{Raffy's POV}
Nagbell na at pumasok na ang English teacher namin. Kasunod niya si Yael. Kung mamalasin nga naman, kaklase ko pa ata siya. At siyempre, tama ang hinala ko. Kaklase ko nga siya. At kung akala ko, malas na ako na naging kaklase ko siya, nagkamali ako.
Nagkaroon kami ng isang requirement-isang movie review. Pipili kami ng isang movie na love ang theme, take note, LOVE. Pagkatapos ay gagawan namin 'yun ng review. Ang deadline? Bukas lang naman. Pero hindi talaga 'yan ang pinupunto ko. Ang movie review ay i-susubmit by partners. At ang partner ko? Aynako! Sino pa nga ba? Edi si Yael. Alphabetical kasi ang ginawa ng teacher namin. Since magkasunod kami sa class record, dahil Rodriguez siya at Romualdez ako, pak! Kami ang magpartners. Ang SAYA noh?
"Guess we're meant for each other, babe." Oo. Seatmate ko pa siya! Anak ng kamalasan oh! Ngumisi lang ako sa sinabi niya. Cool at charming na naman siya. Mood swings? Bipolar? O sadyang baliw lang? Napangiti ako. Oo, isa 'yun sa mga katangiang nagustuhan ko sa kanya noon..hanggang ngayon. Ay! Ano ba 'yang pinag-iisip ko! Galit nga ako di ba? Galit?!
"Maganda ka parin talaga, Raff. Walang pinagbago." Nakatitig siya sa'kin. At ako? Palagay ko, kulay talong na mukha ko sa sobrang pagka-blush. Tumawa siya.
"Sige tawa lang, hanggang sa mamatay ka."
"Ganun? Gusto mo na'kong mamatay?" At isang kaawa-awang mukha ang ipinakita niya sa'kin. Syete! Ba't ba kinikilig pa rin ako hanggang ngayon?!
"Mr. Rodriguez and Ms. Romualdez! Would you like to go out of my class? Because I would be glad if you would!" Waaah! Galit na si Mrs. Santos! Ba't ba kasi!
At 'yun na nga, pinalabas kami ng classroom. "Kasalanan mo 'to buwiset ka! Ang ingay mo kasi!" Nagpameywang ako saka ko siya ini-snob.
"Para kang bata Raff. Pero wag kang mag-alala, cute ka pa din."
"Ewan ko sa'yo." At alam kong namumula na naman ang pisngi ko.
"May dumi ka sa damit mo oh. Ano 'yan?" Tinuro niya 'yung mantsa sa uniform ko.
"Ahh! 'Yung kape 'to kanina nang hinila ako ni Ann sa canteen. Nagmamadali kasi ang babaitang 'yun e!" Hinugot ko mula sa bulsa ko 'yung panyo ko.
"Oh. Nasa iyo pa pala 'yan." Nagtatakang tinignan ko siya.
"I mean 'yung panyo. 'Yung nung natapunan ka ng ice cream nun sa canteen at puro mantsa 'yung uniform mo, pinahiram kita ng panyo di ba?"
Oh. That was our first encounter. Siyempre, hindi ko makakalimutan 'yun. Memorable kaya 'yun.
[Flashback]
"Anak ng! H'wag na h'wag kang magpapakita sakin buwiset ka!" Oo naiinis ako. Tumilapon kasi sa uniform ko 'yung chocolate ice cream na kinakain ko dahil may isang maliiikooot na bata ang nagtatatakbo sa eating area.
"Ok ka lang, miss?" Tanong ng isang epal na nilalang.
"Sa tingin mo?!" Singhal ko sa kanya. Pero pagharap ko, napapitlag ako. Hindi naman siya kagwapuhan pero parang biglang tumigil ang mundo ko.
"Ano ka ba naman Raffy, concerned na nga 'yung tao sa'yo oh. Naku pasensya ka na pogi ah, masungit lang talaga 'tong BFF ko. 'Lam mo na, PMS ba." Humagikgik pa ang papansing kong bestfriend. Tch!
"Okay lang 'yun, eto nga pala ang panyo oh." Iniabot niya 'yung panyo niya sa'kin at padabog kong kinuha 'yun.
"Pasalamat ka at kelangan na kelangan ko 'yan ngayon. Ibabalik ko na lang 'pag nalabhan ko na." Walang emosyong sagot ko. Ganito talaga ako, matigas. Ayaw ko kasi 'yung nagkakaroon ng pagkakataon ang mga tao na saktan ako.
"Wala man lang bang thank you?" Pa-cool na biro niya pero sorry siya hindi ako natatawa.
"Nung ialok mo ang panyo mo, dapat naging aware ka na pupwedeng hindi magpasalamat ang isang tao sa'yo. In the first place, hindi ko naman hiniram 'di ba? Inalok mo, tama?" Tumawa pa siya nang marahan at siniko naman ako ni Ann.
