Mishi's P.O.V
Bakit parang naiiyak ako nung umalis si PJ?
Tumayo na ako sa bench tapos naglakad na.
Kasunod ko pa rin yung butler and bodyguards ko.
Humarap ako sa kanila.
"Pag nasa class room na ako dun na lang kayo sa may door."
"Sure ma'am." Sabay nilang sagot.
Tumalikod na ako sa kanila.
At nabigla ako sa nakita ko.
Nakita ko si Yvette na umiiyak.
At sila Marie, Shawn and KZ naman parang nagulat.
Kausap nila ngayon si PJ.
Pero teka?!
Umiiyak bestfriend ko!
"Yvette!!" Tumakbo ako papunta sa kanya.
Kahit galit ako sa kanya. Di ko pa rin siya matitiis.
Hinawakan ko siya sa balikat niya.
"Anong nangyari?! Ba't ka umiiyak?!" Di ko maiwasan mang-gigil.
Nandito kasi si PJ at siya ang kinakausap nila KZ.
Tumayo ako kinuyom ko ang kamay ko.
Nakayuko lang ako.
"M-mishi." Sabi ni Marie na parang natatakot sakin.
Nasa likod ko lang yung butler ko.
Humarap ako kay PJ.
Pagharap ko.
Nakita ko siyang nakatitig sa akin at may tumulong luha. At may pasa rin siya.
Dahil dun bumalik lahat ng mga kasalanan niya sa akin.
"Gago ka talaga PJ." Bulong ko sabay suntok ko sa kanya sa mukha.
Tumakbo na ako papuntang garden ng school.
Sumunod naman sakin yung butler and bodyguards ko.
"Pwede ba muna nyo kong iwan?" Tanong ko na sobrang cold.
Nag-nod lang sila. Siguro natakot din sila sa black aura ko.
Nakita ko naman yung itsura ni Josh (name ng butler niya)
"Ang ayoko sa lahat Josh ay yung kinaaawaan ako." I said with a cold tone.
"S-sorry Ms. Mishi." Tapos umalis na sila.
Umupo na lang ako sa may bermuda grass tapos sumandal sa may puno.
Pumikit lang ako.
"Bakit ganun PJ? Bakit kahit ilang beses mo na ako ginag* hindi pa rin kita magawang kalimutan!" Sinabi ko with gritted teeth dahil nanggigigil ako.
Binend ko yung knees ko tapos niyakap ko. Sabay yuko at nakapikit pa rin kaya di ko alam kung may tao na ba.
But I don't care kung may tao. Yeah, I hate people's attention pero kailangan ko ilabas yung hatred ko.
"Aaaaaaaargh!!!!" I shouted between my sobs and sniffs.
"Bwiset ka! B..bakit..*sniff*.. m.. mo pa..rin.. *sobs*.. kina
...... kampihan si... Mika ka.... kahit a.. *sniff* ako yu.......... yung *sobs*.... tama." Dahil sa gigil ko napapahigpit na ko ng yakap sa mga hita ko.
BINABASA MO ANG
MS.COLD AND MR.NERD
Teen FictionMishi or also known as Ms.Cold is a rich girl. But she's not a spoiled brat. She's not that bad. And she's such a meany. Her mom is always busy on their company. She has an older brother named Cryxander Jyn Yao. Her brother is smart like her. Mishi...