Three
Tinapik ako ni ellie dahil sa pag kabigla ko ng makita ko ang lalaking muntikan na akong halikan kagabi. Oo! andito siya! At bakit nandito siya!
"Oy, Okay kalang ba? Para kang nakakita ng multo" Tiningnan ko si ellie at pinandilatan ng mata.
"He's here!"
"S-sino?" Confuse niyang tanong sakin.
Gosh! What he's doing here.
"Y-yong lalaking muntikan na akong halikan kagabi" Sabe ko kay ellie habang naka titig parin sa lalaking yun na ngayon medyo ng malapit sa kinauupuan namin.
Kumunot ang noo ni ellie at tinaasan ako ng kilay. Ay! Oo nga pala hindi ko pa nasasabe sa kanya. Dahil sa shit! sa pang loloko sakin ni chad.
Kwinento ko sakanya ang pangyayari sakin kagabi sa bar. Nalaglag naman ang panga niya dahil sa pagkabigla.
"R-really?" Gulat niyang tanong sakin.
Tumango ako. "Asan yong tinutukoy mo?" at tumingin siya kong saan ako naka tingin. He's wearing White V-neck shirt at naka leather jacket and black pants.
Ngayon ko lang napansin na may pagka bad boy siyang tingnan at dagdag pa nito ang kanyang katangkaran mga 5'11 siguro. And I'm sure hindi lang siya bad boy tingnan bad boy talaga! Duuuuh sinong mabait at matinong lalaki ang mang hahalik lang ng basta bastang babae na hindi niya kilala.
"O my gosh! Wag mong sabihing si" Tiningnan niya ako ng sobrang gulat na gulat. kinunotan ko siya ng noo dahil sa reaction niya na parang kilalang kilala niya ang tinutukoy ko.
tiningnan ko siya na parang sinasabe ko sa kanya na wala akong ideya kong sino man ang lalaking yon.
"Hindi mo siya kilala?" at tinuro kong asan ang pervert nayon.
Kinuha ko ang kamay ni ellie at hinila ito pababa baka kasi mapansin kami ng pervert nayon.
"Tingin mo ellie may idea ako kong sino yan? At kong sino manyan wala akong pakealam dahil pervert siya"
Sinapok ni ellie ang kanyang noo dahil sa pagka dismaya niya dahil hindi ko lang kilala ang pervert na yon.
"Si Liam Morris yan isa sa mga batang bachelor ngayon ng pilipinas, na sobrang yaman, sobrang gwapo, sobrang hot, at sobrang yummy!" Dini-describe niya na para bang pinapagpantasyahan niya ito sa kanyang isip.
Sinapok ko ang noo niya para magising siya sa katotohanan na pervert yang liam na yan! Masumbong nga ang isang to kay Austin. tss
"I dont care who is he, basta pervert siya! Period!"
Natawa naman siya sa reaction ko. "Bes, lahat ng babae nag kakandarapa mapansin lang niya tapos ikaw umupo kalang doon kusa nang lumalapit ang grasya sayo! Kong ako yun--"
"kung ikaw yon ano? ha ano? Gusto mo isumbong kita kay Austin?"
"Kong ako yon siyempre sasampalin ko din! ang bastos eh!" At nag peace sign pa siya sakin.
YOU ARE READING
Making you mine
RomansaPaano ko ipagpapatuloy ang pagmamahal ko sa taong hindi alam ang salitang commitment? I'm Kate this is my complicated love story.