Two

44 1 0
                                    

Two

"Shocks! The nerve of that guy!" Bulong ko sa sarili ko habang hinahanap si ellie at nakikipag siksikan sa dance floor dahil sa sobrang dami ng tao na sumasayaw. may ibang lalaking sinasayawan ako pero iniiripan ko lang sila. 

Agad naman nahagilap ng mata ko si ellie na naka tayo sa sulok na bar. 

"Ellie ano nakita mo na?" Tanong ko sakanya ng pagkalapit ko.

"A-Ano Kate, N-nakita ko s-si" hindi niya matuloy ang sinasabe niya dahil sa pag kakautal utal niya. tinaasan ko siya kilay. "Kong ganun na nakita mo na si Austin halika na uwi na tayo" Tuloy tuloy kong sabe sa kanya. 

"K-kate hindi si Austin nakita ko" Kumunot ang noo ko sa sinabe niya. Kita mo tong babaeng to ang sinadya niya dito ay si Austin tapos ngayon iba ang nakikita at inaatupag. 

"Eh sino ba ang nakita mo?" Pataray kong tanong sa kanya. 

"S-si, si C-chad" Nawala ang pagka kunot ng noo ko ng narinig ko ang pangalan ni chad. Bakit ba ganito kahit nag tatampo ako sa kanya kahit pangalan niya lang okay na ako. 

"Saan?" Luminga ako sa dance floor "Asan si chad?" Akma na akong umalis para hanapin ang boyfriend ko ng bigla niya akong pigilan. 

"Kate, H-hindi mo magugustuhan ang makikita mo" Parang nagulantang ang buong sistema ko sa sinabe ni ellie sakin. bakit hindi ko magugustuhan ang makikita ko? Bakit? May ginagawa ba si chad na kagaguhan? 

Inalis ko ang kamay ni ellie na nakakapit sakin at dumeritsyo sa dance floor para hanapin si chad na sabe niya na andito daw.

 Kahit na parang takot si ellie ay sumunod naman siya sakin.

Biglang merong kaba akong naramdaman habang nakikipagsisiksan ako sa mga tao sa dance floor. bakit hindi ko magugustuhan? At bakit andito si chad? Akala ko ba may aasikasuhin pa siya. ito ba yong sabe niyang aasikasuhin? ang pag gigimik ng hindi nag papaalam sakin? 

Agad akong nakaramdam ng inis dahil nga pinaghintay niya ako kanina sa parking lot dahil daw busy siya sa practice tapos malalaman ko andito siya ngayon sa bar. 

Napahinto ako sa aking pag iisip ng may narinig akong pamilyar na boses. 

"Common Baby, give it all to me" Malanding sabe niya. 

Boses yon ni chad! Agad kong hinanap kong saan nang galing ang boses niya. 

Nalaglag ang panga ko ng makita kong meron siyang kasayaw na babae hindi lang bastang sayaw. Yong tipong nag gr-grind na silang dalawa sa sobrang lapit nila sa isat-isa. 

Napahawak ako sa labi ko sa sobrang pagka bigla kasabay ang pag basag ng puso ko. Gusto kong umiyak dahil sa nakikita ko. P-panong nagagawa eto ni chad sakin. 

Hindi ko lubusang maisip na kaya niya tong gawin. 

Kitang kita ko kong pano siya lumapit sa leeg ng babae para halikan ito. Kong paano niya hawakan ang bewang papuntang pwet ng babae. At kong paano siya nang gigigil sa kasayaw niya ngayon.  

Making you mineWhere stories live. Discover now