na. Gahd! Excited tuloy ako bukas sa cupcakes.

Kinaumagahan ay mabilis ko siyang tinext na itext niya lang ako if ever ibibigay na niya para hindi na siya mahassle and para walang makakita if ever at pumayag naman siya.

Mabilis ang takbo nang oras at ngayon ay last subject na namin.

"Zaiah.." Tawag sakin ni Chelsea. Dito sa room siya ang aking tinatawag na mima. Kumbaga parang siya ang mommy ko and ako ang kanyang anak.

"Yes mi?" Sagot ko nang nagtataka sa kanyang mukha. There's something with her facial expression.

Hinila niya ako sa sulok nang aming room at tinanong
"Nak, kumusta na kayo ni.. You know who?" Sabay pandilat nang kanyang mga mata sa akin.. Ohkayy nakuha ko. She's referring to Jeydon.

"Okay lang mi. Magkikita siguro kami later para sa cupcakes." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Yes. She knows about us, us communicating, going out and us hiding it. She understands my I mean our decision na hindi iyon ipagkalat at ipagsabi instead keep it.

"Cupcakes? What cupcakes?" Sagot niya naman agad na may halong excitement.

Tumango ako sa kanya.

"Paano yan? Baka may makakita sa inyo." Pagaalala niya

"It's okay mi. Napagusapan na namin ang tungkol diyan" paninigurado ko sa kanya.

Tumango naman siya at bumalik na sa kanyang upuan.

Nang tumunog na ang bell ay hudyat na iyon na tapos na ang lahat nang klase pero hindi pa pwedeng magsi.uwian ang mga estudyante dahil magtitipon nanaman kami ngayon sa covered court para sa aming cheer dance rehearsal sa darating na intramurals.

"Bilisan mo Zaiah para makauna tayo sa malaking speaker." Utos sakin ni Phoebe na tinangu.an ko lang din at bumaba na.

In FateWhere stories live. Discover now