{Raffy's POV}
Lumapit si Yael sa'kin at hinawakan ang pisngi ko. "I'm sorry kung nasaktan kita Raff. I never intended to leave you. I didn't have any choice but--"
"Tama na. Tapos na 'yun. Ayoko ng balikan. H'wag kang mag-alala, limot ko na 'yun." Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko at tumalikod. Aalis na sana ako nang magsalita siya.
"I still love you, Raff. If you would just give me a chance to explain everything. Just one more chance." Ramdam ko sa basag niyang boses ang lungkot at panghihinayang.
"Pasensya ka na, pero hindi kasi ako naniniwala sa second chance. You had the best chance before, 'yun lang 'yung kaya kong ibigay." At umalis na'ko. Hindi ko na nakuha pang kunin 'yung mga gamit ko. Pakiramdam ko sa anumang sandali, bibigay na ang mga tuhod ko.
"I still love you, Raff. If you would just give me a chance to explain everything. Just one more chance."
Paulit-ulit 'yong tumatakbo sa isipan ko habang tinatahak ko ang daan pauwi sa'min. Malapit lang naman kasi 'yung bahay ko sa bahay nila Yael.
Nagawa ko na lahat ng homework ko, nakatapos na'ko ng isang libro, halos malinis ko na lahat ng sulok ng kwarto ko, ala-una na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog.
I admit, gusto kong marinig ang paliwanag niya. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong iparamdam sa kanya na hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya. Pero bakit ganun? Hindi ko magawa?
Sa takot..sa takot na masaktan ulit ako. Natatakot ako kasi nang bigyan ng second chance ni Mama si Papa matapos siyang mambabae, inulit-ulit lang niya. Walang nagbago, naging mas malala pa siya. Alak, sigarilyo, sugal, babae. 'Yun na lang ang naging mundo niya. At si Mama? Sinubukan niyang magtiis para sa'min ni Mak-mak. Hanggang sa dumating ang puntong ayaw na niya. Ang ending? Nawalang parang bula si Mama. At kami? Naiwan kay Papa. Naging masalimuot ang parteng 'yun ng buhay ko. At napapapitlag ako sa t'wing naaalala ko yun. Buti na lang at nandiyan si Uncle Dan para alalayan kami.
Ang daming nangyari dahil sa second chance na 'yun. Ang daming nawala--si Papa, si Mama, at ang buhay ko. Nawalan ako ng direksiyon, nawalan ako ng pag-asa. Kaya nang makabangon ako, pinilit kong binura sa diksyunaryo ko ang mga salitang second chance. Para sa mga mahihina lang 'yun. Matigas nga ako 'di ba? Matapang ako.
***
"Good morning Raff! Kumusta ang movie review niyo?" Malisyosong tanong ni Ann.
"Ewan. Sabog." Matipid kong sagot.
"Kayo na ba ulit?" Siniko-siko pa niya ako.
"Tch! Tabi! Harang-harang e!" Umupo ako at umidlip kunwari para tantanan na niya ako.
Kkkkkkkkrrrrrrriiiiinnnnnnggggg!!!!
"Ha? Bell na? Asan na si prince charming mo?" si Ann.
"Good morning class." Iniangat ko lang 'yung ulo ko nang dumating na ang English teacher namin
"Well, I've given you an assignment, specifically a movie review. I would ask some of you to share their review in the class."
"Hala! Ang panget pa man din ng gawa ko!" ani Ann.
"Tch! Anong bago?!"
"Yes Ms. Romualdez? You want to volunteer?" Napatingin kaming pareho ni Ann kay Mrs. Santos.
Tumayo ako. "Ahm."
"Yes?"
"The truth is.."
"The truth is?" si Mrs. Santos.
Sa totoo niyan, wala kaming nagawang review ni Yael kahapon. Tch! Bahala na.
"I--"
"Sorry Miss, I'm late. I was asked to pass some papers to the principal's office." Tumingin ang lahat sa pintuan. Si Yael.
"No problem. Take your seat. And as you were saying Ms. Romualdez?" at tumingin naman ang lahat ngayon sa'kin.
