Seven

11 0 0
                                    

Seven


"Kate punta tayo sa mall please" pangungulit sakin ni ellie.

"Ayoko nga tinatamad ako" I said. 

It's Saturday kaya andito si ellie sa kwarto ko at nangungulit. Kanina niya pa ako kinukulit na samahan siya. Wala akong planong lumabas ngayon gusto ko lang sana mag kulong sa kwarto ko ng dumating dito si ellie. I need some peace but hindi ko na siguro matatamasa ngayon yon dahil kay ellie na ngayon hindi ako tinitigilan kulitin. 

After what chad and I did yesterday, We had a little cuddle in his condo and sabay din kaming nag dinner after that hinatid niya na ako dito  sa bahay namin. Sinabe niya din sakin na magiging busy na siya because of the practice sa basketball. 

Hindi ko alam kong mag tatampo na ba ako sa kanya or what. Iilan lang kasi kami kong mag kita sa isang buwan. Kasi he is full attention to the basketball lalo na siya pa ang team captain nila. Pero wala naman akong magagawa kasi I will support him kong saan siya masaya. And nakikita ko na buhay niya talaga ang pag lalaro ng basketball. But funny is hindi pa ako nakakapanood ng laro niya.  Ever since na naging kami. wala pa. 

Iniisip ko nga kong nag tatampo ba siya sakin pag hindi ako nakakanood. You know the relationship rules. Supporting each other. Yong andiyan ka lagi para i cheer siya. Pero hindi niya naman ako masisisi kasi hindi niya naman sinasabe sakin kong kailan at saan sila maglalaro. 

"Napaka lazy mo" She said and she rolled her eyes. "Ah. alam ko na bakit ayaw mong umalis sa kwarto mo" I looked at her and asked "why?"

"Kasi fini'feel mo ang ambiance ng mga roses na ibinigay sayo ni liam" And then she giggled. 

Sinamaan ko lang siya ng tingin at ibinaling ulit ang pansin ko sa pagbabasa ng book. Actually hindi naman talaga ako nag babasa ngayon, pang excuse ko lang kay ellie dahil hindi talaga ako titigilan nito pag wala siyang makita na pinagkaka abalahan ko. I used to read books when I am alone. Mas naiintindihan ko ang binabasa ko kapag walang magulo o ingay akong naririnig. 

About liam, Well hindi ko nalang siya iniisip kasi it's not big deal anyway. at ayoko naman sabihin kay chad ang tungkol sa pag bibigay ng flowers ni liam sakin kasi ayoko na mag away kami. It's not like gusto ko mag lihim sa kanya, siguro sasabihin ko din sa kanya kapag hindi na siya busy, and like I said hindi siya big deal. 

But it really makes me curious kaya itutuloy ko parin ang pag confront sa kanya once na mag kita kami. Nagmimistulang garden tuloy ang room ko ngayon dahil sa mga roses na binigay niya. 

"You know kate, I feel na may gusto sayo si liam" She said. 

"What?" 

Lumapit siya sakin at tumabi sa tabi ko. "Hindi mo pa ba napapagtagpi tagpi ang mga scenarios simula nong nakilala mo siya?" She stopped "Una, yong sa bar, sunod yong bakit siya biglang lumipat sa Murphy Academy, And then sometimes he's weird kapag nakikita ka niya, Yong unang flowers na ibinigay niya sayo, Lastly Ito" At itinuro niya ang mga bulaklak na andito sa room ko. 

"You're being judge mental ellie, Pano yun magkaka gusto sakin? In what way?.  hindi pa months kaming magkakilala and i don't believe in freaking love at first sight. And those flowers??" I Pointed out the flowers "Malay mo trip niya lang talagang mag bigay ng flowes. He's a bachelor for God sake, Owned by Some malls, hotels, resorts, airlines and whatever they can build. Malay ko ba na isa lang ako sa pinapadalhan niya ng bulaklak" I reasoned out. 

Totoo namin e. I'm not that assuming na isipin na may gusto sakin si liam. And I will assure that after we talk titigil na siya sa pagpapadala ng mga bulaklak sakin. 

Making you mineWhere stories live. Discover now