Chapter 37

0 0 0
                                    

Zaiah's POV



Kasalukuyan akong tumutulong sa steps na binubuo nila May ngayon para sa cheerdance. Lumingalinga naman ako at nagbabakasakaling magtagpo ang mga mata namin ni Jeydon.

"Zaiah? Who are you looking for?" Biglang tanong ni Irish sa likod ko. Napaharap ako sa kanya bigla

"Hmmm? Wala" Sagot ko sabay ngumisi

Nagpapahinga na ako ngayon at hinihintay si sir Mar dito sa gilid habang ang mga ka.batch mates ko naman ay busy sa pagsasaulo nang mga steps. Saan kaya ang third year ngayon nagpapractice? I didn't saw them since kanina.

"Zaiah? Where's the others?" Bungad na tanong sakin ni sir

"I don't know sir. Baka wala akong kalaban ngayong year?" Sagot ko sa kanya sabay tawa.

"Sandali nga lang. Wait here" utos niya habang naglalakad paalis. Tiningnan ko lang ang likod ni sir.

What we're talking about is the dancesport competition kasunod nang cheer dance competition namin sa intramurals. Yes, ako ang representative namin and my partner Kyo. Hindi kami kasali sa cheer dance cause we have this. I have been into this kind of dancing since I was in elem at hanggang ngayon ay ako parin ang lumalaban para sa aming batch. Last year ko lang naging partner itong si Kyo but now we're really close with each other. He's really nice tho and I like his professionalism.

"Zaiah do you think tayo parin ang mananalo this year?" Kyo asked.

"Siguro? Pero para sa batch natin we'll really try" sagot ko sa kanya sabay ngiti nang malapad.

Di nagtagal ay bumalik na si sir at may mga kasama na siyang kalaban namin I think from the lower years. May mga bagong dancers at may mga may alam na din nito. Challenging..

"There's new faces Kyo. May mga hindi rin. What do you think?" Tanong ko sa kanya

Pinasadahan niya muna nang mga tingin ang aming mga kalaban at bumaling sakin.

"We'll win." Paninigurado niya sabay tawa nang malakas. Pinagtinginan tuloy kami. Hays eto talagang to.

Nagsimula na kaming mag warm up at mag refresh nang mga routines namin last year nang bigla akong tinawag ni sir.

Nag angat naman agad ako nang tingin sa kanya di naman siya kalayu.an busy siya sa mga bagong dancers na kailangan pa malaman ang basics.

"Can you please teach the grades 4,5 and 6? Kayong dalawa ni Kyo. I can't handle them now. Please?"

Tiningnan ko naman si Kyo at tumango siya so... "Okay sir." At naglakad na kami patungong side nung mga bata sa stage at nagsimula na silang turuan isa isa.

Habang busy kaming lahat ay di ko maiwasan ang mailang for some reasons. Para kasing may mga matang nagmamasid sakin. Whose eyes could that be? Bigla kong tinaas ang mga tingin ko at ginala iyon. Boom! Found you!

Nagtama ang mga mata namin ni Jeydon. Siya? But why? Is it all about sa cupcakes na hindi ko pa nakukuha from him? Baka naman hindi.. But.. Didn't he know that staring is rude? Grabe ha. Nag excuse muna ako sa kanila at kinuha ang phone ko at nakita kong may messages niya iyon.

Jeydon:
The cupcakes are at the guardhouse. You can get it there pagpauwi kana. Many classmates and close friends of mine want to taste it and to know whom will I give it so I left it there for them to stop. :)

Hey. You also know that kind of dance? Amazing :)

Napangiti ako matapos kong basahin yung messages niya at nag compose narin

To Jeydon
Really? Thanks Jeydon I'll get it later on my way home. :) and yep I've been to this kind of dance too since elem:) svlr.

Agad ko iyong sinend sa kanya at pinasok na sa bag ko ang aking phone at bumalik na kanila Kyo.

In FateWhere stories live. Discover now