{Raffy's POV}
"Kyaaaahhh! Raffy!!!" Napalingon ako sa lakas ng boses nung tumawag sa akin.
"Ano ka ba Ann?! Feeling mo ata ikaw si Jack ng Titanic at kung makasigaw ka parang siya lang nung sumigaw ng, 'I'm the king of the world'." Singhal ko sa kanya. Ang lakas-lakas kasi ng pagkakasigaw niya, halos tumingin na lahat ng tao sa'min sa canteen.
"Eh? Ang sungit? Tara! Kelangan mong sumama sa'kin." Hindi pa man ako nakakatanggi, hinila na niya ako paalis ng canteen.
"Saglit! 'yung mga gamit ko. Nagrereview pa ako sa English e!" May quiz kasi kami sa English. First week pa lang ng klase, halos maubos na ang mga brain cells ko sa dami ng requirements. Fourth year senior high na kasi kami. Haay..
Saktong nakuha ko lang 'yung mga gamit ko nang hilahin ako ulit ni Ann. "Bilis na! Ang bagal e!"
"Teka kasi! Ano ba kasi 'yun?" Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko, dahilan para mapatigil kami sa isang corner na likuan at daanan ng mga tao.
"Nakita mo siya? Ang gwapo di ba? Hindi ko akalaing babalik pa siya."
"Oo nga! Grabe! Sana maging classmate natin siya."
Narinig kong nagpapantasya, este nag-uusap 'yung dalawa naming classmates nang mapadaan sila sa likod namin.
Teka.. Nagbalik? Lumakas bigla ang kabog sa dibdib ko. Pakiramdam ko, lumapit bigla ang puso ko sa tenga ko sa lakas neto.
"Bumalik na siya Raffy! Bumalik na si Yael!" Pagkukumpirma ni Ann.
"E ano ngayon kung bumalik siya? Edi kasi bumalik siya. H'wag mong sabihing hinila mo pa'ko para lang makita siya at makahingi ng imported chocolates?" Pinipilit kong itago 'yung kabang nararamdaman ko. Kasi kung hindi ko gagawin 'yun, baka ni isang hakbang o salita hindi ko na magawa.
"Raffy! 'Di ba ang tagal mong hinintay 'tong araw na 'to?" Nangungulit pa rin si Ann.
"Oo, at matagal ko na rin kinalimutang..naghihintay pala ako." Natahimik siya. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi ko o sa ibang bagay. Gulat na gulat kasi ang ekspresyon sa mukha niya.
"Aw. That hurts.." Sambit ng isang wirdong nilalang mula sa likuran ko. Pero ang boses ng wirdong nilalang na 'yun ang nagpatigil bigla ng mundo ko.
Humarap ako. Alam kong kinailangan kong gawin 'yun para harapin ko na rin sa wakas ang taong pilit kong kinalimutan sa loob ng dalawang taon.
"Oh. Bumalik ka na pala." Matabang kong bati sa kanya.
"I haven't seen you..for a while, Raff. I didn't know it's your way of saying hello to your boyfriend." Mahahalata mo sa tono niya na may American accent siya. Sabagay, ikaw ba naman ang manirahan sa Amerika ng dalawang taon.
"Actually, it's been two years already. So, technically speaking, it's not 'for a while'. And correction.. it's 'ex' boyfriend." Pinaka-emphasize ko ang salitang EX para ma-gets niya.
"Aw. That hurts for the second time around." Hindi ko alam kung tinablan ba siya dun sa sinabi ko. Pero sa nakikita ko, parang nag-eenjoy pa siyang asarin ako.
"Oh talaga? Nasasaktan ka pala? Akala ko kasi manhid ka na." Saka ko na hinila si Ann pero humarang siya.
"Raffy.." Tinignan niya ako sa mata, hindi ko alam pero hindi ko magawang iiwas 'yung tingin ko. Parang magnet na hinihila ng mga mata niya. Nagbago ang aura niya, 'yung kaninang cool at charming, naging cold and sober.
"Excuse me." 'Yun na lang 'yung nasabi ko dahil 'yun lang ang alam kong sabihin sa pagkakataong iyon. Umalis kami ni Ann sa harapan niya, iniwan ko siya.. Natawa ako kasi sa pagkakataong iyon, ako ang nang-iwan at siya ang naiwanan.
"Ano ba naman 'yun Raff. Ba't ginanon mo naman 'yung tao?" Pagmamaktol ni Ann nang makarating kami ng classroom.
"Alam mo kung bakit, Ann. Hindi mo na dapat pang tinatanong 'yan." Matamlay kong sagot saka na'ko umupo.
"Hindi ka pa ba nakakapagmove on? Hello?! Two years na oh. Tsaka mga bata pa kayo noon."
"Kung makapagsalita ka, parang wala ka nung mga panahong iniyakan ko siya, nung mga panahong hinintay ko siya, nung mga panahong..halos mabaliw na'ko dahil sa ginawa niya." Tumingin ako sa labas. Hindi ko alam, pero naiiyak ako. Ano ka ba Raff? Hindi mo na dapat pang iniiyakan 'yung lalaking 'yun. Okay ka na di ba? Muli, natawa ako. Kasi ito rin 'yung mga salitang pinilit kong itatak sa puso at isipan ko ng ilang libong beses. Okay ka na di ba? Pero walang Raff na sumagot. Bumuntong-hininga ako. Hindi ka pa okay, Raff.
"Nakausap mo na ba siya? Baka naman kasi may dahilan di ba? Binigla mo naman kasi 'yung tao nung pinapili mo siya kung ikaw ba o ang pag-alis niya. Para mo na rin siyang pinapili kung ikaw ba o ang pamilya niya. Sorry Raff ah, pero napakaselfish naman kasi nun."
Si Yael. Ang boyfriend ko since junior high. Third year anniversary namin 'yun nung taon na 'yun nung magpasya siyang umalis papuntang Amerika. Ayaw niyang sabihin ang dahilan kung bakit. Basta ang lagi lang niyang sinasabi, babalik siya. Babalik siya para sa'kin, para sa'min. Hindi ko alam pero nagmatigas ako.
"Sa tingin mo ba talaga, selfish 'yung ginawa ko?" Oo na. Aminado naman ako. Naiinis lang ako kasi pakiramdam ko, may sinisikreto siya. Bakit ayaw niyang sabihin 'yung dahilan? Kaya ang ginawa ko, pinapili ko siya, kung mananatili siya sa Pinas, kami pa rin. Pero kung aalis siya, tutuldukan ko na lahat ng namamagitan sa'min. Confident ako na ako ang pipiliin niya, na mananatili siya sa tabi ko. Pero parang isang truck ng tinik at bato ang tinapon sa'kin nang malaman kong umalis na siya ng bansa..nang hindi kami nag-uusap. Ganun pala 'yun, hindi sapat na mahal niyo ang isa't-isa para maging masaya kayo. Hindi sapat 'yung 'ikaw at ako', ang 'kami', ang 'tayo', para magkaroon ng isang happy ending.
"Raff, kelangan niyong mag-usap. Wala sa'kin lahat ng sagot." Tumingin ako sa kanya. Tama siya. Kelangan naming mag-usap.
©zagne
BINABASA MO ANG
Ang Nawawala Kong Panyo (Short Story)
Teen FictionHindi ko alam na dahil sa nawawala kong panyo, mahahanap ko yung nawawalang parte ng puso ko..