Chapter 35

0 0 0
                                    

Zaiah's POV


Nasa court kaming lahat ngayon at nakatuon ang aming mga atensyon sa mga presentations nang students sa stage.

"Zaiah? May paypay ka?" Tanong sakin ni Phoebe

Hindi ko siya sinagot at inabot agad ang aking paypay sa kanya. Nagsimula na siyang magpaypay.

Nang nasa kalagitnaan na kami nang aming program ay naisipan kong icheck ang phone ko kung may message ba doon at hindi nga ako nabigo dahil meron nga. Binasa ko agad iyon

Jeydon
Zaiah tingin ka sakin.

Napakunot ang noo ko sa mensahe niya.

Napagusapan kasi namin kagabi na hindi muna kami magtetext pag nasa program na kasi feeling ko obvious masyado. Tapos ngayon magtetext siya and saying na tingin daw ako sa kanya? Why?

Inangat ko naman ang aking ulo at diretsong tumingin sa kinaroroonan niya. Ang loko nangaasar pa ang mukha at ngumingisi. Umiling ako at ngumiti. Ano nanaman kayang gimik neto ngayon.

Habang nakangiti ako ay naramdaman kong sinusulyapan ako ni Phoebe. Kaya dahan dahan kong tinuon ang aking atensyon sa mga batang sumasayaw sa stage.

Nang nagsimula na ang closing prayer para sa program ay biglang inagaw ni Princess ang aking atensyon. Kumunot naman ang noo ko

"Jeydon's calling you" maarte niyang sabi sakin.

Para naman akong nabingi sa sinabi niya.
Dahan dahan akong tumingin sa kinaroroonan niya.

Naku ang loko ang laki nang ngiti at aba! Parang okay lang na okay sa kanya ang mga nangyayare at kumakaway pa. Lagot to sakin mamaya. Pinagtitinginan kaya kami nang mga kaklase niya lalong lalo na ni Princess. Buti nalang talaga at busy tong mga katabi ko rito kung hindi nakooo.

Nginitian ko lang siya at umiwas na nang tingin sa kaniya. Ang pula na siguro nang mukha ko ngayon. Urgh Jeydon!

Nagtext ako sa kanya
To Jeydon
JEYDON! Stop it please I'm getting uncomfortable with this.

Nakita kong mabilis siyang nagtype nang  nareceive ang message ko.

Jeydon
I'm sorry. Ang cute mo lang talagang tingnan kapag naasar. :)

Aba't ang loko urghh! May pa smiley ka pang nalalaman hah!

To Jeydon
Whatever you say. Huwag kanang magreply nagmamasid si Princess.

Tiningnan ko lang siya hanggang sa mareceive niya ang text ko at tumingin din sa direksyon ko at nag nod. Good.

In FateWhere stories live. Discover now