"Sorry to interrupt you Miss. I am the review partner of Ms. Romualdez. Would it be much better and fair if we would discuss this..together?" Pumayag naman si Mrs. Santos. Pero si Yael lang halos ang nagsalita.
"We..believe that everybody deserves a second chance. It's true that there is no guarantee that you'll not be hurt again, that you'll be happy. But at least, you don't have to ask yourself, what if..?"
"Very well said Mr. Rodriguez. You may take your seat."
Hindi ko alam kung nagpaparinig siya o ano. Pasalamat siya at buti na lang hindi ako nasabon kanina kay Mrs. Santos.
Lumipas lang 'yung mga subjects namin maghapon. Same old, same old. Routine. Walang nagbago.
"Raff, una na'ko ha? Magde-date muna kami ni Vince." At nagwink pa siya. Kung hindi ako nagkakamali, anniversary nila ngayon.
"In fairness, tumagal si Vince sa'yo." Pang-aasar ko.
"Che! At least ako may Vince, e ikaw? Ay never mind! Bye!" At least ako may Yael. Tch! Leche! Natopak na naman ako.
Hindi ko alam pero umiikot ang mata ko sa classroom. May gustong mahagip ang mga mata ko--si Yael. Pero wala, walang Yael. Ang bilis naman atang lumabas nun? At teka? Pakialam ko ba?!
***
Lalabas na sana ako ng gate nang mahagip ng mga mata ko si Yael sa may parking lot sa harapan ng school. Si Yael? Pero ba't parang may kasama siya?
Lumapit ako para makita ko. Isang 'di pamilyar na babae. Lumapit pa'ko para marinig ko 'yung pinag-uusapan nila. Oo na, interesado ako. Out of curiousity lang naman e.
"Kumusta ka na Yael? I missed you!" Biglang niyakap nung babae si Yael. Eto namang si Yael, naghug back. Leche naman oh.
"Eto ok lang. Gumanda ka lalo ah!" di Yael.
"Sus! Bolero! Sipain kita diyan e!"
"Biro lang! Ito naman, kaagad-agad kang napipikon." ani Yael.
"Nakakatampo kaya. Mula nung bumalik tayong Pinas, 'di ka na dumalaw sa bahay. Miss ka na kaya nila Mama. Umiiwas ka noh? 'Di mo na'ko love noh?"
Miss? Wow! Close? At teka, sabay silang bumalik ng Pinas?! Love?! Mawawala na ata ako sa wisyo!
"Yun oh. Nangonsensiya pa. Ikaw nga ang dahilan ba't ako pumuntang Amerika 'di ba? Siyempre love kita." At hinalikan niya ito sa noo.
Tumalikod ako at naglakad papalayo. Hindi ko na kakayanin pa ang kung anumang kasunod pang mangyayari. Siya ang dahilan kung bakit siya pumuntang Amerika? Kung bakit niya ako iniwan? Pero pa'no? Bakit? Anong meron sa kanila?
Tch! Tanga ka ba Raff? Narinig mo na nga 'di ba? Nakita mo pa. Sa tingin mo, joke lang ang lahat ng nakita mo?
Sana nga biro na lang ang lahat ng nakita ko. Bakit nasasaktan ako? 'Di ba okay na? 'Di ba nakapagmove on na'ko? Napangisi ako. May sasakit pa pala sa nangyari noon. Pero bakit? Bakit hindi niya sinabi? Tapos sasabihin pa niyang he still loves me?! Ano 'to? Isang malaking joke?
Umuwi akong wala sa sarili. Humiga sa kama. Maya-maya, naramdaman ko 'yung mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. Ang tanga mo Raff, umasa ka pa kasing babalikan ka niya, na mahal ka pa niya. Hindi ka na natuto! Iniyak ko lang lahat hanggang sa makatulog na'ko.
©zagne
BINABASA MO ANG
Ang Nawawala Kong Panyo (Short Story)
Teen FictionHindi ko alam na dahil sa nawawala kong panyo, mahahanap ko yung nawawalang parte ng puso ko..