Chapter 31

3 0 0
                                    

Zaiah's POV




Ang daming tao.. Yan ang pinakauna kong nasabi nong nakapasok na talaga kami nang function hall. Ni hindi ko na napansin yung kamay ni Jeydon sa aking baywang dahil sa pagmamasid sa lugar. Namangha ako sa buong lugar ang laki at ang ganda nang pagka desenyo sa paligid.. Everything was filled by the combinations of black and gold. Buti nalang at nag black dress ako kaya na suit iyong damit ko sa okasyon.

"Hey, you okay?" Tanong sakin ni Jeydon habang mas inilapit ang aking katawan sa kaniya

Tumingala ako sa kanya. "Yes, I'm fine don't worry about me"

Ngumiti siya sa akin at pumunta kami sa table daw namin kasama ang mga pinsan niya. Inilalayan niya ako paupo at umupo na rin sa aking gilid.

"Naks! Ang sweet ni Jeydee!" Malakas na sabi ni Charles at humalakhak na kasama ang iba.

Uminit ang pisngi ko sa pangaasar ni Charles sa amin. Nako naman..

"Shut up Charles. Mind your own business asshole" banat niya sa kanyang pinsan at umiling.

"Stop that you two. Dadating na si lola. Behave" singit naman ni Charlotte

Tumahimik naman silang lahat at parang mga pusang humalukipkip dahil nakakakita nang aso. Ang cucute. Haha

Pinagmasdan ko silang lahat. Magkakamukha silang lahat magpipinsan. Yung mga singkit nilang mga mata, mga matitipuno at matitikas na hubog nang katawan at tuwing tumatawa ay nawawala ang mga mata. Para ring ako. Napatawa ako sa naisip ko. Oo nga noh? Kagaya nga kaming lahat singkit.

Napatingin sa akin si Jeydon sabay lapit niya nang kanyang mukha sakin

"Hey nandiyan na si lola, tara?" Paganyaya niya sakin. Tiningnan ko lang siya at ni hindi kumibo

"Hey okay lang nga yan don't worry as in promise huwag ka ngang kabahan" dagdag niya pa sabay hawak sa kamay ko.

Napatingin ako sa kamay naming dalawa. Ayan nanaman ang mga alaga ko sa tiyan nagwawala nanaman. Tinutukan ko lang iyon nang pinisil niya ang kamay ko kaya nakuha niya ang atensyon ko at tumango siya tsaka hinila ako patayo.

Wooo! Okay bakit ba kasi ako kinakabahan.

Nakita kong nauna na ang kanyang mga pinsan sa pagbati sa kanilang lola. Humawi naman agad sila nang nakita nilang papunta na rin kami sa pwesto nila. Kitang kita ko ang ngiti sa mga labi nang kanyang lola habang tinatanaw kami. Wew parang hindi naman siya galit oh ano ba. Urgh stop it Ara!

"Lola!" Tawag ni Jeydon sa kaniya sabay yakap niya. Sweet

"Hi po" sabi ko nang tumingin sa akin ang kanyang lola. Akala ko ay magiiba ang kanyang awra nang binati ko siya ngunit mas lalo pa siyang ngumiti at hinagkan din ako.

Nagulat ako sa ginawa nang kaniyang lola at napatingin ako sa kanilang magpipinsan na nanonood sa amin habang ngumingiti.

Bumitaw na rin siya. "Hi iha, what's your name?" Tanong niya sakin

Ngumiti muna ako sabay sagot sa kanya. "Zaiah po. Nice meeting you po"

Ngumiti siya sakin at binaling ang kanyang atensyon sa kanyang apo.

"Jeydee is this your new girlfriend?" Sabay ngiti niya nang makahulugan.

Tumingin agad ako kay Jeydon kahit na pulang pula na ang pisngi ko.

"Soon lola." Nalaglag ang panga ko sa sinagot niya sa kanyang lola.

Ano daw??? Nawindang ako doon ha. What does he mean by that? Madaming tanong agad ang sumagi sa isip ko.

"Ayyiieeeeee! Hahahahaha grabe bro!"
"Go bro!" Sabay sabay na reaksyon nang kanyang mga pinsang lalake
"Support here!" Ani Charlotte

Urgh feeling ko ang pula pula na nang mukha ko. Urghhh! Ngumiti nalang ako sa kanila at natatawa na din dahil sa ayaw talaga nilang tigilan si Jeydon.

"I like her apo." Huling sabi nang lola niya bago ito umalis at sumama sa tita ata ni Jeydon.

WOW! She likes me? Nakakaflatter naman. Nakakagaan nang loob.

Nakabalik na kami sa aming upuan at nagaasaran na rin sila ulit habang enenjoy ang mga nangyayari.

In FateWhere stories live. Discover now