❥ Twenty Nine

336 22 1
                                    

❥ Tetsuya ❥

"Tetsu, ano nang lagay ni bunso?" Tanong sakin ng Kuya naming si Leigh.

Nandito kami ngayon sa bahay ko, oo bahay ko. Hindi ko nga alam kung paano nila nalaman ang bahay ko dito sa Japan pero saka ko nalang aalamin yun, ni hindi ko nga alam na nandito pala sila bunso sa Japan eh. Wala kasi akong alam sa mundo.

Naupo ako sa sofa na katapat niya. "Okay na siya, Iniwan ko na siya sa pangangalaga ni Jeonghan." Sabi ko sa kanya.

Tumango tango siya. "Eh si Kuya Shijin nasan na?" Tanong ko sa kanya.

"Kasama niya si Mill ngayon, may inaasikaso silang importanteng bagay. Bakit kasi kailangan pang mangyare 'to eh." Sabi niya. Inis siya, kitang kita ko yun sa muka niya. Inis din naman ako, masyado kasing obsessed si Ren kay Sana, alam namin yun, matagal na pero hindi naman namin akalain na aabot siya sa ganito.

"Ang dami na talagang nagbago." Sambit niya. Tumango ako. Sobrang dami na talaga. Akalain mo yun, parang noon lang may sari sarili na kaming buhay pero kahit na ganon lagi parin naming binibisita si Sana pero ngayon, heto kaming magkakapatid. Magkakasama.

"Ang laban ng isa ay laban ng lahat." Sabi niya. Napangiti ako. Hinding hindi namin hahayaang may manakit sa kapatid namin lalo na sa mga pamangkin namin.

"Oo nga pala kuya, pano yung mga kaibigan ni bunso?" Tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga siya at pumikit.

"Mas ligtas sila sa bahay nila Chae, isa pa bahay yun ni Cheshire,  walang ibang makakapasok dun ng walang pahintulot ng may-ari o kaya ng tao sa bahay nayon." Sabi niya sakin. Tumango tango nalang ako.

"So kuya anong plano natin?" Tanong ko sa kanya. Napahawak siya sa sintido niya.

"Maglululumpasay ka diyan, magtambling tambling kana din. Kahit kelan talaga ang daldal mo." Sabi niya sabay higa. "Wag kang maingay iiglip lang ako sandali.." Sabi niya pa. Batuhin ko na kaya 'to ng bato sa muka? Wag na pala sayang kagwapuhan niya. Pero mas gwapo parin ako.

~ ❥

"KUYA!!!!" Napabalikwas ako bigla dahil sa sumigaw.

Napatingin ako sa harap ko at nakita ko si Sana kasama ang mga kaibigan niya. As in lahat talaga sila. Teka, nakatulog din pala ako. Napatingin ako sa katapat kong sofa at wala na dun ai Kuya Leigh. Walangya talaga yung Catman nayun. Biglang susulpot tapos biglang mawawala. Tsk.

Umayos ako ng upo ko. "Anong ginagawa niyo ditong lahat?" Tanong ko sa kanila. Pwede bang dito muna sila? Eh kasi nakakahiya na kila Chae eh, tsaka isa pa malaki naman 'tong bahay mo, hindi mo naman siguro ipagdadamot 'to diba?" Nagniningning ang mga mata ni Sana habang sinasabi ang mga salitang sinabi niya.

Tumango nalang ako. Teka nga

"Bakit lumabas ka ng ospital?" Napahinto silang lahat sa paglilikot. Dahang dahang lumingon sakin si Sana, nakangiti siya at nagulat ako nung biglang nag-iba ang itsura niya, tumutulo din ang kadiring laway sa bibig niya at may dugo sa gilid ng ulo niya.

Ganun din ang nangyare sa mga kaibigan niya. Tangina mga Zombie na sila!

Sabay sabay silang lumapit sakin at dinambahan ako!

"AHHHHHHHHHHHHHHH!"

"ARAAAAAAAAAAY!" Napadilat ako at napatayo mula sa pagkakaupo ko. Nakita ko si Kuya Leigh sa harap ko. Napahawak ako bigla sa dibdib ko.

"Kuya naman! Bakit mo kinurot utong ko?! Ang sakit!" Sigaw ko sa kanya. Binato niya ako ng unan.

"Eh gago ka pala! Ayaw mong magising! Nananaginip ka ng masama! Sinampal kita ayaw mong magising, kaya kinurot ko nalang utong mo langya ka ano bang nangyare?!" Inis sa sabi niya. Napakamot nalang ako sa batok ko.

Naupo ulit ako sa pwesto ko at huminga ng malalim.

"Isang nakakalokong panaginip lang kuya, naging zombie daw lahat ng kaibigan ni sana at pati siya zombie narin." Sabi ko sa kanya. Napahiga ako dahil binayo nanaman ako ni Kuya ng unan. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya.

"Hanggang ngayon ba naman hindi ka parin nakakamove on sa Train to busan? Tsk. Umayos ayos ka nga Tetsu." Sabi niya sakin. Tumango tango nalang ako.

"Sorry na kuya. Kasi naman, ang ganda kaya nun, but kidding aside.  Ano nang balita kay Kuya Shijin?" Tanong ko sa kanya. Magsasalita na sana siya ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nun si Kuya Shijin at si Ate Mill.

"Eto ako, buhay at gwapo parin." Sabi niya samin. I just rolled my eye.

"Bakla ka talaga tetsu." Sabi ni Leigh. Wala akong paki. Basta ako gwapo at gwapo.

Umupo si Kuya Shijin sa tabi ni Leigh at sa tabi ko naman ay si Ate Milli.

"Mas gwapo naman ako sa inyong dalawa." Sabi ko sa kanila. Dalawang unan ang tumama sakin at napatawa nalang si Ate Milli.

"Anong kailangan niyo?" Tanong ni Kuya Leigh kay Kuya Shijin. Huminga ng malalim si Ate Milli at Kuya Shijin.

"We need to observe Sana's Condition, ngayon palang umeepekto sa katawan niya ang drug, it took 8 years to effect her all systems, lalo na't may sakit siya. Her body is getting weaker an weaker. Sooner or later...." Paliwanag si Kuya at Ate.

Kumunot ang noo ko. "Sooner or later what?" Tanong ko sa kanila.

"Sooner or later she'll die sa ayaw at sa ayaw natin." Malungkot na sabi niya. Bumuntong hininga si Kuya Leigh.

"If that happens, pero wag naman sana, hindi kakayanin nung kambal eh, pati narin ni Jeonghan." Sabi ni Kuya Leigh."We need to settle this shit bago pa mahuli ang lahat." Dagdag niya pa. Tumangi kami sa sinabi niya.

"About Lauren and Laurence, nasa panganib sila dahil sila ang pakay nung mga scientist nayun. Hindi sila titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto nila." Sabi ni Ate Milli. Napahilot nalang kami nila Kuya Shijin at Leigh sa sintido namin.

"Arghh! Mababaliw nako sa kakaisip ng plano!" Inis na sigaw ni Kuya Leigh. Binatukan naman siya ni Kuya Shijin.

"Edi wag kang mag-isip. Hindi kana nabaliw, gumwapo kapa lalo. Gamitin mo utak mo Leigh." Sabi ni Kuya Shijin. Sumingot si Kuya Leigh at nag make face lang siya.

"Wait, hingin narin kaya natin ang tulong ng mga kaibigan niya? Ng Sebongteen at nang mga girls?" Pagsusuhistiyon ko. Tumaas ang kilay nila.

"What? Isa pa, marami silang maitutulong no. Muka naman silang malalakas tsaka bakas din naman sa muka nila na gusto nilang protektahan ang kaibigan nila." Dagdag ko pa. Tumango tango sila.

Lahat gagawin namin para sa kapatid namin. Sana, Fight okay? Lalaban din kami para sayo.

***

Daddy Jeonghan ➵ yoon jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon