Terrence's P.O.V
Di ko na lang iintindihin yun.
Coincidence lang siguro yun.
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!! >_<
Bakit ba kasi ang clumsy ko nung bata?!
Papalabas na sana ako ng mall ng biglang--
"BOOOO!!"
"WAAAAH!" sigaw ko.
Loko tong babaeng to ah.
Pagtingin ko--
T-teka ito yung bestfriend ni Mayumi?!
"Hoy lalaki kanina pa kita nakikita na sinusundan si Mishi."
U-oh..
"Stalker ka ba ng bessy ko?"
"Hin--"
"Narinig mo ba yung pinaguusapan namin?"
"Di ko na--"
"May gusto ka ba sakanya?"
"PWEDE BA TUMAHIMIK KA MUNA?!" after ko sya sigawan bigla naman syang nanahimik.
"Hindi ako stalker pero pwede na rin hehe, and oo narinig ko pero di ko naman sinasadya at--" hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil may nagsalita na lang bigla.
Si Mayumi lang pa-- WHAT?!
Si Mayumi?!
"Oy Yvette sino iyang kausap mo?" Papalapit na ng papalapit samin si Mayumi.
God.
Parang bumagal yung ikot ng mundo ko.
Tss.
Pwe.
Lakas makabakla -_-
"Ow. Ikaw pala nerd." sabi nya habang nakapoker face.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Yvette.
"Hindi/oo" sya yung nagsabi ng hindi ako naman yung nagsabi ng oo.
"Yun naman pala eh magkakilala naman pala kayo eh. You should join us nerdy boy" sabi ni Yvette.
"O-ok" sabi ko habang nauutal >_<
Papunta na kami sa ICP dahil nandun parin daw yung KZ ba yun?
"What's your name?" tanong ni Yvette
"Terrence. Terrence Paul John."
Yvette's P.O.V
"Terrence. Terrence Paul John."
Hmmmmm. Familiar yung name nya.
Nevermind -_-.
"Oh. Nice name :)" sabi ko
"Thanks."
"KZZZZZZZZZZZZZ!!" sigaw ni Mishi.
Pagkalapit nya kay KZ....
*PAAAAAAAK*
Binatukan nya ito ng pagkalakas lakas.
"Aray ko naman Mishi bakit mo ko binatukan?!"
"Eh loko ka kasi eh. Marunong ka naman pala magtagalog pinahirapan mo pa ko magenglish." tapos nag pout sya.
Haha ang cute talaga ni bessy.
"Eh ang sarap mo kasi asarin ^_^v"
"Tse." Tapos umupo na kami.
"Oy nerd ikaw na magiging friend ko dun sa school ah. *o*" sabi ni Mishi kay Terrence.
Gusto talaga siguro ni Bessy na maging friend si Terrence kaya ang childish nya ngayon.
Pero kanina lang sabi nya di daw nya kilala si nerd -.-
Nakasinghot yata tong se bespren eh.
KZ's P.O.V
(KZ's picture at the right side ------------------------------------------>)
"Oy nerd ikaw na magiging friend ko dun sa school ah. *o*" pagkasabi ni Mishi nun eh bigla naman nagspark yung mga mata nya.
"O-ok" sabi nung nerd.
Teka nagseselos ako.
Hmm.
May naisip na kong paraan.
"Dito na lang ako magsstay sa Phil." sabi ko sakanila. "At dun na rin ako magtratransfer sa school nyo Mishi." tuloy ko. Ibabalik ko yung dating pagtingin sakin ni Mishi.
Tutuparin ko yung pangako namin.
Terrence's P.O.V
May gusto yata tong lalaking to kay Mayumi ko -_-.
"Whoaw. Bakit mo naman gusto tumira dito?" tanong ko sakanya. Oh diba ang angas ko.
Ang FC ko sa kanila grabe :3
"Who cares." sabi nya. Aba't--
Okay chill lang Terrence tandaan mo gwapo ka ay I mean! Tandaan mo kasama mo crush mo kaya be good.
"Ok guys chill lang kayo. Kainin nyo na lang yung ice cream nyo" sabi ni Yvette.
And there.
Kumain lang kami ng ice cream.
Nang makita kong may chocolate si Mayumi sa may gilid ng lips nya.
"Mayumi may dumi ka." tapos nilapit ko yung mukha ko sa kanya 2 inches na lang ang agwat ng space namin.
Allelujah!! Chance ko na to!!
Tapos pupunasan ko na sana ng biglang..
"Ayan wala ka ng dumi sa mukha." sabi ni KZ.
Kainis.
Bigla ba naman akong tinulak at sya yung nagpunas dun sa may labi ni Mayumi.
Konti na lang eh >_< nakikita ko ng namumula yung mukha nya tapos biglang may umepal AAARRSSHH!!
Epal naman eh >_ <
Yvette's P.O.V
Hmm. I smell something fishy.
Natapos na kaming kumain and pauwi na rin kami.
"Mishi hatid na kita/Mayumi hatid na kita" sabay na sabi ni Terrence and KZ
"Guys wag nyo na sya ihatid. Ako na lang maghahatid sa kanya." sabi ko.
Tapos nagtinginan yung dalawa and parang may kuryente sa pagitan nila.
Uh-oh parang may nasesense akong gulo.
"Una na kami bye." sabi ko at hinila ko na si Mishi.
Nung nasa may taxi na kami ni Bessy eh bigla syang nagsalita.
"Anong meron dun sa dalawa?" Hay naku bessy hindi ka lang pala may amnesia haha manhid ka pa.
"Oy bakit magisa kang nakangiti dyan?" tanong nya
"Ah hehe wala lang may naiisip lang ako."sabi ko naman habang natatawa tawa.
"Ang weird nyo namang tatlo." sabi nya.
"Ewan ko sayo bessy ang manhid mo."
"Oy di ako manhid no."
"Sige sabi mo eh haha XD." Baka magalit pa to kaya titigilan ko na haha.
"Ewan ko sayo. Baliw!"
Hmmm. May namumuo yatang LOVE TRIANGLE ^_^!!
BINABASA MO ANG
MS.COLD AND MR.NERD
Teen FictionMishi or also known as Ms.Cold is a rich girl. But she's not a spoiled brat. She's not that bad. And she's such a meany. Her mom is always busy on their company. She has an older brother named Cryxander Jyn Yao. Her brother is smart like her. Mishi...