"You're..amazing. Well, anyway, see yah around. It's Yael by the way. At kahit hindi mo na isauli 'yang panyo. Keep it, it's yours now." Parang hindi naman siya tinablan nung pagsusungit ko. It's the first time, though. Tch! Napapa-english tuloy ako buwiset!"
[End of Flashback]
Tch! Ba't ko ba naaalala 'yun?!
"Ah ganun? Sa'yo ba 'to? O!" Iniatsa ko 'yung panyo sa kanya.
"Ha? Bakit? Hindi, hindi ko naman kinukuha. Sa'yo na 'to. Natutuwa lang ako na na sa'yo pa pala 'to." Ngumiti siya habang ibinabalik sa'kin ang panyo. At ramdam ko 'yung tuwa at pag-asa sa mukha niya.
"Ah. Hindi ko alam na sa'yo pala 'yan. Kalat-kalat sa bahay e." Pagkukunwari ko pero nahuli din naman niya ako.
"Anong kalat-kalat? Ayaw mo nga ng makalat sa bahay 'di ba?" Wala na. Wala na akong alam na palusot. Buti na lang nagbell. Saved by the bell, yes!
"Bye!" Pumasok na'ko kagad ng room. Buti na lang sa last subject for morning, iba ang seating arrangement. Pero alam ko naman na darating 'yung oras na kelangan ko na siyang kausapin. Siguro.. pag handa na'ko."
***
"Tara?" Bigla-bigla na lang akong kinakausap ng abnormal na 'to.
"Anong tara?!"
"Ahm, gagawa ng homework?" Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan.
"Ah. Sa'n?"
"Kung okay lang sa'yo, sa bahay?" Nag-isip ako, sabagay.. kesa sa bahay namin.
"Osige."
Four-thirty ng hapon nang makarating kami sa bahay nila. 'Yung dating bahay pa rin nila ang tinitirhan ngayon nina Yael.
"Dito pa rin pala kayo."
"Ah oo. Tara? Pasok na tayo?"
Sumunod lang ako sa kanya. Ang ayos ng bahay nila, ganun pa rin. Sana ganun lang din ang lahat sa'min ni Yael, walang nagbago. At sana, katulad ng mga bagay dito sa bahay nila, walang nagbago sa nararamdaman niya para sa'kin.
"H'wag mo nang isipin 'yun, mahal pa rin naman kita." Nakangiting sabi niya sa'kin.
"Ano?! Baliw! Gumawa na lang tayo ng homework para matapos na!" Umiwas ulit ako ng tingin. Ghad! Mukhang 'di ko kakayanin na magstay dito ng ilan pang minuto.
***
"Dapat kasi 'di na lang niya binigyan ng second chance. What if ganun ulit? Masakal ulit 'yung babae? O 'di kaya, iwan siya ulit? Tch!" Padabog kong kinuha 'yung laptop ko para simulang i-type 'yung mga ideas ko. One More Chance ang pinanood namin. Sabi naman kasi ng teacher, hindi baleng Filipino movie basta english 'yung review. Dapat lang noh! Bukas na kaya 'yung deadline!
"Pa'no kung hindi? Pa'no kung naging mas masaya pala sila kasi nalaman na nila 'yung pagkukulang ng bawat isa, 'yung mga dapat nilang gawin?" Kinuha din niya 'yung laptop niya at sinimulang i-type 'yung mga ideas niya.
"Pero paano kung 'di naman pala sila natuto? Nalaman nga nila 'yung dapat nilang gawin, but it doesn't mean na gagawin nila 'yun!" Sagot ko.
"Nagbabago ang tao Raff, pwedeng ngayon selfish siya, pwedeng bukas hindi na. Pwedeng ngayon manhid siya, pero bukas hindi na." Malumanay na sagot niya.
"Hello?! Hinding-hindi na mababago ang personality ng tao. Siya na 'yun e, 'yun na ang bumubuo sa pagkatao niya. Pero ang nararamdaman, pwedeng-pwedeng magbago. Pwedeng mahal ka niya ngayon, pero paglipas ng araw, buwan o taon, hindi na." Napipikong sagot ko.
"Pero iba-iba ang approach ng isang tao depende sa sitwasyon. Sabihin na nating iniwan ka niya, but he has a valid reason, iko-consider mo ba ang taong 'yun na laging nang-iiwan? I agree na nagbabago ang nararamdaman ng isang tao, pwedeng sa paglipas ng panahon, makalimutan niya 'yung nararamdaman niya para sa isang tao. Pero hindi ang pagmamahal ko sa'yo, Raff." I was taken aback sa sinabi niya. Biglang may kung anong kumurot sa puso ko. May kumakabog sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan 'yung nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Bubuksan ko na ba ulit 'yung puso ko? Nahirapan ako sa pagsara nito, but would it be worth the risk?
©zagne
BINABASA MO ANG
Ang Nawawala Kong Panyo (Short Story)
Teen FictionHindi ko alam na dahil sa nawawala kong panyo, mahahanap ko yung nawawalang parte ng puso ko..