Chapter 1

14 1 0
                                    

Zaiah's POV

"Hoy Ara gising na! Ano ka ba naman anak unang pasok sa paaralan malalate ka? Aba hindi kaba nahihiya?"

Ang ingay naman nitong si mama. "Opo ma, babangon na."

Hays, ako nga pala si Zaiah Arabella Yu, 15 years old. Panganay sa tatlong magkakapatid na babae at ang pinakamaganda sa lahat. Joke lng di naman masyado. Unang araw nang pasukan ngayon, nagaaral nga pala ako sa isang pinakakilalang paraalan dito samin ang Saint Augustine University. 4th year HS na ako ngayon.

"Ara bilis na." Ani mama. Itong si mama talaga "Andyan na po". Paglabas ko ng kwarto kumain na ako agad at nagpaalam, dapat ko ng bilisan maghihintay pa kasi ako ng masasakyan sa kanto papuntang school.

Saint Augustine University

Pagkababa ko ng jeep agad akong naglakad nang mabilis papasok ng paaralan at pupuntang 4th floor. Nasa labas kasi nang bawat rooms ang listahan ng mga estudyante kung anong section ka mapupunta. Habang paakyat ako hindi ko naman maiiwasan ang mga nagbubulong bulongan na mga estudyante at mga bumabati sa akin. Kilala din kasi ako dito sa school, isa kasi akong mananayaw at lahat ng teacher eh kilala ako. simula palang kasi kinder sumasayaw na ako, kahit anong sayaw siguro kaya ko at proud naman ako.

Eto na anong section kaya ako this year? Sana magkakakasama parin kami ng mga kaibigan ko.

Mabilis kung tiningnan kung anong section ako at hindi nga ako nabigo kasi magkakasama nga kami! Yesss! Agad akong naglakad patungo sa section ko at pumasok na sa room.

"Zaiah! Waaaaaaa!" Grabe talaga tong si Phoebe kahit kailan talaga ang ingay.

Ngiting ngiti k naman silang tinungo "Hiiiiiii! Namiss ko kayong lahat!" Sabi k sa kanila.

Anim kaming magkakaibigan ako, si Phoebe, May, Ayna, Yana at Jay. Puro kami babae lahat. Yes babae dahil itong si Jay eh binabae. Para nang magkakapatid ang turingan namin sa isa't isa.

Chika lang kami nang chika hanggang sa dumating na yong prof namin. Mabilis lumipas ang oras at di nagtagal eh dismissal na. Same lng naman every first day of class eh introduce yourself lng at mga rules and VMG ng school.

Nagligpit na agad ako nang gamit. Hays inaantok na ako. Maka uwi na nga lang. Palabas na sana ako nang pintuan nang may nagsalita.

"Hoy babae, at saan ka pupunta? Kakain daw tayo sa labas ngayon sabi ni Yana." Ang taray talaga nitong si Ayna.

"Oo nga sis kakain tayo huwag ka munang umuwi diyan." Isa pa tong baklang to.

"Uuwi na ako guys. I'm too tired, gusto k nang magpahinga. Kayo nalng babawi ako next time I promise." Nagtaas pa ako nang kanang kamay na parang nanunumpa.

"Pssh! Yan ka nanaman Zaiah eh! Kahit kailan talaga!" Angal naman ni Phoebe.
"Sge na nga! Bsta sa susunod ha! Malalagot kana talaga samin! Humanada ka!" Pagbabanta pa sakin ni Phoebe.

"Oo na! Salamat oh cge na. Bye! Ingat guys!" At diretso na akong lumabas at umuwi.

Pagdating ko nang bahay ay wala pa sila papa at mama umuna nalang akong kumain at nagpunas para makapagpahinga na.

Nang makapasok na ako sa kwarto, nagmadali na ako sa cr at nagbihis. Nang makaupo na ako sa gilid nang kama ko, tiningnan ko ang wall clock ko at nakitang 9:45 pa. Napa isip ako, hays maaga nanaman bukas. Buti at wala pa gaanong mga kailang gawin at pwde na akong magpahinga nang maaga.

Tumungo na ako sa may pintuan and turned off the switch at lumundag pabalik sa malambot kong kama at pinikit aking mga mata.

In FateWhere stories live. Discover now