Five

12 0 0
                                    

Five 


Hinatak ko si chad palayo sa mga taong nanonood sa amin. Dinala ko siya sa garden ng academy. 

"Ano nanaman bang palabas to chad?" I ask him 

"this is my way of saying sorry kate" Lumapit siya sakin para yakapin ako pero pinigilan ko siya. 

" I'm not in the mood to play your games chad, and please wala akong balak makipagsabayan sa laro mo" 

"I'm not playing with you kate, I'm dead serious" Sabe niya. 

"Really?" 

Hindi ko alam kong paniniwalaan ko siya. Half of me gusto na siyang paniwalaan gusto na siyang yakapin at sabihing forgiven na siya at sabihin ko kong gaano ko siya kamahal pero half naman parang ayaw tanggapin ang mga sinasabe niya. Forgiving him isn't the hard part it's trusting him again. 

Napa buntong hininga siya.

" i know it is hard for you to trust me again, but let me earn your trust" Hinawakan niya ang kamay ko. "I love you kate"

Tumulo ang kanina pang nababadyang mga luha sa mga mata ko. 

"Ayoko nang masaktan chad" Bakit parang ilang salita nalang bibigay na ako. Na handa na akong patawarin siya. Ganito ko talaga siya kamahal? Na kahit ang laki ng nagawa niyang kasalanan. Isang presence niya lang okay na lahat? hays.


Hinalikan niya ang forhead ko at niyakap ako "I can't promise you na hindi kita masasaktan ulit pero i will promise na hindi ako bibitaw na hahabulin parin kita kahit ayaw mo na"


 I hugged him back.


Yon lang? That's it? At bumigay na talaga ako? Pinatawad ko na agad siya? Siguro mahina lang talaga ako at nadadala agad ako sa mga sinasabe niya. Mahal ko talaga siya eh. Pero yong tiwala? It takes months, years to build it up again. I guess.



Days passed, Wala din namang kakaibang nangyari. Medyo naninibago lang ako kay chad ngayon dahil every minute or pag may chance lagi siyang nag tetext sa akin ng mga kong ano lang ang naiisip niya siguro. 

And it's kinda sweet naman kasi ginagawa niya ang best niya para makabawi sakin. 


Andito ako ngayon sa room nakapangalumbaba at nakatingin sa labas ng bintana, It's friday and nasa conference daw yong intructor namin so andito lang ako sa room tumambay dahil ang iba naming classmate ay umalis na at ako naman a tinatamad. May period eh. 


"Oy" Napatalon ako dahil sa pang bibigla sa akin ni ellie. leshe talaga tong babaeng to parang kabute na sumusulpot lang kong saan.

Tiningnan ko lang siya ng bored. 

"Parang ang lungkot mo naman at best? Nangyari? Akala ko ba okay na kayo ni chad? Ohmy! Wag mong sabihin na nag away nanaman kayo? Okay lang yan best ilabas mo lang yan. iiyak mo andito lang ako" O.A niyang react, Sira talaga tong si ellie

"Baliw, Okay kami ni chad. Ewan ko ba tinatamad ako ngayon" Sabe ko at ipinatong ko ang noo ko sa armchair ko. 

Umupo siya sa katabi ko. 

"Nakikita mo ba si Mr. bachelor? kahapon pa siyang absent" 

"Hindi ko siya nakikita at wala akong pake" Sagot ko sa kanya habang naka yuko parin sa arm chair ko. 

Making you mineWhere stories live. Discover now