7: Picnic Date

236 9 0
                                    

{Raffy's POV}

"Sabi ko na nga ba hindi ka a-attend. Excited pa man din si Yael sa acquaintance party." Pag-uumpisa niya.

"Kung 'yan lang ang sasabihin mo sa'kin, mas mabuti pang umalis ka nalang."

"Kelangan nating mag-usap." Seryosong sabi niya.

"Wala tayong dapat pag-usapan." Tatalikod na sana ako pero sumagot siya.

"Meron tayong pag-uusapan. Marami." Sagot niya.

Naiinis na humarap ako sa kanya. "Ano pa bang gusto mo? Ikaw na nga ang pinili niya 'di ba? Kasama mo na siya 'di ba? H'wag mong sabihing kelangan mo pa ng suporta?"

"What? What are you talking about?" Takang tanong niya. Maang-maangan pa tss!

"Pwede ba h'wag ka ng pa-humble? Hindi ba't ikaw ang dahilan ni Yael kaya siya umalis at pumuntang Amerika? Kaya niya'ko iniwan?"

"Yes pero--"

"See? So wala tayong dapat pag-usapan!" Singhal ko sa kanya.

"Raff."

"Tigilan niyo na'ko. Ano pa bang gusto mong marinig? Na nasasaktan ako? Oo! Nasasaktan ako kasi ikaw ang pinili niya, na ikaw ang mas mahal niya, na ako, isang malaking display lang sa buhay niya. Nasasaktan ako kasi pagkatapos ng lahat ng nangyari, mahal ko pa rin siya at hindi ko siya mapakawalan lang ng basta-basta. Don't worry, I won't bother you, you can date all you want, you can go anywhere, hindi ako makikialam."

"Pero Raff--"

"Wala ng pero-pero. Oo, mahal ko nga siya, pero hindi sapat na dahilan 'yun para kumapit pa'ko sa kanya. Alam kong hindi ko siya pagmamay-ari, pero ito 'yung sinasabi ko sa'yo, sa'yong-sayo na siya."

"W-what--"

Wala na'kong pakialam sa mga gusto pa niyang sabihin, basta tuloy-tuloy lang ako sa pagsasalita. "Pero oras na saktan mo siya, siguraduhin mong malakas at matapang ka. Dahil sa oras na mangyari 'yun, baka hindi mo kayanin ang mga gagawin ko sa'yo. At--"

"Ikaw ang mahal ni Yael!" Napatigil ako sa pagsasalita. Anong sabi niya?

"A-anong pinagsasabi mo?"

"Listen, walang ibang minahal si Yael kundi ikaw lang." Pagdidiin niya.

"Pero narinig ko kayong nag-uusap sa park nun. You were the reason kung bakit pumunta ng Amerika si Yael."

She chuckled. "Yes, you're right but I think you're getting us wrong. I am his sister, Raff."

"W-what? Teka, tigilan mo nga ako! Walang kapatid si Yael. Maaga siyang naulila sa magulang. Namatay ang mama niya when he was 10 years old at before nun, iniwan sila ng papa niya for an unknown reason."

"I know. And that's because of me. We are dad's second family."

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.

"Hindi ko tinatawag na kuya si Yael kasi months lang pagitan namin. It was really hard for him to accept us nung una. But I had a kidney disease and my kidneys are not functioning well until bumigay na ang isa. I need an urgent transplant dahil 'di na kakayanin pa ng isa ko pang kidney na magfunction mag-isa dahil may damage na din 'to. At dun na pumasok sa eksena si Yael. He donated his other kidney for me to live, kaya siya pumuntang Amerika."

Napaupo ako sa sofa. Hindi ko kayang i-absorb lahat ng sinasabi ni Yas sa'kin ngayon. All this time, I was wrong.

"Raff, alam kong nabigla ka sa mga sinabi ko. Matagal nang gustong mag-explain sa'yo ni Yael pero hindi mo siya binibigyan ng pagkakataon. He suffered a lot, at nasasaktan siya sa t'wing nakikita ka niyang nasasaktan."

Ang Nawawala Kong Panyo (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon