A/N: This is it pancit. Maraming salamat po mga babies hihihi.
***
After 10 years. . .
❥ Sana's
"UKIO!!!" Sigaw ko. Tumakbo siya papalayo at nagtago sa likod ng mga kapatid niya.
"Ukio Maria Yoon! Wag mong takbuhan si Mommy. Lagot ka talaga kay Daddy mamaya pag-uwi niya." Pananakot sa kanya ni Lauren. Sumimangot naman ang muka ni Ukio.
"Tss. Whatever ate panget! Kuya Pogi oh si Ate panget!" Pagsusumbong niya kay Laurence.
"Magkamuka naman kayong dalawa kaya panget kayo pareho." Sabi ni Laurence. Napailing nalang ako.
"Luther. Wag mo nang asarin ang mga kapatid mo." Pagsuway ko sakanya. Tumango nalang siya at nagbasa ng libro.
"Uking panget!" Pang-aasar ni Lauren kay Ukio. Ukio gritted her teeth.
"Lundeng panget!" Asar ni Ukio pabalik. Napahawal nalang ako sa sintido ko. Nako naman tong mga anak ko.
"Tama na yan, pumasok na kayo dito sa loob may pasalubong ako sa inyo." Sabay sabay silang tatlo na napatingin sa likod ko. Napangiti nalang ako. Nandito na ang asawa ko.
"Daddy!" Sigaw ni Lauren at Ukio. Tumakbo sila papunta sa likod ko. Tumayo naman si Luther at naglakad palapit sakin. He kissed my forehead at inakbayan ako.
"Mommy, i love you po." Bulong niya sakin at niyakap ako. Napangiti ako lalo.
"Mommy loves you too anak." I hugged him back.
"Sama naman kami diyan!" Sigaw ni Ukio at yumakap silang tatlo samin. Group hug. Mahal na mahal ko ang pamilya ko--- napabitaw silang lahat dahil napa-ubo ako. Nanghihina na ang mga tuhod ko. I covered my mouth using my right hand while my left hand is holding Jeonghan's hands.
"Mommy okay lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong sakin ni Lauren. I nodded. Hinawakan ni Luther ang dalawang balikat ko at tinulungan akong tumayo.
"Ako nang bahala sa Mommy niyo, dun nalang muna kayo sa living room. No buts." Sabi ni Jeonghan. Nakita kong naglakad ang tatlong anak namin papunta sa salas at naiwan kaming dalawa dito sa may pinto papuntang garden.
Hinarap ako ni Jeonghan sa kanya, he held my right hand at pinunasan niya ang dugong nandon. Niyakap niya ako bigla.
"Hindi ko kaya. Sana hindi ko kaya. . ." Sabi niya habang yakap yakap niya ako. Niyakap ko siya pabalik.
"Yes you can. Kayanin mo para sa mga anak natin. Hindi na ako magtatagal Jeonghan, malapit nakong mawala, alam mo yon dahil ikaw ang kasama ko sa kwarto, ikaw ang asawa ko, tignan mo ako, i look really pale, i look like a living dead." Paliwanag ko sa kanya. Kinakaya ko para sa kanila pero bumibigay na ang katawan ko. Hindi ko na kaya.
"No, please don't say that, sabay tayong mawawala sa mundong 'to, please naman Sana, wag mokong iiwan." He pleaded. Kahit na ayaw kitang iwan, hindi ko na talaga kaya.
"Shhh. Wag kanang umiyak, ano kaba naman, pano pag nakita ka ng mga anak natin na umiiyak? Ano nalang ang sasabihin nila? Tumahan kana." Niyakap ko siya ng mas mahigpit. I buried my face in his chest. --- mahal na mahal kita, mahal na mahal ko kayo.
BINABASA MO ANG
Daddy Jeonghan ➵ yoon jeonghan
FanficIn which sana got pregnant by yoon jeonghan and now their life got twisted by this love-- by this unexpected and twisted love story yoon jeonghan x minatozaki sana ff. completed: 121815-102816