One

42 1 0
                                    

One 

"Asan na ba yon!" Irita kong sabe sa sarili ko,

dahil  hinihintay ko ngayon ang bestfriend ko na si ellie dahil late na kami sa susunod naming klase. Inip na inip na akong kakahintay sa kanya dahil pag katapos namin sa isang subject kaninang umaga ay lunch na pagkatapos naming mag luch meron pa siyang isang subject pero ako ay wala tapos ngayong 3:30 ay mag kaklase nanaman kaming dalawa. 

Tatawagan ko na sana ng merong may humatak sakin bigla. tiningnan ko kong sino. 

"Ba't ngayon kalang bruha ka?" Pasigaw kong tanong sa kanya.

"Wag ka ng magtanong late na tayo!" 

Tumatakbong paakyat kami sa pangatlong palapag ng building ng department namin dahil nga 4 pm na!

Nang pagkarating namin doon, mag sisimula na sila. kaya agad kaming nag excuseat pumasok sa loob. pumunta kami sa bandang likuran ng silid dahil doon na lamang ang may bakantante. 

"Okay class, mag a-attendance lang ako ngayon dahil kaka simula pa lamang ng pasukan at alam kong lutang pa ang mga utak niyo sa pag babakasyon" Ani ng professor namin. 

Kinalabit ako ni ellie, tiningnan ko siya ng masama dahil hindi parin ako nakaka recover sa pag takbo namin na akala mong kasali kami sa karera.

"What?!" Bulyaw ko sa kanya. 

Tumawa lang siya "Sungit neto! Dapat hindi nalang tayo pumasok mag a-attendance lang naman pala" Inirapan ko nalamang siya.

Sanay na siya sa pag uugali kong masungit minsan. Kaya hindi niya pinoproblema kong naiinis ako sa kanya minsan. Wala siyang magagawa mag bestfriend na kami since gradeschool.

Nang tinawag na kami ng professor isa isa para sa attendance agad naman itong umalis. kaya nag hahanda na din kami para umalis. 

Inayos ko ang buhok kong mahaba na kulot sa dulo. kahit na hindi naman ako maputla at masasabe ko talagang mapula ang aking  labi nag lagay parin ako ng konting lip tint. 

Tiningnan ko si ellie na ngayon ay naka nakapangalumbaba at bumuntong hininga. 

Tinapik ko ang kamay niya kaya muntik siyang mapasubsub sa table ng kanyang armchair. 

"What?!" sigaw niya sakin

"What-what ka diyan? anong problema mo? bakit parang ang laki ng problema mo?" sunod sunod kong tanong sa kanya. Napa buntong hininga ulit siya. "Kanina ang jolly mo tapos ngayon para kang binagsakan ng langit" Sabe ko.

"Eh k-kasi a-ano" Utal utal niyang sabe

Tinaasan ko siya ng kilay at hinihintay ang kanyang sasabihin. Pero umiling siya at pilit ngumiti sakin. "Wala-wala" aniya. 

Pero hindi ako naniniwalang wala. I know my bestfriend. I know when she is lying and when she is not okay. Pero alam ko rin na hindi pa siya handang mag kwento kong ano man ang pinoproblema niya ngayon. 

Making you mineWhere stories live. Discover now