Chapter 5

2 0 0
                                    

Zaiah's POV

The week passed by and Monday nanaman ulit. Ngayon ang napagusapang first practice namin para sa laban ngayong July.

Kakarating ko lang nang school nang salubungin ako nila Phoebe.

"Oy! Exempted daw kayong tatlo nila May at Ayna mamayang 2:30 pm sa class para sa first practice niyo." Sabay tapik ni Yana sa akin.

"And hindi lang iyon. Kasama niyo daw yung isa sa new students nang 3rd year." Habol niya.

"Yung crush ni bakla, Phoebe at May!" Ani Aina.

Tumango nalang ako at ngumisi. Eto talagang mga to ang vovocal at ang bilis mag kagusto sa mga lalakeng hindi naman din nila kilala. Haha

"Oh ganun ba edi okay." Sabi ko.

Sabay silang tumingin sa akin. Ngumiti nalang ako.

"Hoy babae, kilala mo ba yung crush namin?" Ani Jay.

"Hindi noh, paano ko naman makikilala eh hindi ko pa nga nakita nang malapitan." Sagot ko

"Sure ka? Kasi kaklase niyo ata yun noon eh, dito daw kasi nag aral nang prep." Sabat ni Yana.

Sa amin kasing anim kami lang dalawa ni May ang galing prep dito.

"Hindi nga. Ni hindi ko nga alam kung anong year yan, at kung kakalase naman namin yang mga iyan eh bakit hindi natin sila classmate o kabatch ngayon dba?" Anas ko.

"Oo nga noh? May point ka beh." Sabing bakla.

Hindi ko naman talaga yun kilala. Si May nga hindi kilala eh mas friendly pa yun sakin. Pshh

Matapos nang paguusap namin tumungo nalang kami sa classroom bago pa tumunog ang bell.

Jeydon's POV



Pagkababa ko nang sasakyan ay nakita ko agad ang mga barkada ko. Oo magkakabarkada na kami sabay2 kami parati kaso paminsan hindi dahil sa mga emergencies na dumadating.

"Oh pare, gimik daw mamaya." Ani Jared sabay akbay sakin.

"Kung makakasabay yan" sabat ni Charles sabay tawa. Tiningnan ko siya nang matalim. Aba ang gago hindi ako pinansin at patuloy parin sa pagtawa habang naglalakad kami patungong room.

"Gago! Nako!" Nakakagigil talaga tong si Charles! Nakakaasar!

Tawa lng siya nang tawa. Ang gagong kasing to tssss... Ganito kasi yun.

Last Friday,

"Dude, isasali ka daw ni sir Mar sa grupo nila." Sabi ni Patrick

"Grupo? Anong grupo yan? Budol budol? Hahahahahahha!" Natawa naman sila sa sinabi ko at binatukan ako ni Vane sabay sabing..

"Gago! Dance group! Nalaman kasi ni sir na sumasayaw ka pala." Seryoso niyang sabi.

Sumeryoso naman agad ako. Ano? Isasali ako? Nakuuuu! Sino ba kasing nagsabi sa kanila na sumasayaw ako?!

Napatingin ako bigla kay Charles. "Charles!" Sigaw ko.
"Ikaw ba ang nagsabi kay sir na sumasayaw ako?!"

Humalukipkip naman siya sa gilid. "Ahh ehh bro. You know.. Uhm, I was just asked by sir so sinagot ko lang siya and that's it!"

Aba't ang loko talaga nung sinabi niya talaga yan sakin last week, nag peace sign pa sya habang tumatawa. Natawa na din silang lahat. Tsk! Hindi naman sa ayaw kong sumayaw kaya lang bago pa kaya ako dito ayaw ko naman na isipin nilang nagpapasikat ako.

Habang patuloy parin sila sa pag tawa ay naglakad na ako nang room. Nang papasok ako may nahagip naman ang mga mata ko.

"Jana!" Sigaw ko sa babaeng nakita kong nalampasan ako.

Tumingin naman siya sa akin na puno nang pagtataka. "Hmm?" Sabi niya.

"Ako to si Jeydon. Hindi mo na ako nakikilala?" Sabi ko pa.

Nabigla naman siya sa sinabi ko. "Jeydon? Ikaw na si Jeydon?" Natatawa pa niyang sagot.

"Oo hindi parin nagbago ang mukha mo kaya namukhaan kita agad." Sabay tawa ko.

Sasagot pa sana siya nang nag bell na.
"Ah cge Jeydon ha malalate na kasi ako. Bye!" Sabay takbo niya.

Nag wave nalang ako sa kanya at pumasok na. Hindi pa naman ako naka upo sa upuan ko eh napatigil ako nang may dumamba sa likod ko.

"Hoy broo" sabay tawa niya. "Ano ba Charles." Naiirita kong sabi sa kanya.

"Wala lang masaya lang ako. Busog eh."

"Kaya pala ngayon lang kayo. Kumain pa pala kayo ni hindi niyo man lang ako tinawagan." Pagmamaktol ko.

Tumawa naman sila "Ang sarap nga bro eh" anas ni Leo.

Umiling nalang ako at umupo nang maalala ko yung practice daw mamaya. "Charles, anong oras daw ang practice mamaya?" Tumingin siya sa akin sabay ngisi.

"You're really joining huh?" Tanong niya

"Do I have a choice?" Sagot ko.

Tumawa siya." Hindi ko alam bro baka tatawagin ka lang mamaya before dismissal" Gago talaga neto.

In FateWhere stories live. Discover now